“Bakit ka tulala ? Hinahanap mo siya no?” Tanong ni Rikka
“Alam mo ang echos mo..”
“Eh….Kasi naman bakit ka kasi tulala?” dugtong niya pa..
“Nakita mo ba si Hubby ko? I mean si Ryota?” tanong ko sa kanya, hindi ko na kasi siya nakikita, tignan mo kakasagot ko lang sa kanya nung isang buwan tapos nawala na.. Worried na talaga ako T___T
“Ahhh… Oo kanina ka pa niya hinhanap… Nandun ata siya sa court naglalaro, nadaanan ko siya kanina… Ayy sus! Yiiiiieeeeeee Mahal mo ba?” Aba ! dame alam nitong babaeng to ahhhh… Unfortunately hindi ko alam ang isasagot ko kasi nga naguguluhan pa ako.. Pero bakit kasi ang bilis kong makaramdam? Yun ang tanong ko sa sarili ko na hindi ko masagot!!!
“Yun nga eh… Hindi ko talaga alam.. kung ano ba talaga.. Tsaka minsan nawawala yung feelings ko sa kanya.. Hay Ewan!” Sagot ko sa tanong niya.. Totoo yun! XD
“Mararamdaman mo rin yan…!” Pa cheer-up ka pa Rikka -_-
“Sige punta muna ako sa canteen..” Pero ang totoo sa court talaga ang punta ko..
Nandito na ako sa court, at hinahanap ko siya sa mga manglalaro sa campus namin… Hindi ko siya mahanap, Uggggghhhhh namimis ko na siya na parang hindi.. EWAN!!!!! Asan na kasi yun?
“Wifey ko!”
Teka?
“Hubby ko?” malamang tinawag ka na nga niya eh.. Sakurada! Ang hina ng kokote mo!
“How was your day Wifey ko?” ang sweet ng boses niya, mabango pa siya, maputi, red lips shocksss!! Saan ka pa!
“Masaya naman Hubby ko, hinahanap mo daw ako sabi ni Rikka?”
“Oo kaso wala ka pa daw sabi niya..”
“Bakit pawis na pawis ka?” eh kasi naman parang naulanan siya.. Basang-basang siya naku! Mag-kakasakit tong hubby ko
“Nag-laro kasi kami ng basketball…” HUWOWWWW!!! Basketball player siya? Kaya pala pawis na pawis siya…
“Mag-pahinga ka na Hubby ko.. Baka kasi mag ka-sakit ka niyan, magpalit ka nang damit mo..”
“Hindi pwede kasi may practice pa kami Wifey ko..” huh?! What if magkasakit talaga siya? Masyado na akong worried eh halos 3 months pa lang kami..
“Eh kasi, pano kung, eh, ano,” bigla niyang hinawakan ang mga labi ko at sinabing..
“Shhhhhh….. Huwag ka ng mag-worried Wifey ko, ayos lang ako..” sabay ngiti siya.. Arggghhh! What if nga talaga? Haist ! Lintek na pag-ibig to..
“Sige na nga pero pag-tapos niyan mag palit ka ng damit mo at magpahinga ka or matulog ka.. Okay?”
“Yes Wifey ko.. Sige balik na ako at ikaw din balik ka na sa classroom mo..”
Sinunod ko na siya syempre punta na ako sa classroom ko para hindi mahuli or malate.. Hay kamusta naman kaya yun si Ryota? GAWD! Totoo na ba talaga to??
“Hoi! Bakla!”
Ako? Bakla? Kailan pa?
“Ikaw pala yan Edil..” kala ko kung sino si Edil lang pala… Kaibigan kong bakla pero matalino yan huwag niyo lang ijujudge kasi babarahin kayo niyan.. Honesto!
BINABASA MO ANG
The Obsessed Girlfriend
FanfictionDid you fall in love to someone? Yung feeling na gusto mo ikaw lang? At sayo lang siya ? Ayaw ng may kaagaw? Lahat naman ng relasyon eh may hadlang.. Nakadepende sayo kung lulutasan mo ito .. Read this story to see the steps or kung paano gumawa ng...