Entry #12

86 4 0
                                    


Pareng Diary,

Masama ang loob ko ngayong taon na ito. Nakita ko kasi ang relationship status ni Anna sa facebook. "In a relationship with Paulo Madlangtuta." Napamura ako nang severe. Ganito oh;

"PUTANGINA BAKIT SIYA PUMATOL SA ASONG NAG-AANYONG TAO!"

Kaya naman sa sobrang sama ng loob ko. Kahit gwapo ako sa paningin nila pumunta ako sa bar kasama si Kent. Uminom ako hanggang sa malasing. Pero dahil ayoko masyadong hard ang inumin umorder na lang ako ng Smirnoff Mule. Alam mo Diary, wala pang anim na bote ang iniinom ko pero pakiramdam ko mas lalo akong nagiging gwapo sa paningin ng mga tao sa bar. Kaya para pagbigyan ang pagpapantasya nila umakyat ako sa stage at naghubad ng shirt para makita nila ang pa-abs ni Meyor. Pero hindi pa doon natatapos Diary.

May biglang sumigaw ng "Kyaaah! Taga-saan ka?!"

Sabi ko na lang,"taga-Batangas!"

Sabay tugtog ng budots at nagsayaw ako sa harap ng maraming tao. Naghiyawan sila kaya mas ginalingan ko pa. Gumiling ako doon sa pole na nasa gilid lang ng stage kaya naman mas lalo nila silang nagsigawan. Pero hindi pa doon natapos. Sumigaw pa sila ng...

"TAKE IT OFF! TAKE IT OFF!"pinagbigyan ko sila Diary. Kasi alam kong yun lang ang makakapagpasaya sa kanila at para malaman ni Anna kung gaano ka-hot ang lalaking iniwan niya para lang ipagpalit sa lalaking mukhang lumaklak ng Titan Gel para lang lumaki ang katawan. Bobo ba siya? Alam ba niya na pang-body wash lang ni Taguro ang Titan Gel? Nakakaawa naman siya. Pero alam mo nung naghubad ako ng pantalon sa harap ng maraming tao mas lalong tumili ang mga babae at mga bakla.

"Syeeet! Daks pala si koya!!!"

"Kyaaah! Anakan mo ako ng lima!"

Sigaw nila. Mga lasing na rin kaya hindi nila alam ang pinagsasabi nila. Patay-sindi ang ilaw sa bar kaya hindi ko na alam kung sino pa yung sumisigaw. Pero mas lalo yatang nagwala nang may magrequest na hubarin ko na raw ang boxer shorts ko.

Ito na ba ang big-break ni Taguro? Kailangan ko na ba siyang ipakita sa lahat? Wala nang tanong, kailangan din ni Taguro ng publicity kaya sa isang iglap, pinunit ko ang boxer-shorts ko at tumambad sa kanila si Taguro.

Fiercer...

Boulder...

Harder...

Pero nang makita nila si Taguro ay bigla na lang silang nagtakbuhan papalabas. Shock ba sila?

"Tags, di pa sila ready sa iyong kasikatan."sabi ko na lang kay Taguro habang hinihimas ko siya.

"Pare, uwi na tayo. Wala nang tao."anyaya sa akin ni Kent habang nakatakip ng ilong. Sinisipon yata? Kaagad naman akong nagsuot ng damit at lumabas ng bar.

Medyo lasing na ako kaya nagpasya na rin kaming umuwi. Pero habang nasa side-walk kami may isang babaeng nagsisigaw sa harap ni Kent.

"KYAAAH! PEMBARYA! ANG POGI MO KYAAAH!"pagsigaw nito habang binibiyabit si Kent. Ang gandang babae pero namumulubi.

"Pare, tulong!"pagmamakaawa naman ni Kent.

"Ganda mong lalaki wala kang pera pampalimos diyan?!"tugon ko.

"Wala akong barya eh!"

Agad kong dinukot ang coin purse ko na punung-puno ng barya at ibinato sa babaeng haliparot. Natamaan siya sa ulo kaya biglang nawalan ng malay.

"Pare, tumakbo na tayo!"sigaw ni Kent kaya mabilis kaming nagtatakbo pauwi.

Halos inumaga na akonng uwi kaya tirik na ang araw nang magising ako. Kasabay ng pagtirik ng araw ay ang pagtirik din ni Taguro. Nauna pa pala siyang magising sa akin, nag-iinat na kasi siya kapag nagigising ako.

"HOY TUPE! Ano't inumaga ka ng uwi? Tirik na ang araw hindi ka pa nabangon?!"bungad sa akin ni Nanay nang pumasok siya sa kwarto.

"Nanay, wala namang pasok eh."mumukat-mukat kong tugon.

"Tsk! Pati yang alaga  mo nakikisabay sa pagtirik ng araw! Bumangon ka na, tanghalian na ohh!"sigaw niya.

Pati ba naman si Taguro napansin niya. Si nanay talaga...

Sinilip ko saglit si Taguro. Malago na pala ang buhok niya. Kailangan ko na siyang pagupitan. Kaya naman matapos kong kumain ng tanghalian ay pumunta ako sa barberya malapit dito sa amin.

"Utoy, anong gupit ang gusto mo?"bungad sa akin ng barbero.

"Ay hindi po ako yung magpapagupit. Yung alaga ko po."sabi ko.

Kaagad kong ipinakita si Taguro sa kanya pero biglang nagtakbuhan papalabas ang mga tao sa loob. Nagtataka ako sa nangyayari kaya naman lumipat ako ng ibanh baber-shop pero ganoon pa rin anh nagiging reaksyon nila sa tuwing ipapakita ko sa Taguro para pagupitan. Kaya naman nagdesisyon na lamang ako na ako na lang ang gugupit sa kanya. Kinalbo ko si Taguro kasi nangangati daw siya sa buhok niyang kulot. Kaya pala kamot ako nang kamot everytime na papasok ako. So ayun nga kinalbo ko na lang siya kaysa pagupitan ng usong hair style. Yung fuccboi hair style daw ang uso ngayon eh. Paano ba yun Diary? Pakitanong mo nga sa kung paano yun?

Poging-poging Tupe

P.S.

Sinuotan ko ng maliit na Santa hat si Taguro kasi malapit na ang pasko. Tapos nagpicture kami at inupload ko sa facebook. Ang cute ng kuha naming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ni Tupe(Ang Torpeng Assuming)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon