CHAPTER 1

338 16 0
                                        

A/N: This is a 3rd Person's Point of View. Don't get confused. If you may encounter words that are on the Italic format, it could mean as a 1st person's Point of View (thoughts).

_____

June 15, 2018

"Tulong... tulong..." nakadilat nang kakaunti ang mga mata ni Janine. Sapat na para makita ang buong paligid. Naninikip ang kaniyang dibdib na tila'y may nakadagan na mabigat na bagay na dahilan ng paghahabol niya sa kaniyang hininga.

Hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan. Nakakaaninag din siya ng isang itim na usok na lumilipad sa kisame ng kaniyang kwarto at pakiramdam niya'y may humihila sa kaniyang mga paa.

Inaatake nanaman siya ng sleep paralysis. Ilang gabi rin siyang hindi makatulog nang maayos dahil madalas rin siyang managinip nang masama.

Lagi niyang napapanaginipan ang isang babaeng wala sa sarili. Lagi nitong sinasabi sa kaniyang panaginip ang mga katagang:

"Mamamatay ang lahat ng panganay na anak sa inyong angkan. Maghihirap ang mga susunod niyong henerasyon at kailangang mamatay ng ikaapat na henerasyon na panganay sa edad na dalawampu para tuluyang maputol ang sumpa. Sinusumpa kong hindi kayo magiging masaya!"

Pilit niyang iginagalaw ang kaniyang kamay para makawala na siya sa ganoong sitwasyon. "Lord, tulungan niyo naman ako oh? In Jesus name!"

Pilit niyang ginagalaw ang kaniyang kamay. Napapagod na siya sa ganitong sitwasyon sa tuwing aatakihin siya ng sleep paralysis sa gabi.

"Janine!" Sigaw ng inang kakapasok lang sa kaniyang silid. Binuksan ng kaniyang ina ang ilaw at dali-daling lumapit sa kaniya.

Lumuwag ang kaniyang paghinga, "Maraming salamat po, Lord!"

"Nako! Inaatake ka nanaman ng sleep paralysis!" Alalang nilapitan siya nito at iginalaw ang kaniyang kamay.

Napabalikwas siya sa kaniyang kinahihigaan at agad na niyakap ang Ina. Malakas ang pagtibok ng kaniyang puso't naghahabol parin ng hininga.

"Buti nalang dumating kayo."

"Nakong bata ka! Kung hindi pa ako dumating, siguradong hirap na hirap kana. Bakit kaba kasi ini-isleep paralysis?"

Napabitaw siya sa pagkayakap, "hindi ko po alam e. Basta't inaatake lang ako. Malamang dahil sa pagod. Pero matutulog na po ako ulit."

"Sigurado ka? Sige, matulog kana. Maaga pa ang gising mo bukas. Wag mong kakalimutang magdasal ha? Wag ka rin masyadong magpapagod bata ka." Hinaplos nito ang kaniyang buhok bagay na nagpagaan sa kaniyang pakiramdam.

"Sige po." Lumabas na ito sa kaniyang kwarto. Nagdasal siya at naglakas loob na muling matulog. Nawa'y makatulog na po ako nang maayos.

...

*Bzzzz*

Nagising siya dahil sa tunog ng kaniyang alarm clock. Nagdasal siyang muli bilang pasasalamat sa panibagong araw na ibinigay sa kaniya ng Diyos.

Masigla siyang bumangon at inayos ang kaniyang higaan. Ginising na rin niya ang kaniyang kapatid para makapaghanda na rin sa pagpasok.

"Bye Ma!" Paalam ng dalawa sa kanilang Ina. Sabay na tumungo ang magkapatid sa kani-kanilang paaralan.

Si Janine at ang kaniyang nakababatang kapatid na si John ay kinupkop lamang ng mabuting kapit bahay na si Dennise.

Limang taon palang si Janine nang pumanaw ang kaniyang tunay na ina dahil sa sakit na tuberculosis hindi matukoy ang ugat ng sakit dahil wala namang bisyo ang kaniyang ina at ang mga tao sa paligid nito, marahil ay isa sa dahilan ang genetics.

Head [On-going Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon