Entry #9

137 7 4
                                    

Pareng Diary,

Nawalan ako ng gana pumasok ngayong araw na ito, hindi ko kasi kinaya ang nakita ko kanina nang dumaan ako sa Angel's Burger, ang by one take one burger store na kapag bumili ka ng isang burger hindi mo alam kung ano ang palaman ng burger kung ham ba o kapirasong papel na ipinatong lang sa tinapay, wala na akong pakealam sa mga ibininenta nila, ang hindi ko lang matanggap ay ang nakita ko kanina nang mapadaan ako dun, nakita ko kasi sina Anna at Paolo na magkasama at sweet na sweet . Hindi ko alam ang gagawin ko nang makita kong isubo ni Anna ang HOTDOG ni Paolo, sarap na sarap siya sa hotdog habang lumalabas ang puting keso sa labi niya. Kung kasama ko lang ang mga barkada kong gangster na mga mukhang arbularyo daw eh malamang hindi pa man naisusubo ni Anna ang hotdog ni Paolo eh naipatumba ko na sila pareho, pero wala na akong magagawa, hindi ako ang pinili ni Anna. Ang malas niya dahil hindi sa guwapong katulad ko siya napunta, kundi sa mukhang bungol na si Paolo na akala mo kagwapuhan.

Umupo ako sa isang tabi ng kalsada at hindi iniinda ang mga dumadaang sasakyan, wala na akong pakealam kung sagasaaan man nila ako. Gusto ko nang mawala sa mundo dahil niloko ako ng babaeng mahal na mahal ko, may mga sasakyang dumadaan at naghuhulog ng barya sa harapan ko, siguro kasi nararamdaman nila ang sakit na nararamdaman ko pero kahit maghulog pa sila ng isang bilyong piso sa harap ko-- AHHMM? Pag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko, sayang din kasi yun, pambili na rin ng pustiso ng nanay ko na iisa na lang ang ngipin... Pero malabong mangyari na may magbigay ng ganung kalaking halaga sa akin, wala na rin akong pakealam sa gusto nilang sabihin, ang alam ko lang ay nasasaktan ako at hindi 'to kinakaya ni Taguro, kahit siya ay nalulungkot sa nangyayari sa akin dahil nang tiningnan ko siya sa ilalim ng brief ko wala siyang ganang tumingala at makipag-usap sa akin.

Maya-maya lang ay may dumaang sasakyan sa harapan ko, hindi ko alam ang dahilan at may babaeng biglang bumaba sa napakagarang kotse, hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagalit si Taguro at biglang nanigas nang makita niya ang babae, siguro nagalit siya dahil nakita niya ang mini-skirt nito na above-the-waist-line, sinilip ko siya sa brief ko at parang gusto niyang itarak ang katawan niya sa babaeng nasa harap ko. Minsan talaga pilyo itong si Taguro kaya madalas iniintindi ko na lang ang pagka-moody niya. Nang lumapit sa akin ang babae tumungo ito at sinabing..."HI POGIII, Pwedeng magtanong?" nabigla ako sa sinabi niya at sa pagmumukha niya, hindi pa ako nagpapatiwakal dahil sa sakit na nararamdaman ko pero nakakita na agad ako ng anghel--In short, Magandang nilalang ang nasa harapan ko ngayon. Hindi agad ako nakapagsalita sa tanong niya, Kung mayroon man sa inyong baong kumukulong mineral water please pakibuhusan ako, TAKE NOTE: Kumululong mineral water ang gusto ko dahil sensitive ang skin ko sa ordinaryong tubig lang. "Pogi... Okay ka lang?" tanong ulit niya at nagising ako sa katotohanang hindi anghel ang nakikita ko kundi ang babaeng papalit kay Anna sa puso ko, at bago pa siya mainip sa sagot ko ay kaagad akong nagsalita..."Magiging okay lang ako kung magiging tayo..." out of the blue, yun na lang ang naging sagot ko. Tapos bigla siyang nag-smile na parang kinikilig, hindi pa man ako nakaka-recover sa nakakatrauma niyang kagandahan ay bigla niyang iniabot ang kamay niya sa akin, "Halika, sumama ka sa akin..." wika niya at ang tanging itinugon ko lang ay ang gulat kong emosyon. "Dadalhin mo na ba ako sa langit?" tanong ko sa kanya nang makasakay kami sa sasakyan niya at nananatili pa rin ang tingin ko sa kanya, "Hindi naman, pakakainin lang kita ng mga putahe galing sa langit..."WOAAAH! ito na ba ang pagkakataong hinihintay ko, ang makatikim ng luto ng langit? Ang sabi kasi ng mga kaklase ko, kapag nakatikim daw ako ng luto ng langit eh makakalimutan ko na daw ang luto ng nanay ko at uulit-ulitin ko pa daw 'yun. Bigla tuloy ako na-excite sa sinabi niya kaya hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil na rin sa pagwawala ni Taguro sa ilalim ng brief ko.

"AH! AH! ANG SARAP!" 'yan lang ang tangi kong nasasabi nang matikman ko ang luto ng langit, syet! ang sarap pala ng luto ng langit kaya lang...

SOBRANG ANGHANG!

Kaya panay ang aking paypay sa aking dila at napapa-AH! dahil sa anghang na nalalasahan ko...

"Nagustuhan mo ba?"tanong sa akin ng anghel--este! Magandang babae. Tumango lang ako habang tuloy pa rin sa paglantak ng luto ng langit. "Ako nga pala si Christine, Ikaw anong pangalan mo?" Nilunok ko kaagad ang aking kinakain at mabilis na sumagot sa pangalang Tupe, ilang minuto rin kaming nagkakwentuhan at sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit nakita niya akong nakaupo lang sa tabi ng daan kanina, bumaba siya para magtanong kung saan ang palengke dito sa amin pero hindi ko daw siya sinagot, siguro kasi nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng ipapangalan sa mga magiging anak namin kanina kaya hindi ko man lang nagawang sagutin ang tanong niya. Gabi na nang matapos ko ang pagakain ko at pakikipagkwentuhan sa magiging future wife ko.

Oh siya Pareng Diary, magkita na lang tayo kapag nasipagan kong muli ang sulatan ka, basta masaya lang ako ngayong araw na ito kahit na may hindi ako nakitang kanais-nais...

Poging-poging Tupe,

P.s.

Facebook Status: What's on my mind? Nag-iisip ng mga pangalan sa mga magiging anak namin ni Christine.

_____________________________________________________________________________

Author's Note: Green minded are not allowed, open minded? It's up to you.

Diary ni Tupe(Ang Torpeng Assuming)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon