Entry #4

215 8 6
                                    

Pareng Diary,

Haaay, nakakapagod ang araw na 'to alam mo ba yun, ang weird nga ng sinabi ni inay bago ako pumasok kanina. Pinipilit ba naman akong maligo eh kakaligo ko lang kaya last week, minsan ang mga nanay sa sobrang pakialamera pati paliligo ng mga anak pinapakialaman, don't tell me kapag pinakilala ko sa kanya si Anna eh aayawan pa niya, Aba! eh napakachoosy naman niya. Pero hindi ko pinalagpas ang kakulitan ng nanay ko, ayaw niya ako paalisin kanina papuntang school kaya sa sobrang kulit niya hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin ang nararapat para tigilan na niya ako, inayos ko ang salamin ko na kasingkapal ng bunganga ni Anne Curtis ang frame kapag nakabuka at sinabing...

"Nay, me is so hot whether you like it or not..."tapos sabay labas ng kapatid ko sa kwarto niya at sumigaw ng..."MOOOOM! MAAANEEEESS!" oh diba! napakasupportive ng kapatid kong sit Tetay sa akin kahit alam kong bingot siya. Hindi na nakagalaw ang nanay ko sa kinatatayuan niya pagkatapos ng sinabi ko. Naku sinasabi ko sa'yo diary, kung anumang kasarian mo kahit bakla ka pa sigurado akong ma-i-inlab ka sa kagwapuhan ko, kaya binabalaan kita kahit madalas akong magsulat sa iyo huwag kang mafa-fall sa akin, NAKUUU!!! may Anna na ako kaya wala ka nang pag-asa. Pero alam mo habang papunta ako ng school kanina eh nakakita ako ng isang maliit na nilalang sa daan, kulay brown at napakacute, pinulot ko iyon at tinitigan kong mabuti, natuwa ako sa kanya kaya dinala ko sa kanya, meet may new pet, si Garry, isa siyang garapata. Sa sobrang cuteness niya isinilid ko muna siya sa bag ko dahil balak ko siyang ipakita kay Anna.

Nagsimula na naman ang tilian ng mga babae sa aming school pagkapasok namin ng school ni Kent, ganito na ba ako ka-hot, walang araw na hindi ako titilian ng girls. At ito namang si Kent eh sobrang feelingero,kaway ba naman ng kaway sa mga babaeng tumitili. Pinigilian ko siya sa pagkaway at sinabing..."me is so hot whether you like it or not, kaya huwag kang kumaway nang kumaway diyan kasi ako lang ang tinitilian nila." tinawanan lang ako ni Kent pero sumunod na lang siya sa sinabi ko. Kahit bespren ko na-i-inggit na rin sa kagwapuhan ko, HAAAY! ang hirap talagang maging gwapo lahat na lang kinaiinggitan ka kahit ang taong malapit sa iyo pero wala akong magagawa, ganyan talaga ang buhay.

Sakto namang dumaan si Anna sa harap ko at nagflip ng hair, syet! nararamdaman ko na naman na nababasa yung brief ko, nakita ko namang nakangiti siya na papalapit sa akin kaya inunahan ko na siya at kinuha si Garry sa bag ko. Pinakilala ko sa kanya ang alaga kong garapata at alam mo ba kung ano ang naging reaksyon niya? Bigla na naman siyang nasuka! Handa na ba talaga akong maging ama? Buntis na si Anna pero wala pa rin akong trabaho, syet naman! baka sabihin niyang ang gwapo ko nga pero wala naman akong kwentang asawa, kaya heto hanggang ngayon pinoproblema ko pa rin kung paano ako makakapagtrabaho, mag-artista na lang kaya ako? sigurado naman hindi ako tatanggihan ng ABS-CBN kung mag-a-aplly ako sa kanila bilang kapalit ni Daniel Padilla? Mas gwapo kaya ako doon, malakas lang ang sex appeal niya kasi mukha siyang sex organ at panigurado namang mas sisikat ako kesa sa kanya. Pero alam mo diary kanina pag-uwi ko sobrang natakot ako, kasi may apat na seksing babae na lumapit sa akin at ang gaganda nila pero nagulat ako nang nagsalita yung isa ng "HOLDAP 'TO, AKIN NA YUNG WALLET MO?" akala ko yayayain nila ako sa madilim na lugar para pagsamantalahan pero nangholdap lang? Sa gwapo kong 'to bakit hindi na lang kaya nila ako pagsamantalahan? Ibinigay ko na lang ang wallet ko pero nang buksan nila ay hindi ako makapaniwala sa sinabi nila. Alam mo ba kung ano ang sinabi nila, sinabi lang naman nila na..."SH*T NAKAKADIRI!" eh hindi ko pa naman ginagamit ang condom na nasa wallet ko ah, nadidiri agad? ang weird ng babaeng 'yun. Hindi na sila nagkainteres na holdapin ako kaya wala silang nagawa kundi ang umalis ng walang anumang nakukuha sa akin kahit ang aking pagkalalaki, As if naman na ibibigay ko sa kanila 'yung pagkalalaki ko eh choosy naman ako 'no, para kay Anna lang ako at sorry sila.

Hanggang dito na lang muna diary, napakaraming nangyari ngayong araw kaya kailangan kong magpagwapo rest, medyo lumalaki na kasi yung eyebags ko eh, goodnight!

Poging-poging Tupe

P.S.

Sa tuwing umuuwi ako ng gabi laging umaatungal si nanay sa loob ng kwarto nila ni tatay tapos sumisigaw siya ng "Iputok mo na!", paulit-ulit binabaril ni tatay si nanay pero hindi naman siya namamatay, bakit?

Diary ni Tupe(Ang Torpeng Assuming)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon