CHAPTER 3

161 12 0
                                        

***

Hiyang-hiya si Mika sa kaniyang ayos. Ilang minuto palang na ganito ang kaniyang anyo ay hindi na niya ito masikmura at kanina pa gustong hubarin ang black spaghetti strap dress na suot. Hindi talaga siya sanay sa mga ganitong kasuotan dahil kinalakihan na niya ang oversized t-shirt at maong pants.

"Jinkey, nakakailang 'tong suot ko. Gusto ko nang hubarin." Reklamo niya sa kaibigan.

Inaya kasi siya nito na pumunta sa isang sikat na club sa BGC. Pumayag siya sa gusto ng kaibigan na magsuot at mag-ayos pambabae dahil ang kapalit nito'y ipapakilala siya sa kaibigan nitong maganda.

"Maghubad ka! Tignan natin kung sinong walang damit?!" Pinanlakihan siya ng mata ng kaibigan. "Tsaka deal 'to at pumayag ka, kaya gawin mo!" Iritang dagdag pa nito.

Pagkahinto ng grab car na kanilang sinasakyan sa tapat na nasabing club ay agad silang pumasok sa loob matapos makumpirma ng bouncer ang kanilang edad at reservation. Sa entrance pa lamang ay rinig na rinig na ang malakas na tugtog mula sa dance floor.

Hindi niya pa sana gustong tuluyang makapasok ngunit hinila siya ng kaibigan. Binalot siya ng hiya nang maramdaman ang tingin sa kaniya ng mga tao sa paligid. Napakuyom siya ng kamao nang mapagtantong halos kalalakihan ang tumitingin sa kaniya.

"Hi miss!" Bati sa kaniya ng mga nakakasalubong habang hawak pa rin ng kaibigan ang kaniyang pulso at hinihila papunta sa isang table. Napapangiwi siya at hindi pinapansin ang mga bumabati.

Sobrang ingay ng paligid, malakas ang tugtugin, at puno ng mga kanya-kanyang grupo ng mga tao. Lahat at nagsasaya dala-dala ang alak habang sumasayaw at umiinom na tila wala nang bukas.

Huminto silang saglit sa gitna ng mga nagsasayawan upang maayos na makita ng kaniyang kaibigan ang mga hinahanap na kasama. "Ayun!" Masayang sigaw ng kaibigan at muli siyang hinila papunta sa isang circular table. May ilang kalalakihan ang nakaupo doon at mga babaeng nakaupo sa kanilang tabi.

Puno ng mga pamilyar na mukha ang table. Ayun ay sila Alwin, Richard at Fedirich na may kasamang hindi pamilyar na mga babae, "Uyy! Nice to see you!" Bungad sa kanila.

Napako ang tingin ng lahat kay Mika. Napapailing siya pilit na ngumiti at tumango sa mga tropa. "Ako parin 'to!" Pinandilatan niya ng mata ang tatlong lalaki nang mapansing nagtataka ang mga ito.

"Akala ko kung sinong chix! Sh*t si Mika pala!" Napahalakhak si Alwin nang matapos magloading ang utak. "You're so damn hot! Ngayon lang kitang nakitang nakaganyan!" Pahabol na biro nito.

Huminto saglit si Mika nang mapansing may taong kanina pa nakatingin sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang peripheral vision. Lumingon siya at napatingin sa gawing kaliwa. Nagulat siya at muling tumingin sa mga kaibigan. "Putek! Bat nandito 'yan!?" Bulong niya sa sarili.

"Bat parang nakakita ka ng multo?" Tanong ni Richard nang mapansing nagbago ang hilatsa ng mukha ni Mika. Balak pa sana nitong tumingin sa direksyong kaniyang tinitignan ngunit pinigilan niya ito.

"Wala!" Bulalas niya.

"Kala ko naman... Tara umupo na kayo! Oorder ako ng maiinom."

Umupo sila sa katabing sofa. Mas lalo siyang hindi naging komportable dahil maliban sa kaniyang suot, alam niyang nakatingin parin sa kaniya ang grupo nila Kurt.

Nagtaas ng kamay ang kaniyang kaibigan, senyas na lumapit ang bouncer na nasa di-kalayuan upang umorder ng dagdag na maiinom. Ilang sandali pa ay bumalik ang bouncer na may dala-dalang apat na bote ng Bacardi kasama ang mga shot glass.

Hindi pa rin komportable si Mika sa paligid kahit pa napapaligiran siya ng sariling mga kaibigan. Para mawala ang ilang ay naisipan niyang kuhanin ang isang bote ng alak at lagukin ito. Hindi na siya gumamit pa ng shot glass.

Head [On-going Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon