Habang nasa biyahe ay panaka-nakang napapatingin ang magkakasama sa paligid dahil hindi sila makampante na magiging ligtas sila sa biyahe nilang iyon.
Nakatanim rin sa isip nila na dapat maging mapagmatyag dahil kahit anong oras ay may nakaambang na panganib sa kanila.
Pinapalibot ni Rico ang kaniyang paningin. Dalawa silang nakaupo ni Carlos sa likuran ng driver habang si Janine at ang Padre naman ay nasa loob ng tricycle.
Kumunot ang noo ni Rico nang mapansin ang mga mata ng nagmamaneho mula sa side mirror nito.
Napakurap siya at ibinaling sa paligid ang paningin. Ngayon ay tinatahak na nila ang lugar kung saan tanging mga palayan lang ang makikita. Niisa ay wala kang makikitang bahay o anumang nakatayo sa mga taniman maliban nalang sa mga palay. Wala ring tao, malamang sa malamang ay malapit na sila sa Hacienda Y Tolentinos.
Muli siyang napatingin sa nagmamaneho at muntikan na siyang mapamura nang makita niya ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya sa side mirror. Malawak ang ngiti nito at nangingitim ang mga mata. Para itong sinaniban kaya bago pa man paharurutin nito ang pag-andar ng tricycle ay agad siyang sumigaw,
"Baba!" Nagsitalunan silang lahat nang matapos siyang sumigaw.
Alam niyang kapag hindi sila tumalon ay mas malala pa ang maabot nilang sakit sa katawan at maari rin nila itong ikamatay kapag nagkataon.
Humarurot ang nasabing tricycle at bumangga ito sa isang malaking puno. Naghawak-hawak kamay sila at sabay-sabay na tumakbo upang malagpasan nila ang nasabing tricycle.
Nang makalayo ay saka lang sila nakahinga nang maluwag dahil alam nila'y ligtas na sila. Mabuti nalang at nakita ni Rico ang nangyari sa tricycle driver.
"Umitim 'yung mata nung driver. Balak niya tayong ipahamak!" Hinihingal na saad niya. Lahat sila ay naghahabol ng hininga.
"Mabuti at nakita mo Rico. Kundi baka nasama tayo dun sa driver na bumangga sa puno." Saad naman ni Janine.
Napapikit nang mariin si Carlos. Naglakad-lakad pa sila at ngayon ay hindi na nila alam kung ano ang daang tinatahak nila kung tama ba ito.
"Wala akong makita niisang kubo dito. Paano 'to!? Nanggagabi na wala tayong pwedeng pag-i-stay-an." Napapabuntong-hiningang saad ni Carlos.
Nagtuloy lang sila sa paglalakad. Habang naglalakad ay kinakain ni Janine ang dala-dala niyang biscuit para maibsan ang kaniyang pagkagutom.
Nabuhayan silang lahat ng loob nang makakita ng isang kubo sa dikalayuan. Medyo binilisan pa nila ang kanilang paglalakad at ilang sandali ang nagdaan napuntahan nila ang kubo.
Naabutan nilang may isang babae na nasa labas ng kubo at mayroon ring matandang lalaki ang nakaupo sa gilid.
Nung una'y malungkot parehas ang itsura ng mga ito ngunit nang makita sila'y umaliwalas ang mga mukha nito.
"Himala! May nakita rin tayong ibang tao!" Saad ng babaeng nasa edad disi-otso. Mahaba ang buhok nito at kayumanggi ang kulay ng balat.
"Magandang gabi po, ako po si Padre Jeremiah. Maaari po bang magtanong?" Tanong ng Pari at una itong lumapit sa kubo para magtanong.
"Abay oo naman! Ano ba iyon?" Tugon ng lalaking nasa edad kwarentay singko. May kapayatan ang katawan nito at kayumanggi rin ang kulay ng balat nito.
