5

6.4K 92 13
                                    

5

NAEUN

 

Magdadalawang buwan na ang lumipas mula nung nag-usap kami ni Kai sa rooftop. Magdadalawang buwan na rin kaming magkarelasyon ulit ni Jin. Pero nung isang linggo lang ang dumaan nung nagkita kami ni Kai. Nagkita na naman kasi kami sa condo nya. Pero ngayong linggo, hindi kami nagkita kasi may aatendan daw silang company party. Biniro nya pa ako na wala syang date, na ako nalang daw pero binawi rin naman nya agad. Kasi nga biro lang nya naman yun.

Minsan talaga naiisip ko, siguro ang tanga-tanga ko na pero bakit ganun? Feeling ko kasi tama ang desisyon ko. Feeling ko wala akong nasasaktan. Feeling ko dito ako masaya.

“Babe, ano bang flavor ang gusto mo?” nabalik lang ako sa reality nung bigla akong tapikin ni Jin sa balikat. Nasa ice cream parlor kasi kami ngayon at kakain kami ng ice cream. “Babe?”

“Vanilla nalang …” iniwan ko lang si Jin sa cashier at naghanap ng mauupo. Nakahanap ako ng isang pangcouple table sa may tabi ng glass wall ng ice cream parlor. Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko at nakitang may message pala ako. Hindi ko alam kung anong meron sa’kin pero umasa talaga akong si Kai ang nagtext pero si Namjoo lang pala. Di ko na namalayan na dumating na pala si Jin sa table namin.

“Babe? Ito na oh …” napaangat ako ng tingin sa kanya.

“Thanks, babe,” sagot ko at tumingin sa cellphone ko. Para akong may hinihintay pero alam ko namang wala talagang dadating na text para sa’kin galing sa taong hinihintay ko.

“Naeun?”

“Hmm?” sagot ko kay Jin nang hindi man lang sya tinitignan.

“Mind to look at me?” saad nya kaya agad akong napatingin sa kanya. Parang nahiya ako sa inasal ko sa kanya. Kahit sya ang kaharap at kasama ko, iba naman ang gusto kong makita. Para ko syang niloloko. O niloloko ko nga ba sya?

“Sorry … Jin …” mahinang sambit ko.

Sumubo ako ng isang spoonful ng ice cream bago ko itago ang cellphone sa bulsa ko. “Babe … palagi ka nalang sa cellphone mo nakatingin? May hinihintay ka bang ibang text? O tawag?”

“Huh? Ahh ano … wala. Minsan kasi wrong timing sina Eunji at Namjoo magtext sa’kin eh, nagtetext talaga sila ‘pag may ginagawa ako. Alam mo na …” sumubo ako ulit nung ice cream. “… tinutukso nila ako.”

“Ahh ganun ba?” Napatango nalang ako sa tanong nya para hindi na lumala ang pinag-usapan namin. “Sa Sunday babe, magdate naman tayo. Free ka ba?”

“Oh sige. Sa’n ba?” tanong ko nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Si Namjoo na naman siguro ‘to. Tumingin muna ako kay Jin at nilabas ang phone ko. “Nagtext na naman si Namjoo.” Tumango lang sya sa’kin na parang okay lang talaga sa kanya.

Pagbukas ko ng Messages. Si Kai pala ang nagtext.

“Naeun-ah … are you free this Sunday? Pwede ba tayong magkita? I’ll pick you up, don’t worry.”

 

Sunday? Magdedate din kami sa Sunday. Ano bang gagawin ko? Pero gusto kong makita si Kai. Baka may gusto syang sabihin sa’kin o ano. Napatingin ako kay Jin na kinakain ang ice cream na. Si Kai ba ang pipiliin ko dahil gusto ko syang makita? O si Jin dahil sya naman ang boyfriend ko?

“Ahh … Jin … nagtext pala yung mom ko, mukhang ano … may lakad yata kami sa Sunday?” At sa likod ng utak ko ay sana patawarin ako ng Diyos sa pagsisinungaling ko sa boyfriend ko. Patawarin nya sana ako.

Beyond Desires (EXO Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon