"Bakit pa kailangang magbihis? Sayang din naman ang porma... lagi lang naman may sisingit, sa t'wing tayo'y magkasama... Bakit pa kailangan ng rosas kung marami naman ang mag-aalay sayo..."
Kasalukuyang bumabyahe ang magmakaibigan patungo sa gubat na kanilang pagkacampingan. Masaya silang nagkakantahan habang sinasabayan ang pagigitara ni Carlos.
"Tutugtog nalang at aawit... Maghihintay ng pagkakataon... Hahayaan nalang silang magkandarapa na manligaw sayo... eyy!"
Habang patuloy na naggigitara si Carlos ay panaka-naka siyang napapatingin kay Diana at ngumingiti.
Kagaya ng kanilang napag-usapan ay muli silang nagsimula mula sa umpisa. Mapasahanggang ngayon ay patuloy nilang kinikilala ng mabuti ang isa't-isa. Kung ano ba talaga ang nangyari at mga napagdaanan nila dati.
Habang patuloy na nakatulala si Rico sa labasa ng sasakyan at nakangising nakatingin lang sa kaniya si Janine.
Para maputol ang patulala ng binata ay naisipan ni Janine na halikan siya sa pisngi nang mabilis.
"Ikaw ha, alam ko namang mahal na mahal mo'ko pero wag dito. Masyado tayong pda." Saad ni Rico nang mabalik sa tamang wisyo.
"Kanina kapa kasi nakatulala. Sira!"
BINABASA MO ANG
Head [On-going Revision]
General FictionAngelita, halos perpekto ang katayuan sa buhay at angking katangian. Mayroong mapagmahal na asawa at malalim ang pananampalataya sa Diyos ngunit nagbago ito nang karumal-dumal na pinaslang ang kaniyang asawa, si Josefino--tagapagmana ng angkang Tole...
![Head [On-going Revision]](https://img.wattpad.com/cover/135299009-64-k280801.jpg)