Entry #5

158 7 1
                                    

Pareng Diary,

 

You know what I'm so hot today, and because of that I need to go outside and spread my hot body to madlang people, kaya ang ginawa ko dahil wala namang pasok ngayon namasyal ako sa barangay namin na nakatopless and because I am so hot lahat ng babaeng nakakasalubong ko eh tumitingin sa akin at nagbubulungan, siguro sinasabi nila na nakakaakit ang aking hot body. Pero may biglang sumira ng mood ko, si Barbie. Nakasalubong ko siya kanina kasama ang mga friends din niyang mga walang mukha at puro make-up lang, bwisit diba diary? Kung legal lang ang pumatay ng tao napatay ko na siya, kaso hindi siya tao, isa siyang kabayo. Akalain mo habang naglalakad ako kanina sumigaw siya ng...

 

"SHUTANG INERNS! MGA KAFATID MAGTAGO KAYO! MAY HINDI MAGANDANG MANGYAYARI!"pero hindi ko na lang siya pinansin, gusto lang naman niya na pansinin ko siya. Pero maya-maya lang ay nilapitan niya ako at sinabing "Hi Tupe, nakatulog ka ba kagabi?" sabi ko sa'yo gusto lang niya magpapansin eh. Kaya ayun, pinagbigyan ko na lang siya at sinabing. "Oo naman, ang ganda nga ng panaginip ko eh.", napanaginipan ko kasi kagabi si Anna, nililinis niya yung pag-itan ng dalawa kong ngipin sa harap na kasing laki ng menthos, tapos tinitiris niya yung mga tigyawat ko sa mukha. SYET! kinikilig ang alaga kong si Taguro sa tuwing maiisip ko yung napanaginipan ko kagabi. Ang sweet talaga ng syota ko, kahit sa panaginip hindi niya ako pinababayaan. Pero nawala ang pag-de-day dreaming ko nang magsalita ang baklang si Barbie at sinabing...

 

"Alam mo bang napanaginipan din kita kagabi?" bigla akong nagulat sa sinabi niya, sabi ko na nga ba at may pagnanasang taglay din 'tong isang 'to sa akin eh, kunwari pang galit na galit sa akin pero gusto din naman pala ako. Siguro isa din ang ANEZ ko ang gusto niyang isubo? Pero hindi pa pala siya tapos sa sinasabi niya at dinugtungan ito ng..."napanaginipan kita kagabi kasama ang mga katropa mong pangit!"sumingkit ang mapupungay kong mata sa sinabi niya at kumulo ang aking sperm cell sa mga sinabi niya, AKO? PANGIT?! Sa guwapo kong 'to sasabihan niya ako ng PANGET?! Hindi ako nagpatalo sa kanya, Itong baklang walang mukha at puro make-up? susukuan ko! NO WAY! ipapaputol ko si Taguro kapag natalo akong ng baklang 'to sa asaran, kaya  bumawi ako ng banat na..."Oh HINDEEE, Napanaginipan mo ang sarili mo na hinahabol ka?!" bigla siyang napanganga sa sinabi ko tapos umaktong parang mamamatay habang sinasabing..."I'M GONNA! I'M GONNA! I'M GONNA! I'M GONNAAAA DIIIIIEEEEE!"umaarteng parang si Vice Ganda? BAKLANG 'TO! Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang ako habang pinapakita ang aking HOT na katawan. Para mawala ang bad mood ko pumunta ako sa park, siguradong madaming tao dun at maraming makakakita ng HOT kong katawan, umupo ako sa isang bench pero ang ikinagulat ko maraming taong lumapit sa akin, Sabi ko sa'yo diary eh. I'm so hot today kaya ang daming taong humahanga sa hunk kong katawan, Kaya lang ang ikinagulat ko ay biglang umulan ng barya sa paligid ko, 'yung mga taong nakapaligid sa akin ay hinahagisan ako ng mga barya, mukha ba akong pulubi? Mukha ba akong mahirap? LESHE! Kahit yung buhay nila kaya kong bilhin! Hindi ako nakatiis kaya tumayo ako at naglakad na lang papauwi, pinagpapawisan na kasi ang hot kong katawan kaya kailangan ko nang magmadali.

 

Haaay... Nakakapagod ang araw na 'to diary kaya kailangan ko nang magpahinga, kita na lang tayo bukas.

 

Poging-poging Tupe

 

P.S.

Ang gwapo ko talaga selfie ko, kapag nakita mo ako sa personal huwag kang ma-i-inlab ha?

Diary ni Tupe(Ang Torpeng Assuming)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon