Kinabukasan halos walang ganang magtrabaho ni Nouer. Naisip nyang umuwi na lang bago magtanghalian..marahil dahil naiipit sya sa kapighatian ng dalawang taong malapit sa kanyang puso.
Ang suliranin ng matalik na kaibigan at ang pampamilyang o mas tamang tawaging pang kumunidad na suliraning kinasasangkutan ng napakabait na kapatid na ngayoy hindi nya alam kong mapapatawad pa sya dahil napagalit nya ito, idinamay pa nila sa problema nila ng kaibigan samantalang mayroon din itong pinapasang mabigat na responsibilidad at suliranin na hindi nito alam kong pano lulutasin. .
Pagdating nya ng bahay wala pa rin syang nabubuong balakin.
Wala sa isip na tinawagan ang kaibigan..
“Hello sistah kumusta ka na?”
……;…………………..”
“Huh! wag na huwag mong gagawin yan wala akong tiwala doon baka mapahamak ka please ..Magpahinga ka na muna gagawa ako nang paraan basta dyan ka lang ok..bye. ..”
Naisabunot nya ang kamay sa sariling buhok, dahil sa awa sa kaibigan naka pangako sya ng isang bagay na walang katiyakan.
Nag palakad lakad sya ng silid naisipan nyang buksan ang bintana upang makasagap ng sariwang hangin ang utak, ganito daw kasi para makapag isip ng maayos tumingin sa malayo at i relaks ang sarili.
Biglang may gumuhit na idea sa kanyang balintataw “Hmmm pwede siguro pera laban sa konsensya. Huling baraha ko na ito hindi ko hahayaang pasanin nyang mag isa ang problema nya.”
Nag pasya sya at bumuo ng balakin kailangan nyang sumugal upang matulungan ang dalawang taong malapit sa buhay nya sukdulang sya ang malagay sa alanganin.
Idinayal nya ang telepono..
“ Hello” pinaganda nya ang boses dinagdagan nya ng lambing ,,
Matapos ang kumustahan iniba nya ang paksa……………
……………, syanga pala may hihingin akong pabor sayo alam ko naman na hindi mo ako tatangihan eh dahil ikaw lang ang kahulihulihan kong pweding lapitan sa lahat ng panahon.” Napakamalumanay na wika ni Nouer sa kausap alam nyang nakuha na nya ang simpatya nito.
“Sige ipaliwanag mo nang maayos” sagot ng kausap.
“Dito na lang sa bahay, kung pwede lumuwas ka na ngayon, sige na please.”
“Ok Bye.” Huling wika ng kausap bago nito putulin ang usapan napangiti ang dalaga.
“Yesss!” halos magtatalon sya sa tuwa pagkatapos nilang mag usap sa telepono ramdam nyang malapit na nyang makumbinsi ang kausap.
Muli nyang tinawagan ang kaibigan.
“Hello sis pupunta ako ngayon dyan mag usap tayo wag kang aalis ha magbibihis lang ako, bye”
-===-==
“Sister no choice na tayo kailangan na nating sumugal bago pa mahuli ang lahat, mamili ka ang pamilya mo o ang pera mo?”
“Marami akong pera pero mas mahalaga pa ba yon sa family ko?” naguguluhang sagot ng kaibigan.
“Yon naman pala eh, solve na ang problema mo pera lang ang katapat nyan. Ito ang deal makinig ka ako na ang kausap mo, bale lalabas ako ang agent mo at sa akin ka lang pweding makipag transaksyon tungkol sa usapan natin.