Last Chapter/Epilogue

8.2K 147 11
                                    

LAST CHAPTER/EPILOGUE


Malungkot akong umalis ng condo at pumunta sa trabaho. Kung inaasar ka naman talaga at alam pa ng officemates mo na anniversary nyo ng taong mahal mo, aba’y gusto ko na talagang umiyak at magalit kay Kai dahil parang hindi nya naman naaalala. Pero na naman ay umintindi ako.

May iilan pang nagtanong kung pupunta ba si Kai dito sa office or mag-a-undertime na ako dahil may date ba kami? Pero wala naman akong maisagot. Asan na ba kasi ang gwapong kumag na ‘yun? Kanina pa ako tingin ng tingin sa cellphone ko, walang text, missed call or tawag. Kahit man lang voice message.

Nung lunch ay bumaba ako sa cafeteria ng office pero nakaupo lang ako sa may dulo at hindi nag-oorder. Nagdadalawang-isip kung ako na ba mismo ang tatawag kay Kai at igreet na sya. Pero sinunod ko na talaga ang isip ko. Tumawag ako. Pero yun nga lang … naka-off. Kung binubwiset ka nga naman talaga.

Parang gumagana naman ang isip ko at naisipan kong tumawag mismo sa opisina nya. Napangiti ako nung tumigil na ang pagring at may sumagot. Yes, finally!

Pero takte, secretary nya pala!

“Hello?”

“Hello? Ahh … si Kai? Andyan ba sya? Or may meeting pa sya?”

“Ahh Ms. Naeun? Ikaw po ba ‘to?” tanong nung secretary ni Kai sa’kin.

“Wala pong scheduled meeting si Sir this time and for the rest of the day.”

“So where is he? Di ko kasi sya macontact e …” reklamo ko at naaasar na sa boyfriend kong ‘yun.Wala pala syang meeting e.

“Kanina po, he went out. Kasama po sina Sir Suho, maybe they’re eating lunch outside po,” malumanay na sagot nung secretary. Sir Suho! Sir Luhan! Sir Xiumin! Sir Chanyeol! Edi dun sya maki-celebrate ng anniversary sa mga kaibigan nya.

“Sige, thank you nalang …” paalam ko at ako na mismo ang pumutol ng tawag.

Edi ang plot twist ay mag-isa akong kumain.

Nag-enjoy nalang akong maglayout nung mga client ko. Nag-enjoy nalang tuloy ako sa ginagawa ko at di ko na namalayan na malapit na pala mag-7 pm. Busy rin kasi ang ibang ka-officemates kaya di rin nila napansin na hindi pa ako umaalis. Nakatitig pa rin ako sa cellphone ko na walang kahit anong message. Ahhh! Nakakaiyak talaga ang araw na ‘to.

Nagtext ako. “Kai … pag di mo ‘ko susunduin dito sa office, BREAK NA TAYO!”

 

Panakot lang! Baka magreply e. Pero wala.

“Naeun!” may pumasok sa office ko kaya napatayo ako agad sa swivel chair.

“Hmm?”

“May naghihintay sa’yo sa baba …” Baka eto na! Si Kai na ‘to! Natakot siguro sa text ko. Agad kong niligpit ang gamit ko sa office table at dinampot ang bag at cellphone at naki-agaw pa sa elevator. Excited e!

Pero pagbaba ko. Aba! Kahit naman hindi masyadong maputi si Kai ay kitang-kita ko naman sya sa dilim. Wala naman sya. Napatingin ako sa lalaking kakalabas lang sa isang kotse. Palapit ito sa’kin kaya umasa na naman akong si Kai ito pero kilalang ko na ang hubog ng katawan nya at tama nga ako, hindi ito si Kai.

“Lay?” Hindi sya sumagot pero hinawakan nya ang kamay ko.

“Hoy!” hinila nya ako papunta sa kotse. “Hoy! Ano ba ‘to? Kinikidnap mo ba ako, huh? Hoy! Tandaan mo, kaibigan ka ni Kai! Hoy! Ano ba!” Pinapasok nya ako sa kotse at agad syang pumunta sa driver’s seat. Ba’t ba ito ang andito e hindi naman ‘to nagsasalita e!

Beyond Desires (EXO Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon