PROLOGUE

870 30 4
                                        

March 1, 1949

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

March 1, 1949

"Tama ang iyong nababasa, Vicente. Ibinilin sa akin ng inyong ama kung gaano kalaki ang porsyentong makukuha ninyong magkapatid, nakasaad na rin sa kasulatan kung anong ari-arian ang nakapangalan na sainyo." Saad ni Ignacio, tapat na abogado ni Don Josefino.

Buntong-hiningang ine-eksamina ni Vicente ang kasulatan at hindi niya mawari kung anu-anong emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Ngunit isa lamang ang sigurado, nangunguna ang galit doon.

"Ngunit, hindi pa halos aabot sa dalawampu ang porsyento na para saakin?! Parang hindi naman ata nararapat na ganto lamang ang aking matatanggap matapos nang lahat ng aking paghihirap para sa mga negosyo ni papá?!" Aniya.

"Sinusunod ko lamang ang huling habilin ng inyong ama, Vicente." Mapagkumbabang dagdag ni Ignacio.

Napabuntong hininga si Josefino—ang nakakatandang kapatid ni Vicente. "Tama si Vicente, Ignacio. Parang hindi naman din tamang pakinggan na halos saakin lahat mapupunta ang mga ari-arian ni papá at ng mga Tolentino."

"Tama si kuya, Ignacio! Hindi ba pwedeng gawing... pantay... ang hatian? Ama ko rin si Don Josefino, higit pa d'un, naging mabuti akong anak sakaniya?!"

"Naiintindihan ko kayo pareho, ngunit, lahat ng kasulatan ay pirmado at nakaselyo ni Don Josefino. Maging ako'y hindi ko batid ang kaniyang naging desisyon. Sinusunod ko lamang siya." Ani ng abogado.

"Paano naman si Vicente? Mukhang ang pinamana pang lupain sakanya ay ang dating tapunan ng mga lumang gamit ng pamilya?" Tanong ng panganay.

Malapit nang tumulo ang luha ni Vicente sa inis dahil hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Kumuyom lalo ang kaniyang kamao.

Pumanaw na kasi ang kanilang ama at ang iniwang kayamanan at ari-arian nito ay ipapamana halos kay Josefino Jr.

Maraming kayamanan ang kanilang ama, bukod sa mga mansiyon, nagmamay-ari rin ng napakaraming hacienda sa probinsya ng Leyte si Don Josefino Tolentino Sr., Kilala ito sa pagiging mabuti at matulungin, kaya naman, itinalaga siya ng mga tao sa probinsya bilang alkalde.

Humigpit lalo ang pagkakuyom ni Vicente sa kaniyang kamao, "para nila akong inaalipusta! Ang lumang lupain pa ang gustong ipamana sa'akin?! Hindi ako makapaniwala! Mukha ba akong baboy?! Ginawa ko ang lahat para maging pabor sa'kin ang papá, pero ganito lang din ang gagawin niya sa'kin?!" Saad nito sa kaniyang isipan.

"Gayunpaman, maligayang pagbati, ginoong Josefino!" Masayang bati ng abogado at inabot nito ang kamay sabay yakap kay Josefino na kinakunot lalo ng noo ni Vicente.

"Ikaw na ang susunod sa yapak ni Don Josefino Sr.!"

Naiilang na inabot ni Josefino ang kamay ni Ignacio at halatang kinokontrol ang magiging reaksyon. Nasa isip ni Josefino na dapat ay hindi siya masaya sa naging desisyon ng ama dahil para sa kaniya ay hindi ito makatuwiran, ngunit, wala naman siyang alam sa totoong dahilan ng kanilang ama sa mga naging desisyon nito.

"At talagang masaya pa kayo na ganoon ang nangyari?!" Tumayong naggagalaiti sa galit si Vicente at padabog na lumisan sa salas ng masyon ng kanilang ama.

Head [On-going Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon