Entry #11

152 4 0
                                    

Pareng Diary,

 

Alam mo, kahit isang guwapong estudyante lang ako may mga naiinggit pa rin pala sa akin na mga professor school naming. Kasi ba naman yung professor namin na si Sir Urang Gutan eh pinagbintangan ba naman akong umutot sa klase niya.

Ha?

Ano Pareng Diary?

Hindi ka naniniwala?

Aist! Sige na nga, aamin na ako. Ako na ang umutot sa klase niya, ganito kasi ang nangyari kanina…

Habang nagkaklase si Sir Urang kanina ay bigla na lamang nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko na masama ang tingin at nakatakip ang mga ilong nila…

“Oh, hindi porke’t guwapo ako, ako na agad ang umutot!”, pagtanggi ko sa kanila pero nananatili pa ring masama ang tingin nila sa akin nang bigla na lamang lumapit sa akin si Sir Urang,

“Nasa iyo lang ang sentro ng amoy Mister Patule,este! Patute. Sino pa ang inaasahan mong pagbibintangan naming umutot?”, halos lumabas ang fallopian tube ng baklang bakulaw na professor namin nang sabihin niya ang mga katagang ‘yon. Gusto kong tumawa nang malakas nang makita ko ang kanyang pagmumukha na parang ginagahasa ng sampung kabayo habang pinapagalitan ako pero hindi ko magawa kasi baka makain niya ako nang buo gamit ang bunganga niyang kayang nguyain ang drum na gamit namin sa bahay.

“Oo na po sir, ako na ang umutot! Pasensya na, kahit guwapo ako marunong din naman akong umutot ano?!”sabi ko sa kanya tapos bigla na lamang lumaki ang butas ng ilong niya na kasya ang isang plastic bottle ng coke mismo, masyado ko ‘yatang nagalit ang baklang bakulaw na ‘yon kaya medyo ngumiti ako para hindi na siya magalit.

“Ang ayaw ko sa lahat, yung mga estudyanteng GGSS?”bigla akong napaisip sa huling sinabi niya, ‘yung GGSS?

“Sir, ano po yung GGSS?”tanong ko sa kanya nang akma na siyang pupunta sa unahan pero bigla ulit siyang napalingon sa akin.

“G-G-S-S, Guwapong – Guwapo Sa Sarili… gets mo?”,napangiti ako sa sinabi ni Sir sa akin, kahit pala sobrang sama ng baklang bakulaw na ‘to eh may nakatagong magandang loob din pala siya. Akalain mo, nanininiwala siyang sobrang guwapo ko pala. Hanggang sa matapos ang klase ay ‘yun pa rin ang tumatak sa utak ko.

Lumabas muna ako pagkatapos ng klase namin kay Sir Urang, pupunta sana ako sa canteen nang bigla kong makasalubong si Anna, nakasimangot siya habang nakatingin sa akin. Malamang sa malamang nagseselos ang isang ito kasi hindi na siya ang apple of the eye ko.

“Oh Anna, ang aga-aga nakasimangot ka?”bati ko sa kanya, bigla naman siyang namula at lalong nanlisik ang mata sa sinabi ko, mukhang kinikilig pa rin siya hanggang ngayon kapag binabati ko siya. Naks! Ang hirap talagang maging guwapo, spell guwapo nga diary? Gusto mo i-spell ko pa sa iyo? Capital T-u-p-e. Oh diba? Sobrang swak! As in akong-ako talaga!

“Eh ikaw ang aga-aga nambibwiset ka!”tugon naman niya in a tiger look, kaya gusto ko ang babaeng ‘to eh, sobrang aggressive. Parang alaga ko lang na si Taguro, sobrang aggressive kapag nakikita siya.

Diary ni Tupe(Ang Torpeng Assuming)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon