“Ayoko na Sakurada! Hindi ko na kaya!” Pag-sabi ni Ryota habang siya ay umiiyak sa harap ko
“Pero ayokong mawala ka sa akin!” Sagot ko rito habang ako rin ay umiiyak
“Pero kailangan Sakurada!!! Sinasaktan lang kita!!!!” Pasigaw niyang sinabi sa akin
Teka teka ?! Bakit ba tayo na punta agad jan? Break agad? Ang bilis naman ! Wala pa nga eh ! Okay okay from the top!!!!!!!! :D
(July 19 2011)
“Sakurada punta ka daw sa garden sabi ni Drew” Pasabi ni Len sa akin
“Huh? Bakit naman daw?” Sagot ko
“Basta pumunta ka na lang..” hinila ako agad ni Len papunta sa garden, bigla siyang tumigil sa may pintuan at sinabing “Tatakpan ko mga mata mo..” nagulat ako sa sinabi niya
“Teka nga ano ba to Len ? Ha ? Mag-sabi ka nga” Pataray na sabi ko sa kanya
“Basta” bigla niyang piniringan ang mga mata ko … Ano ba kasi to !
“Dahan-dahan”
Wow ha ?!
“Ano ba kasi yun?”
“Manahimik ka na lang..” Haist ! Oo naman ! Inalalayan ako ni Len palabas at papuntang garden
“Umupo ka”
“Ha?”
“Umupo ka sabi ko..”
“Paano ako uupo kung hindi ko naman nakikita..”
“Umupo ka na kasi..!”
“Oo na” umupo ako sa upuan.. Ano ba kasi to baka mamaya prank to medyo kinakabahan na ako sa mga nangyayare ha… Nagulat ako dahil may nag-tanggal ng piring ko naku sino naman kaya to!
“Saku?”
“R-Ryota?” hindi ko akalain na siya yung nag-tanggal ng piring ko
“A-Ano bang meron?” Dugtong ko… Bigla niyang niluhod ang kaliwa niyang tuhod at sabay sinabing “Sakurada mahal mo ba ako?” Ha? Ano daw? Nabingi ako dun ahhh.. Natulala ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya…. Medyo may nararamdaman ako sa kanya pero ang gulo talaga…
“Bakit mo naman natanong yan?” Ikaw Sakurada bakit ganyan ka mag-tanong? Tanga mo talaga!
“Po?” Sagot niya
“Ahhhhmmm…. Wala po..” Palusot ko sa kanya
“Sakurada ano kasi…” Medyo ninenerbiyos siya sa sinasabi niya
“Ano ?”
“P-Pwede bang mang l-ligaw?” OMG ! Di nga?! HUWWWAAAAAATTTT ??? Ligaw ? Eh Ano ba talaga!! ang gulo ko pa rin… Ano bang sasabihin ko T____T
“Ahhhmmmm….. Bakit naman?” sige push ko to!
“Gusto kasi kita I mean…. Mahal kasi kita..” AGAD !!!!!!????? Jinojoke ba ako neto? Ryota ano bang nakain mo?
BINABASA MO ANG
The Obsessed Girlfriend
FanficDid you fall in love to someone? Yung feeling na gusto mo ikaw lang? At sayo lang siya ? Ayaw ng may kaagaw? Lahat naman ng relasyon eh may hadlang.. Nakadepende sayo kung lulutasan mo ito .. Read this story to see the steps or kung paano gumawa ng...