CHAPTER 2

238 11 0
                                        


-----

Abala sa pananaliksik si Diana. Tumayo pa siyang muli upang kumuha ng panibagong libro dahil kulang ang impormasyong kaniyang nakuha. Kasalukuyan siyang nasa library ng kanilang unibersidad. Mag-isa't tutok na tutok nanaman sa pag aaral.

"Lessen the proprietorship..." Bulong sa sarili habang isinusulat sa kaniyang kwaderno ang piling mga detalyeng kaniyang nababasa.

Kagaya ni Janine, BS in Accountancy rin ang kaniyang kinuhang kurso. Balak niya kasing maging CPA pagdating ng araw at dahil ito rin ang gusto ng kaniyang mga magulang para sa kaniya.

Bata palang si Diana ay kilala na siya sa pagiging masipag at matalinong mag-aaral. Mula elementary hanggang siya ay magcollege ay pinanatili niya ang matataas na grado at ranggo pagdating sa honors.

Pala-sali siya mga paligsahang patalasan ng utak at madalas rin siyang makahakot ng maraming award sa kanilang paaralan kaya naman, hinirang siyang Valedictorian nang siya'y magtapos sa elementarya at hayskul.

Habang abala ay nahagip ng kaniyang mata ang bagong pasok sa library na si Carlos. Gaya ng laging nakasanayan, mag-isa nanaman ito. Nakaearphones, nakasuot ng jacket, at nakapamulsa.

Bahagya siyang napangiti. Sa tuwing nakikita niya si Carlos ay parang awtomatikong umaarko ang kaniyang labi upang ngumiti. Simula nang una silang magkita ay hinangaan na niya ito hanggang sa ngayon.

Mahitsura kasi ang binata bagaman ito'y tahimik at palaging nag-iisa. Mahaba rin ang buhok nito na hanggang balikat ang haba. Nakaponytail pa ito kaya minsan ay aakalain mong babae kapag nakatalikod.

Tumigil sa pagtingin si Diana sa pag-aninag niya kay Carlos at ibinalik ang atensyon sa pag-aaral. Masulyapan niya lang si Carlos ay buo na ang kaniyang araw. Pakiramdam niya'y buo na agad ang kaniyang araw.

Dahil sa pagiging pala-aral ni Diana, hindi na niya nabibigyan ng atensyon ang kaniyang buhay pag-ibig at mga kaibigan kaya No Boyfriend Since Birth (NBSB) ang peg ni Ate. Pero wala eh, mas importante sa kaniya ang pag-aaral at pamilya sa kasalukuyan.

Napadakong-muli ang mata niya kay Carlos. Nakita niyang umupo ito sa kalapit na upuan sa katapat na la mesa at panaka-nakang napapasulyap sa binata na nasa kabilang-dako.

Napansin naman ito ni Carlos. Hindi maiwasan ng binata na gantihan ng tingin si Diana. Napahinto siya dahil ito ang unang beses na tinignan siya ng binata.

"Oh my God!" Bulong niya sa sarili habang nakangiti. Hindi niya maitatanggi sa kaniyang sarili na crush niya nga talaga si Carlos.

*Bzzzz*

Napalingon siya sa kaniyang nakalapag na cellphone nang ito'y magvibrate. Nakatanggap siya ng mensahe galing kay Janine na kanyang pinakamatalik na kaibigan.

"Sabay-sabay tayo mamaya sa cafeteria ha?" Saad ni Janine sa mensahe.

Agad siyang nagtipa ng mensahe bilang pagtugon, "Sige."

Ibinalik niyang muli ang atensyon sa pag-aaral at panaka-nakang napapatingin kay Carlos. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Siguro'y may sariling utak ang kaniyang mga mata at panay ang tingin sa binata.

***

"Abigail, saan mo gustong kumain mamaya pagkatapos ng class natin?" Tanong ni Marcos. Kasalukuyan silang naglalakad sa basketball court ng kanilang paaralan habang magkahawak pa ang mga kamay.

Napapakagat-labi si Abigail sa tuwing mapapatingin siya sa nakasalikop nilang mga daliri.

"Kahit saan, pero dapat malapit lang dito sa University..."

Head [On-going Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon