Kabanata 05

2.3K 26 18
                                    

Sa Eroplano, nakatunghay sa labas ng tapered na bintana ang dalaga sinisipat nya ang ma berding kalupaan ng Pilipinas.  Naiisip nya isang oras mula ngayon muli na namang sasayad ang kanyang mga paa sa lupang pinagmulan, ang Davao, ang tirahan ng mga sikat na prutas sa Pilipinas na nakarating na sa buong mundo. Maraming masasayang ala alang ikinintal ito sa kanyang pagkatao, mga alala ala ng kanyang kamusmusan sa piling ng mapag kalingang mga magulang kung gaano tinitingala at iginagalang  ang lahi nila sa kanilang lugar.  Marahil ay dahil na rin sa kababaang loob ng kanyang lolo sa mga tauhan nito yon nga lang bakit humantong sa hidwa ang kanilang samahan na binura na lamang ng mahabang panahon na pangungulila ng mga ito sa kanya..

 Kung noon umalis syang luhaan ngayon uuwi pa rin ba syang luhaan dahil nakamit man ang pinapangarap na tagumpay subalit ang pangarap na pag ibig ay mailap..

      May kasama nga sayang lalaki subalit hindi tunay kundi bunga lamang ito ng isang imahinasyon at magdadamit ng balatkayo upang pagtakpan ang kanyang kasalatan ng pagmamahal mula sa isang kasuyo na nais nyang ilihim, ang aksidenting nahabi nya sa pamamagitan ng kasinungalingan.

 Ngayon nya lubos na nauunawa hindi nga pera ang sukatan ng kaligayahan  yon ay kung paano mo gugulin ang bawat minutong dumadaan sayong buhay sa piling ng iyong mga minamahal ,

Noong una masaya sya dahil nagawa nya na mamuhay at tumayo sa sariling mga paa. Pinag hirapang abutin ang pangarap baon baon ang inipong lakas ng loob at pumaimbulog sa kasikatan, subalit nang maabot na nya ang toktok ng itaas na pinapangarap saka lang sya nagising malayo na pala sya sa mga mahal sa buhay ..Ipinagpalit nya ang mga ito sa bantayog na ngayo’y nais na nyang  ibaba at hawiin ang kurtinang pader na nakaharang  sa kanila nang  mga kapamilya…  Ngunit bakit sa  isang pagbabalatkayo?..

Maaring mamamalas  nila ang mga ngiti sa kanyang mga labi,  maririnig nila  ang kanyang mga halakhak subalit lahat ng ito ay pawang palabas lamang sa entablado ng pagkukunwari.

Hangang ngayon pakiramdam nya nabubuhay pa rin sya sa kahubdan ng fashion world, maganda lang sa mga mata ang mga damit na ibinabandera nila sa parehabang intablado  na isinaklob sa katawang pinaghirapang imantini at sanayin sa mga bagay na may sagka. may tali ang kanilang mga kamay upang ang nais ng laman ay hindi magawa upang panatilihin ang puhunang katawan sa tamang hulma ng pamantayan..

hangang kailan sya mabubuhay sa pagkukunwari sa mundo? Nahahabag sya sa kanyang sariling kalagayan.

Kanina pa pala sya pinagmamasdan ng binata sa isang napakalungkot na Aura. Napansin nito na  inaagusan ng luha ang maburok na pisngi ng dalaga,  hindi sya maaring magkamali dahil sa tama ng liwanag na nanggagaling sa silahis ng araw na lumalagos sa salaming bintana ng eroplano, napansin nya ang kislap ng mga butil na nag uunahang lumagpak sa ibaba..

Automatikong iniunat nya ang kanyang braso pakawit sa balikat ng dalaga  sa kabila, inihilig nya ang ulo nito sa kanyang malalapad na dibdib.

“Wag kang umiyak hindi magandang mapansin nila na walang kislap ang iyong mga mata, pangako hindi kita pababayaan.” naibulong nito sa tenga ng dalaga.

Nakaramdam ng kapahingahan ang dalaga sa narinig, nausal  nya sa sarili, “sana totoo ka na subalit isa ka lang hiram na pagkatapos ng takdang panahon mawawala ka na rin sakin” ..may hatid na kirot sa puso nya ang saloobing yaon..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HALIK - KAILYAN KTS  book ISBN= 978-971-011-526-6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon