7

6.7K 99 3
                                    

7

 

NAEUN

 

Dinaan ko ang kamay ko sa hubad na dibdib ni Kai. Nakaunan ako sa braso nya at tine-trace ang parang perpektong hinulmang dibdib nya habang nakatingin sa maamo nyang mukha habang natutulog. Nakayakap ang isang kamay nya sa’kin at nung bumaba ang kamay ko sa abs nya ay humigpit ang yakap nya sa’kin at nag-crinkle ang ilong nya na parang naalimpungatan sya sa ginawa ko.

Napangiti ako. Ang gwapo at ang hot ng boyfriend ko.

Tinuloy ko pa ang paghimas sa abs nya at dinantay ang isang paa ko sa paa nya at naramdaman ang hubad nyang kabuuan. Tinitigan ko lang sya ng tinitigan dahil sa nagkicrinkle pa rin ang ilong nya. I find it very cute.

Kung ganito rin lang ang view sa tuwing magigising ako araw-araw, ang sarap gumising! Ang sarap mabuhay!

Tumagilid sya ng higa pero hindi pa rin sya dumidilat at niyakap ako gamit na ang dalawang kamay nya at kinulong rin pati ang legs ko gamit ang legs nya kaya napasubsob ako sa leeg nya. Mahina akong napatawa. Tinatamad na naman itong bumangon, hula ko. May naisip akong kalokohan habang kayakap nya ako.

“Love … don’t initiate something I like … you know I can’t stop …” bulong nya sa husky nyang boses. Napatawa ako sa sinabi nya sa pagkagat ko ng leeg nya.

“Wake up, love … you’ll be late …” sagot ko at tumingala sa kanya. Nakatingin rin sya sa’kin habang nararamdaman ko ang isang kamay nya sa likod ng ulo ko.

He pulled me closer to his face. “I’d rather be late hugging you or making out with you, Naeun,” he said before he kissed me on the lips that lasted for a couple of minutes or longer. Kahit parehong walang toothbrush, wala ng hiya-hiya. Mabango naman kasi ang hininga ni Kai, eh yung akin kaya? Hmm.

He kissed me again on the lips fast before pulling me in for a hug. “Let’s stay like this …” bulong nya at nakita kong pumikit sya.

“Kai …” tawag ko sa kanya at ginulo ang buhok nya. “May meeting ka ngayon, diba? Pagagalitan ka na naman nina Xiumin, Suho at Luhan nyan.”

Bumangon sya at ginulo ng tuluyan ang buhok in which nakapagpangiti pa lalo sa’kin. “Aish! Bakit pa kasi ako ang in-assign sa project na ‘yun eh, pwede namang si Baekhyun-hyung o si Sehun … aish!” nagreklamo pa eh kaya tinawanan ko nalang sya. Parang bata talaga ‘to minsan si Kai!

Habang naliligo si Kai ay hinahanda ko yung gamit nya at nagluto ng breakfast namin. Minsan dito na ako natutulog sa condo ni Kai, hindi lang pala natutulog. Minsan dito na ako tumitira at mga iilang araw lang uuwi sa bahay. Legal naman kasi sa parents namin pareho ang relasyon namin ni Kai kaya sumasang-ayon rin sila.

Inaayos ko ang necktie ni Kai habang pilit syang nagnanakaw ng halik sa’kin kaya natatagalan tuloy ang pag-aayos ko sa kanya. At ginamit ko ang necktie nya para hilahin sya at halikan sya na kinangisi nya ng sobrang laki pagkatapos.

“Sa’n ka pupunta ngayon, love? Wala kang pasok, diba?” tanong ni Kai habang papunta kami sa parking lot.

“Yeah … uuwi ako sa bahay,” sagot ko at inabot ang coat sa kanya. “Okay lang ba?”

“Of course,” nakangiti nyang sagot sa’kin. Hinapit nya ako sa bewang at hinalikan ako agad sa labi. “Bye, love … I love you!” Ngumiti ako sa kanya at pinapasok na sya sa kotse, sobrang late na nya kasi eh.

“I love you, too!” sabi ko bago sinara ang pinto ng kotse. Iilang minuto lang ay umalis na si Kai at nagsimula na akong maglakad papunta sa entrance ng condo at magpatawag ng taxi para umuwi na ko sa’min.

Beyond Desires (EXO Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon