KUYA naman, wala ka na talagang mapipiga sakin, lahat ng pera ko naipadala ko na sa inyo pasensya ka na.’ hingi ni Nouer nang paumanhin sa kausap.
“Neng, baka naman may kilala kang nag papautang tulungan mo naman akong maghanap kahit sa lending investment ok lang”..
“Utang na naman, kuya kaya nga tayo nag ka problema dahil dyan sa utang na yan, kumbakit kasi hindi agad sinabi ni Tatay satin yan?..napataas tuloy ang tono ng dalagang kanina pa paroot parito sa harap ng kausap..
“Neng wag mo nang sisihin si tatay, ayaw nya lang siguro na mag alala tayo”..
Pasalampak syang umupo sa sopa sa tabi ng kausap, “Wag mag alala tapos ngayong problema na, tayo ang nahihirapan”..
“Sige na naman, gumawa ka nang paraan maiilit yong bukid kapag hindi tayo nakabayad sa bangko”..
“Eh saan naman tayo kukuha ng pambayad kung saka sakali?
“Kaya nga kailangan ko ng malaking pera para mabayaran ko ang tubo sa bangko at makabili ulit ako ng binhi”.
“Binhi na naman!” “Neng sige na wag na tayong magtalo, kaya lang naman tayo naghirap ng ganito dahil sa nag daang baha. Nakita mo naman walang pinakinabang sa mga tanim, tapos gumastos din ako sa rehabilatation ng bukid gasolina pa lang ng tractora ubos na ang ipon ko.”
“Hay naku kuya, ibenta nyo na lang yong lupa na yon at mag hanap ka na lang ng trabaho. Mag abroad ka na lang kaya kuya, total wala ka pa namang asawa. Imadyin Civil Engineer ka binuburo mo ang sarili mo sa pagsasaka dapat nag agriculture Engineer ka na lang”..
“Ineng, wag mo namang ganyanin ang kuya mo, nakaka pangontrata naman ako paminsan minsan satin kapag tapos na akong magsaka”.
“Hay naku sige bahala na mag puputa ako para matapos na yang problema mo.”
Napamulagat ang kapatid sa kanyang pagbibiro“Wag namang gay-on Ineng”..
Tumayo ang dalaga “Ay sya kuya, tama na yang usapan natin sumasakit na ang ulo ko, Paki dala mo na nga rin kay Inay itong pinabili nyang mga tela at nang matapos na yong pinagagawa kong mga kurtina sa bahay .
Pag uwi ko ako ang magpapalit kamo kaya dapat tapos na yan ha”..
“Opo” sagot ng binata tumayo ito at isa isang isiniksik ang mga tela sa isang maleta ..
“Ineng hindi kaya makantyawan ako pag uwi ko satin na galing akong abroad, ay kalaki naman naring maleta mo”..
“Eh, nagreklamo pa si Manong ay sa wala tayong maliit, yong ibibili natin idagdag mo na lang sa pamasahe mo, hindi na tayo mayaman ako nga eh baka isangla ko na rin ang kotse ko at mag je jeep na lang ako”.
Napabunghalit ng tawa ang binata “Wahahaha ineng akoy pinapatawa mo saan ka naman nakakita ng Head of Department, isang dating sikat na modelo
na nag Je Jeep?’
Napasimangot ang dalaga,
“Hoy nga pala, kumusta na baga kayo ni Hector?”
“Hay naku kuya, nang aasar ka, sabihin mo sa kanya na wala pa akong balak mag asawa. Kung mahal nya ako antayin nya akong yumaman muna, dahil baka isumbat pa ng mga magulang nya na kayamanan lang nila ang gusto ko sa kanya”..
‘Hindi naman matapobre ang angkan nila ah”..sagot ng binata na tila ipinagtatangol ang kaibigan na matagal na nyang alam na pomoporma sa kapatid.
“At saka bakit, mahirap ba tayo? Abay, hindi ako papayag dahil hindi pa naman tayo sumasala sa oras ng pagkain nakakabili pa naman tayo ng gusto nating ulam at hindi naman ako mag aalangan ilaban sa kanya ang kapatid ko, abay saan ka pa, yan ang probinsyanang naging modelo ”..dagdag ng binata