Entry #8

130 6 0
                                    

Pareng Diary,

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon diary, bakit ganun? Pagdating ko kanina sa school may nakita akong tumpukan ng mga estudyante sa harap ng gymnasiun, akala ko ba ako lang ang pinakasikat sa school pero bakit parang may sabog sa kayabangan ang tumalo sa akin? At dahil trip ko minsan makiusyoso sa mga taong nagkakagulo, nakisingit na ako at tiningnan kung sino ang hambog na gusto kumuha ng trono ko  sa school namin, pero hindi ko inaasahan ang nakita ko, para akong binugbog ng sampung bouncer sa bar nang makita kong nakaluhod si Paolo sa pinakamamahal kong si ANNA habang hawak ang isang singsing tapos sa stage ay may mga basketball players na may hawak na banner at may nakasulat na: "WILL YOU BE MY SYOTA!"

Lahat ng nakapaligid sa kanila ay nagtitilian at parang kinikiklig, mga G*GO talaga! Pinagtaksilan nila ako, hindi ako makakapayag na agawin ni Paolo ang syota ko, kapag nangyari 'yun babalatan ko siya gamit ang mapurol na nail cutter ng nanay ko at bubunutin ko isa-isa ang buhok niya sa binti gamit ang tyani ni Tetay!

Madaming nagtilian pagkatapos sambitin ni Paolo ang katagang ikasasabog ng mukha niyang HASHTAG AMPANGET sa oras na marinig ko...

"Anna, Will you be by GELPREN?", 'yan ang mga katagang sinambit ni Paolo sa harap ni Anna habang nakaluhod siya sa harap nito. Ang kapal ng mukha niyang agawin ang syota ko. Nawala lang ako sa harap ni Anna tapos aagawin pa niya sa akin. Nakita ko namang parang hindi mapaihing pusa si Anna dahil sa sobrang kilig, kaya hindi ako nagdalawang isip na tumakbo sa harap ng dalawang nagliligawan at ako'y pinagtaksilan. Sumigaw ako sa harap nila na parang pumipigil sa isang kasalang nagaganap.

"Hindi ako makakapayag na mangyari ang gusto mo Paolo! Akin lang si Anna! Akin lang siya!"sabay turo sa kanya na parang hinahamon, uupakan ko talaga 'yung pagmumukha niya. Nakakasukang tingnan kung silang dalawa ang magkakatuluyan. Lumapit sa akin si Paolo na nagmamayabang at abot tenga ang ngiti, HINAYUPAK na MUKHA, Sobrang pangit sa paningin ko at parang gusto kong ibala siya sa kanyon at ipatapon siya sa North Korea para isama siya sa gera...

"Walang sa'yo Tupe! Akin lang ang syota-syotaan mo!" singhal niya sa akin, akma niya akong susuntukin pero bigla siyang pinigilan ni Anna, sabi ko na nga ba! Ako ang mahal ni Anna at hindi ang lalaking mukhang tinanggalan ng dugo sa mukha dahil sa puti ng mukha na si Paolo, agad namang hinarangan ni Anna si Paolo at humarap sa akin, sabay sabing..."You had me at my best. he had me at may worst!" tapos nun isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko dahilan paran tumalsik ang salamin kong kasing laki ng bungaga ni ni ANNE CURTIS ang frame kapag nakabuka. Habang hawak ko ang masakit pero napakagwapo kong mukha hindi ko na rin napigilang pumatak ang luha na nagbabadyang pumatak mula pa kanina, Muntanga ako sa harap ng marami at mukha akong kahiya-hiya sa harap ng mga estudyante, hindi ko na natagalan ang mga nangyayari kaya nagtatakbo ako papalayo kahit alam kong hindi ko suot ang salamin ko, at dahil nga hindi ko suot ang salamin ko at nagmamadali din akong tumakbo papalayo hindi ko namalayan na may poste pala sa harapan ko kaya bumangga ako sa napakalaking poste at nawalan ng malay, ilang oras akong nakaratay sa school clinic, pagkagising ko hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya napahawak ako sa pader, sinuntok ko ang dibdib ko para may hangin na lumabas pero wala pa ring nangyayari, hindi ko magawang makasigaw. Nahihirapan akong huminga, OHMAGAS! mamamatay na yata ako, pero hindi pa ako pwedeng mamatay dahil hindi ko pa nababawi si Anna kay Paolo, pero anong gagawin ko? Kahit yata singhutin ko ang vicks na madalas kong dala eh hindi ko maamoy at nahihirapan talaga akong huminga. Pero maya-maya lamang ay pumaso si Kent kasama ang isang nurse at napansin nilang nagpapanic ako...

"Pa-pare, hi-hindi ako ma-makahinga!"naghihingalo kong pagkakasabi sa kanya habang hawak ang braso niya. Pero sa halip na tulunga ako ng siraulo kong bespren eh tinawanan pa niya ako, tapos sinabihan niya ako ng..."Pare, walang gamot sa tanga!"gusto ko man siyang batukan eh hindi ko magawa dahil hindi na ako makagalaw sa sobrang hirap ng aking paghinga. Sinabi ko sa kanya na tulungan ako pero hindi natatawa lang siyang lumapit sa akin at may kinuha sa magkabilang butas ng ilong ko at sa pagkakataong 'yun nakahinga na ako nang maluwag, may pasak lang pala na bulak sa magkabila kong ilong kaya hindi ako makahinga, Oh bakit ka tumatawa diary? Alam kong gwapo ako pero minsan hindi nawawala ang pagkatanga ko kaya wag kang tumawa kung ayaw mong punitin kita at ipunas sa puwet ko pagkatapos kong mag-CR, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na pinagpalit ako ni Anna kay Paolo, maghihiganti ako sa kanya at sa lalaking 'yun, BABALATAN ko sila pareho ng buhay at ipapangalandakan ko sa buong campus ang kalapastanganang ginawa nila sa akin. Ipapatumba ko sila sa barkada kong MAFIA, naramdaman ko na lang na pati ang alaga kong si Taguro ay naninigas sa galit at maya-maya lamang ay lumuha na rin, hinimas ko siya at pinakalma pero mas lalo siyang nagalit. Kaya sinabi ko na lang na, "Huwag kang mag-alala, gaganti tayo sa kanila..."

Hanggang dito na lang muna diary, magpaplano pa kasi ako kung paano ko ipapatumba sina Anna at Paolo, kailangang planuhin ko 'to nang mabuti para malaman nila kung papaano magalit si Tupe...

Poging-poging Tupe.

P.S.

Sobrang gwapo ko talaga, kaya kapag nasa harap ako ng salamin halos mabakla ako sa sarili kong mukha sa sobra kong kagwapuhan. Kahit pa suot ko ang salamin at kasing laki ng menthos ang ngipin ko talagang napakagwapo ko...

Diary ni Tupe(Ang Torpeng Assuming)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon