Entry #10

99 6 0
                                    

Pareng Diary,

 

Sobrang saya ng araw na ito para sa akin, sa sobrang saya kulang ang pahina mo para ipahid kapag nagluha ang alaga kong si Taguro, maging siya ay nasisiyahanan din sa nangyari mula pa kanina…

 Alam mo ba kung bakit?

Ganito kasi yun…

 Papasok sana ako ng school kanina nang biglang mangati ang katawan ng alaga kong si Taguro kaya dali-dali akong naghubad ng shorts at sinilip siya sa kulungan niya, hindi siya mapakali kaya gamit ang matutulis kong kuko ay kinamot ko ang kanyang buong katawan at bigla naman siyang nanigas nang makamot ko ‘to, ngunit habang kinakamot ko ang katawan ng aking alaga ay may pamilyar na boses na tumawag sa’kin mula sa aking likuran…

“Tupe?”wika ng isang babae mula sa aking likuran kaya agad kong tiningnan ang kinaroroonan niya at abot tenga ang ngiti ko dahil sa nakita ko, si Christine! Nasa harapan ko ngayon ang babang muling magpapatibok ng aking puso at magpapagana sa paglalaro namin ni Taguro. Lumapit siya sa akin at sinabing...

"Bakit ka nandito? Ayaw mo ba munang pumasok at kumain ng luto ng langit?" naalala ko tuloy ang araw na pinakain niya ako ng luto ng langit, parang ayaw ko nang matapos ang araw na 'yun dahil sa sarap na nararamdaman ko habang kinakain 'yun, gusto kong magtatalon sa magsasayaw sa tuwa nang mga panahong 'yun. 

"Tupe?!" bigla niyang sigaw sa mukha ko kaya nagulat ako at nagising sa aking wet drea--este! day dream. 

"H-Hi! Pasensya na ha? kailangan ko na kasing umalis?" iyon lang ang mga salitang nasabi ko at umalis na ako sa harap niya at nagmadali akong umalis. Ewan ko ba? Sa unang pagkakataon ngayon ko lang naramdaman ang hiya ko kapag nasa harap na ako ng babae, kung dati kahit sinong babae ang kumakausap sa napakaguwapo kong mukha ay hindi ako nahihiya... Ngayon lang talaga nangyari na may babaeng nakagawa ng ganito sa akin. 'yun tipong hindi ko man lang masabi sa kanya ng maayos ang sasabihin ko, Syet! Torpe na yata ako? Bakit ganito? hindi ko ito kinakaya! Kaya ayun, kahit naririnig ko na tinatawag ako ni Christine ay hindi ko siya nililingon dahil--EWAN! basta ang gusto ko lang gawin ngayon ay lumayo sa kanya para hindi niya ang namumula kong--UHM?! mukha!

Habang naglalakad ako na nakatulala at iniisip pa rin kung bakit nagkaganito ako kay Christine ay napansin ko na nakatingin sa akin ang mga estudyante sa bawat sulok ng pasilyo ng school, yung mga babae mukhang nandidiri tapos yung mga lalaki naman ay sobrang natatawa. Maling school yata ang pinasukan ko, school yata ng mga baliw 'to. Hanggang sa isang teacher ang sumulpot sa harapan ko, si Ma'am Tin Nira pala.

"MISTER PATUTE! KUNG MAY KAHIHIYAN KA PA SA SARILI MO, ISARA MO 'YANG ZIPPER NG PANTALON MO!"bigla akong napatingin sa zipper ng pantalin ko at naalala ko na hindi ko pala 'yun naisara nang kamutin ko ang katawan ni Taguro. Ngumiti ako sa nang tingnan ko si Ma'am at sinabing".. Ikaw  naman Ma'am, kunwari ka pa eh inenjoy mo naman." at tsaka ko isinara ang zipper ko.

"Nakakadiri ka!!!" 'yun lang ang nasabi ni Ma'am tapos sabay walk out. Sabi ko sa iyo pareng diary eh, ganyan ako ka-HOT sa school, kahit teacher nakukuha ko ang atensyon.

At dahil hindi pa naman oras ng klase ko nagpunta muna ako sa canteen at bumili ng pagkain pero bago pa man ako makatungtong sa loob ng canteen ay may bigla akong nakasalubong ko si Anna. Masama ang tingin at parang gusto akong gilitan ng leeg.

"Hoy Tupe! Pwede bang tigilan mo ang pinsan ko?"bigla akong napaisip sa sinabi niya? Ito ba yung resulta ng pagiging girlfriend ni Paolo? Nawawala sa sarili?

"Ano bang sinasabi mo?"

"Nililigawan mo ba si Christine? 'yung PINSAN KO?!" ini-emphasize pa niya yung salitang pinsan ko. Nagsalubong ang dalawang napakakapal kong kilay sa sinabi niya, ano bang pakealam niya? 

"Eh ano naman kung ligawan ko siya? May pakealam ka ba? Sana ngayon hayaan mo naman akong maging masaya... Dahil hinayaan na kitang maging masaya sa piling niya!" 'yan ang sumbat ko sa kanya dahil sa hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"Wala kang karapatang maging masaya, kasi PANGIT KA! PANGIT KA!" paulit-ulit sa tenga ko ang huling salitang sinabi niya, 

PANGIT KA! 

PANGIT KA!

Masakit tanggapin na ang taong minahal ko noon ay ang taong magsasabi sa iyo ng masakit na salitang ito para sa guwapong katulad ko...

Kailangan ko munang magpahinga diary, pagod ako at pati puso ko pagod na rin. Naging maganda man ang araw ko naging masama din dahil sa nangyari ngayon.

Poging-poging Tupe.

P.S.

Pogi ako sabi ng nanay ko! TAPOS!

Diary ni Tupe(Ang Torpeng Assuming)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon