Part 2:
[Nadine's POV]
Let's hanap hanap hanap hanap. Maghanap tayo ng isang stan ng EXO na makakasama kong mag spazz. Ahahaha. Kainis naman kasi yung si Ninang Jothia eh, hmf. Bakit kasi ngayon pa niya nalaman -_-
"Naaaadiiine!" Sinong may gwapong boses ang tumatawag sa aking napakagandang pangalan?
"Why Kuya Gwapooo?" Tanong ko sakanya pagkalingon ko.
"Nakita mo ba yung kapatid ko baby Ganda?"
"Ay, hindi po kuya Gwapo eh."
"Ah sige thanks nalang baby Ganda." Tapos ginulo niya ang buhok ko bago tumakbo paalis.
"Kuya naman eeee!" Sigaw ko sa papalayong kuya Jace. Nakita ko lang siyang tumawa pagkarinig nung sigaw ko. Haha ang gwapo lang *-*
Pati yung tawa ang gwapo, kainis naman. Kala ko ba walang taong perpekto sa mundong ito? Hahaynako...
Maipagpatuloy na nga lang ang paghahanap.
[Amber's POV]
"Amber!" Napalingon ako kay Kuya Jace na hinihingal. Tumakbo ba to?
"Oh Kuya, bakit?" Tanong ko kay Kuya Jace.
"Pinapatawag ka ni Mommy, nasa office ko siya."
"Ah sige."
→
Andito na'ko sa labas ng office ni Kuya at hindi ko talaga alam kung bakit kinakabahan ako. Bakit kaya niya ako pinatawag?
Kumatok ako sa pintuan at dahan-dahang binuksan ito. "Mom?"
"Oh Amber, come in." At ginawa ko naman yung sinabi niya.
Nakaupo siya sa office chair ni kuya at umupo naman ako sa harap niya.
"Bakit niyo po pala ako pinatawag?" Tanong ko kay Mommy habang kinakalikot ko yung phone ko. May hinahanap akong kanta eh.
"Umuwi ka ng maaga mamaya." Sabi niya o dapat ko bang sabihing, utos niya?
"Bakit po? Anong meron at parang kailangan ko talagang umuwi ng maaga?"
"We'll have some important visitors later for dinner. You'll have to ready yourself. You'll need to wear a dress—"
"PERO Mom—"
"—EVEN IF you hate wearing one." At inemphasize niya talaga yung 'even if.'
Ano ba kasi talagang meron mamaya? Pathrill naman tong si Mommy eh.
"Ano po ba kasi talagang meron mamayaaaa?" Tanong ko sakanya.
Tumayo siya at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan.
Kumindat siya sa akin bago lumabas at sinabing, "you'll know soon." Kainis naman, iniwan niya ako ditong nakatanga. Hahay.
→
Nandito ako sa bahay namin, as what Mom said, nag-aayos ako ng sarili ko para sa dinner. Sino ba kasi talaga yang mga bisitang yan? Paimportant much eh. Kainis.
Tapos ko ng ayusan ang sarili ko at ngayon, nakatitig ako sa sarili kong repleksyon. Ayoko talagang nagsusuot ng dress, kainiiis talaga, kainis.
Narinig kong may kumatok at sumunod dun ay ang boses ng maid namin, "Amber?"
"Po?" Sagot ko sakanya habang papunta ako sa may pintuan para pagbuksan siya.
Nang nabuksan ko na yung pintuan, nagsalita siyang muli. "Hinahanap ka na sa ibaba, andyaan na rin yung mga bisita," nakangiti niyang sabi.
Ngumiti naman ako sakanya pabalik at sinabing, "ah sige po, salamat."
Umalis na siya at tinignan kong muli ang sarili ko sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Yung kanina nga pala, yung maid. Siya yung nanay nila Shantall at Shan. Nakakapagtaka nga yung si Shantall, yung kuya at nanay niya ambabait kaso siya hindi. Siguro inampon lang yun? Haha.
Nagsimula na akong bumaba ng hagdan, dahan dahan lang. Di ako excited sa kung sino man yang mga paimportanteng mga bisitang yan.
Nakayuko lang ako habang pababa, nakatuon lang yung pansin ko sa steps ng hagdan. Ngunit may isang panglalaking boses ang nakakuha ng atensyon ko, "hi Amber?"
Napatigil ako, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Nakayuko parin ako na para bang ayaw kong tumingala para tignan kung sino yung lalaking nagsalita. Nagsisimula na akong mag-expect kung sino pero hindi naman niya ako kilala, ah. Hindi siya ito, oo nga hindi siya ito. Ang assumera talaga Amber!
At dahil natauhan na ako, tumingala ako at nagulat ng makita ko kung sino yung lalaki, "anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.
Ngumiti siya at dahan dahan akong nilapitan, "Amber..."
Nanglaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
→
Thank you sa mga nagbabasa :)
Don't forget to vote and comment guuuuuys!
Thaaaaaaanks!
love,
'tine
BINABASA MO ANG
Love is Blind [On-Going]
Ficțiune adolescențiGanoon na ba talaga kaTANGA ang mga taong TANGA sa PAG-IBIG? Kahit alam nilang mayroong IBA ang kanilang NOBYO/NOBYA?