"Nako maraming salamat! Maaari niyo po bang sabihin saamin kung anong lugar na ito? Kanina pa po kami naglalakad baka maligaw kami."
Napakunot noo ang lalaki at tumingin sa mga kasama ng Pari. Napansin nitong malalaki ang mga bagahe nila at mukhang mga bakasyunista sila dito sa Samar.
"Ay, nandito kayo ngayon sa Palaan," napahinto ito sa pagsasalita at muling tumingin kila Rico. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito nang makita ang pagod sa kanilang mga mukha, "Bakit ba kayo nandirito? Mukhang nanggaling pa kayo sa malayo?"
"Oo nga Padre, wala namang pumupunta dito. Nakapagtataka dahil nakita namin kayo dito. Naliligaw po ba kayo?" Singit ng kasama nitong babae.
"Yoon ang hindi namin alam. May lugar dapat kasi kaming pupuntahan. Ang kaso nagkaroon ng aberya kaya naglakad kami patungo dito. Nga pala, alam niyo po ba kung saan ang Hacienda Y Tolentinos?"
Kinilabutan ang bata at ang matanda sa tanong ni Padre Jeremiah. Nagkatinginan ang mga ito tsaka muling humarap sa kanila.
"Dilikado po ang lugar na 'yun. Bakit niyo po balak na puntahan?" Tanong ng dalagita.
"Mahaba pong kwento. Basta po kailangan naming pumunta doon bago magliwanag." Si Janine na ang sumagot.
Napabuntong hininga ang matanda, "Matagal ng walang pumupunta doon dahil nga sa marami na ang hindi nakakabalik kapag pumupunta sa lugar na 'yun. Simula palang noong bata ako hanggang sa ngayon naging abandonado na ang Hacienda. Marami ng nangahas na bilhin at pakinabangan ang pag-aari ng mga Tolentino ngunit hindi sila nagtatagumpay dahil namamatay ang kung sino mang mangahas na gawin 'yun sa lugar."
"Kaya wala na pong pumupunta doon. Hinayaan nalang nila na maging abandonado ang Hacienda." Saad ng dalagita.
"Lumalalim na ang gabi. Kung pupunta kayo sa Hacienda medyo malayo-layo pa ang lalakarin niyo dahil wala namang sasakyan na dumaraan dito. Pansamantala muna kayong tumuloy dito sa maliit naming kubo at huwag kayong mag-alala, hindi kami masasamang tao." Nakangiting saad ng matanda.
Napangiti silang lahat at sumunod sila sa dalagita papasok sa maliit na kubo. Mayroong isang malaking katre doon at tanging kandila o gasera lang ang nagpapailaw sa buong paligid.
"Kung nagtataka kayo kung bakit nandito kami nakatira ay sinadya namin dito. Tapat kasi na lingkod ang Ina kong si Nay Rosetes sa Hacienda ng mga Tolentino at gusto niyang bantayan namin ang Hacienda kahit sa malayuan lang. Wala naman kaming nakikitang mali doon kaya pumayag narin akong anak niya. Siya nga pala, ako si Pulon at ito naman ang anak kong si Kristina."
"Hello po!" Saad ng dalagita at nagmano kay Father Jeremiah.
Nagpakilala sina Janine, Rico at Carlos tsaka nagmano kay Mang Pulon. Mabuti nalang at may mabuting mga tao ang tumulong sa kanila at handang patuluyin sila kahit mga estranghero sila.
BINABASA MO ANG
Head [On-going Revision]
General FictionAngelita, halos perpekto ang katayuan sa buhay at angking katangian. Mayroong mapagmahal na asawa at malalim ang pananampalataya sa Diyos ngunit nagbago ito nang karumal-dumal na pinaslang ang kaniyang asawa, si Josefino--tagapagmana ng angkang Tole...
![Head [On-going Revision]](https://img.wattpad.com/cover/135299009-64-k280801.jpg)