3

8.2K 100 2
                                    

Take note of the change in POV's!

---

3

NAEUN

Maaga akong umuwi ngayon dahil hindi nga naman ako sumama kina Chorong na mag-bar at lalong hindi kami magkikita ni Kai ngayon. Tinanong ako ni mommy kung saan daw ako natulog kagabi kaya sinabi ko nalang na na kina Eunji ako at may ginawa kaming project, naniwala naman si mommy. Next time daw, magpaalam ako.

Ginagawa ko yung assignment ko sa kwarto nang biglang tumunog yung phone ko kaya tumayo pa ako para damputin ito mula sa kama.

Isang message galing kay Kai.

“Condo at 7. Hindi natuloy yung family dinner namin.”

Ahhh kaya pala nagtext. Edi okay, pupunta. Tumingin ako sa wall clock at 6:30 na, inamoy ko yung sarili ko. Pakshet! Hindi seductive ang amoy ko kaya agad akong pumasok sa CR.

Nag-tshirt nalang ako at shorts at sinuot ang sneakers ko, malapit na mag 7, traffic pa ngayon!

Nagtext ako kay Kai, “Pwede bang ma-late?”

Dinampot ko yung bag ko at pinasok ang assignment at cellphone ko. Dun nalang ako gagawa sa condo ni Kai ng assignment. O di kaya magpagawa nalang ako. Paglabas ko ng kwarto, papunta rin si mommy sa kwarto nya at agad nya akong tinanong.

“Sa’n ka pupunta? Alas syete na ah?”

“Ahh ano kasi mom … ahh … may problema sa project namin kagabi, nung chineck ni Eunji madami pa lang errors kaya pinapapunta nya ako,” pagsisinungaling ko. Patawarin nyo sana ako Lord!

“Ganun ba? Dun ka ba matutulog?”

“Opo. Pasabi nalang kay daddy. Bye po!”

 At agad akong nagmadali sa paglabas ng bahay. Alas syete na, late nga! Nagpara ako agad ng taxi at nagpahatid sa condo. Habang nasa taxi ako kay tinignan ko yung calendar sa cellphone ko, parang fertile ako ngayon ah?

Nagpadaan mo na ako sa pharmacy para bumili ng pills at tsaka pinadiretso ang taxi sa condo ni Kai.

Eksaktong 7:20 nung kumatok ako sa pinto. Hinihingal pa ako, grabe! Bakit nga ba ako nagmamadali eh pwede naman akong ma-late ah?

Bumukas ang pinto at bumungad sa’kin ang isang naka-sweatpants na Kai na walang t-shirt. Napatingin ako sa katawan nya pero agad ko ring binawi ang tingin ko at nginitian sya.

“Sorry late!” sabi ko at pinapasok nya ako.

“It’s okay …” at dumiretso sya sa kusina kaya ako na ang nagsara ng pinto nya.

“Bakit di natuloy?” pagpapatukoy ko dun sa family dinner nila.

Beyond Desires (EXO Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon