Prologue

1K 12 1
                                    

DIYOS KO, nakakapagod na, mahirap talaga ang nag iisa sa buhay, trabaho bahay, bahay trabaho.’ usal sa sarili ng dalagang si Irene Mae habang bumababa sa kanyang latest model  Accord Coupe na iginarahe nya sa loob ng bakuran ng kanyang single Dettach Apartment type two storey town house.

Tila pagod na sya at bagot na bagot na sa buhay mababanaag ang lungkot sa kanyang mamong mukha, pero kailangang magpatuloy.

Nilapitan nya ang Mail box na ugali nyang gawin tuwing hapon bago sya pumasok ng kabahayan.

    Araw araw, marami syang nakukuhang sobre, kadalasan galing sa bangko,  mga  billing statement ng ilang mga credit cards nya. May mga magazine din na pambabae mahilig din naman kasi syang mag subscribe sa ilang ladies magazine upang hindi mahuli kong ano na ba ang trend ng  business and fashion world. Kumbaga dapat sakay ka at sabay sa uso sayong kapaligiran. Kailangan nya ito dahil may kinalaman sa kanyang napiling negosyo, ang kalakaran ng Fashion, Promotional and Advertisement Agency.

    Dati nag umpisa lang sila ng kanyang mga dating ka trabaho na magtayo ng negosyong sila ang nag propromote o nagbebenta ng prudukto, minsan sila sila na rin ang model endorser , subalit kalaunan naisipan narin nilang pasukin ang Fashion world and Boutique at may roon na rin silang sariling Garment na kung saan mula sa koncepto ng mga sikat na fashion designer hangang sa finish product ay sila na ang nag aasikaso. Bentahe sa kanila ito dahil  alam nila ang pasikot sikot dito dahil dati silang mga Ramp model.

     Paano nga ba sya napasok sa kakaiba at hinahangaang  propesyong ito? Nag umpisa sya sa pagsali sa mga paligsahan sa iskwelahan, sa udyok na rin ng kanyang mga ka iskwela  during highschool time. Nasa ikatlong grado sya ng mataas an paaralan nang una syang sumabak at pinalad na siya ang tinanghal na Grand winner.  Hangang sa mag kolehiyo halos dominante nya ang mga ganitong patimpalak kumbaga angat sya sa laban.

Siguro dahil sa namumukod tanging ganda na taglay nya na namana sa magkahalong dugong kastila ng mga angkan ng Florendo at Angeles na may ilang porsyento rin nang chinese mestisa ma mula sa half pinay half chinese na kanyang lola na pinagkuhanan nya ng pambihirang kinis at kaputian ng mamula mulang balat. Dagdag pa na  nahumaling din sya sa kanyang ginagawa at nag eenjoy sya  dahil ito ang unang prioridad sa listahan ng kanyang mga pangarap.

Pagkatapos nya ng kolehiyo may isang modeling agency na nag alok sa kanya upang maging isa sya sa mga talent ng mga ito na agad naman nyang tinangap.

Nagtapos sya ng kursong Business Administration  sa isang sikat na Unibersidad sa Maynila subalit hindi nya agad napraktis ito dahil hindi ito ang hilig nya, napilit lang sya ng kanyang mga magulang na ito ang kuhaning kurso dahil lumaki sila sa larangan ng pag nenegosyo na namana pa nila sa kanilang mga ninuno..

Bagamat matagal na syang hinihintay upang tulungang pamahalaan ang napakalaking negosyo ng kanilang angkan ay ilang beses nyang tinanggihan.

Sya sana ang katuwang nang panganay na kapatid  sa pamamahala ng napakalawak na pataniman ng saging at pinya sa lalawigan ng Davao subalit  hindi sya napahinuhod ng mga ito .

Alam nyang hindi biro ang paghawak ng export industry  lalo na at halos world wide ang market ng kanilang produkto.

Mula sa pagtatanim , pag-aani, pag-iimbak, pag-iimpaki at pagpapadala kong saang lupalop ng mundo hangang sa pagbebenta ay halos saklay nito na siyang nais ipagamay ng kanyang lolo sa kanyang nakatatandang kapatid at sa kanya mismo.

   

Ang pagsawalang bahala nya  ang siyang naging dahilan upang tumabang ang pakikitungo sa kanya  nang kanyang lolo at lola na dahilan din upang mabuhos ang atensiyon at paghanga ng mga ito sa kanyang ka isa isang kapatid na lalaki na si Alberto Florendo, ang Vice President for Operation sa kasalukuyan.

  Dahil tapos ng Accountant, ang kanya namang kapatid na babae na pinaka bunso nila na si Ailyn Angeles Florendo ay tumatayong Head  ng Accounting Department ng Angeles Group of Companies  na ang pangunahing negosyo ay  may kinalaman sa Agrikultura.  Nagkaroon din sila nang sangay sa Trucking and Shipping Lines dahil sa pag papakalat ng mga prudukto maliban sa ilang Pasenger Bus na bumibyahe mula Davao hangang sa mga palibot lalawigan nito.

    Bagamat halos ang nag papalakad at namamahala ng transportation ay ang kaisa isang nakababatang kapatid ng kanyang lolo at ang mga anak  nito ay kabilang pa rin ito sa Grupo ng mga kompanya ng mga Angeles na minamaniobra ng kanyang Lolo na  tumatayong Supremo at utak kung paano patatakbuhin ang negosyo.

Ang salita nito ay batas ng kanilang angkan at alituntunin na dapat tupdin nila. Siya si  Don Remaldo Angeles. Isa itong mabait at mapagkalingang  amo sa kanyang nasasakupan subalit mahigit na abuelo para sa kanilang magkakapatid.

    Ang   kanyang ama na si Senyor  Porferio Florendo  ang tumatayong Presidente ng Companya habang ang kanya namang ina ang may hawak ng Marketing Department,  na sana ay  sa kanya ipagkakatiwala, lalo na ang pakikipag transakyon sa International Market .

    Sa kabuuan pagkaka baha bahagi ng tungkulin sa multi-milliong negosyo ito  sya lang ang maituturing na hindi sangkot sa kanilang family business.

   Noong una tutol na totol ang kanyang mama Cristina sa kanyang pag mo modelo, pero sa kalaunan dahil siguro ayaw na rin nitong pakialaman pa sya sa kanyang desisyon nanahimik na lang ito hinayaan na lang sya sa mundong gusto nyang galawan.

Ang kanya namang ama’y hindi masyadong nakiki alam sa desisyon ng kanyang mga anak, napaka supportive na ama nito hindi pala kibo na siya niyang lalong hinangaan dito pakiramdam tuloy nya ito lang ang kaisa isang kakampi nya sa buhay maliban sa kanyang bunsong kapatid na si Ailyn, Ngunit ang kanyang lolo at lola ay batid  nyang malaki ang hinanakit sa kanya..

HALIK - KAILYAN KTS  book ISBN= 978-971-011-526-6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon