4
NAEUN
Naalimpungatan ako nang may tumatapik sa pisngi ko.
“Naeun …” si Kai pala ang nanggigising sa’kin. “Naeun …”
“Hmmm? What?” at nagtaklob ng kumot. Gusto ko pang matulog, pagod ako at gusto kong mahiga lang all day parang may magnet yung kama. At isa pa, parang sumasakit din yung tiyan ko.
“It’s morning already … ayaw mo pa bang umuwi?” tanong nya at winaksi ang kumot na tinaklob ko sa mukha ko.
“Ughhh! 5 minutes Kai … please?” at humarap ako sa kanya kaya nagtagpo ang mga mukha namin at nginisian ko siya. “5 minutes … ha?” pagpuppy eyes ko pa sa kanya at pumikit na para matulog ulit. Bigla nyang piningot ang ilong ko.
“Edi sige … 10:35 dapat gising ka na!”
Napamulat ako sa sinabi nya. “Ten … 10:35? Oh my God!” napabangon ako at inikot ang kumot sa katawan ko. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. Aba at tinawanan pa ako!
“Hahaha!”
“Tawa-tawa ka dyan! Akin na nga muna ‘yung kumot …” at hinila ko yung kumot nya paikot sa katawan ko at pinulot yung mga damit kong nakatupi sa gilid ng kama.
“Naeun …” tawag ni Kai sa’kin.
“Ano na naman!? Ito na nga oh! Magbibihis na!” at tumingin ako sa kanya. Nakita kong may dugo yung bedsheet nya at nakatitig sya dito.
“Meron ka ba?” tanong nya sa’kin.
“Di ko alam eh … sorry …” kaya pala siguro masakit din yung tiyan at may puson ko. Tumayo sya sa kama at nagsuot ng shorts at lumapit sa’kin.
“Okay lang ‘yan ...” at tinulak ako papunta sa CR. “Maghintay ka na muna dyan … bibilhan ba kita ng napkin? Hahaha!” tukso nya pero naisip ko nga naman, wala pala syang napkin dito kasi lalaki naman sya, aanhin naman nya yung napkin diba? Kaya marahan akong tumango sa tanong nya dahilan para mas ngitian nya pa ako.
“Okay …” sagot nya at sinara na ang pinto sa CR.
Nakaupo lang ako sa toilet habang naghihintay na dumating si Kai para bigyan ako ng napkin dito na masusuot ko. Naisip ko rin … buti nalang pala at nagpi-pills ako kasi walang nagiging bunga yung mga ginagawa namin ni Kai. Nang biglang sumagi sa isip ko … ganito nalang ba talaga kami palagi?
Narinig ko ang katok nya sa pinto. “Naeun-ah …” Tumayo ako para buksan ito ng konti at sinilip sya. Inabot nya ang isang pack ng napkin pero hindi nakatingin sa’kin.
“Thank you, Kai …” sabi ko bago ko sinara yung pinto at nagbihis na.

BINABASA MO ANG
Beyond Desires (EXO Fan Fiction)
General FictionWhat's their hidden desires for each other? What's beyond their desire to hold each other? | RATED 16+ | EXO Planet Short Stories Compilations. Beyond Desires feat. EXO's Kai, APink's Naeun, BTS' Jin - teensupreme All Rights Reserved 2014.