6

6.7K 102 4
                                    

6

NAEUN

Naglalakad akong parang zombie pauwi sa bahay. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko pero hindi ko ito sinasagot dahil ayaw gumalaw ng kamay ko at pindutin ang salitang 'Answer'. Pagpasok sa bahay ay nasa sala parehas sila mommy at daddy na nag-uusap.

"Naeun ..." lumapit ako sa kanila at nagmano pero naglakad rin ako paakyat na sa kwarto ko nang hinabol ako ni mommy sa may hagdanan at humawak sa braso ko.

"May problema ka ba, anak?" kita ko sa mata nya ang pag-aalala.

Pnilit kong pasiglahin ang mga mata ko kahit na hindi ko ito nakikita. "Ayos lang ma ... Pagod lang ho ako."

"Ganun ba? Sige ... magpahinga ka na sa kwarto mo, anak."

Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko at sumampa sa kama. Parang nag-'Ready Set Go!' naman ang luha ko at tumulo agad. Mabigat ang pakiramdam ko, masakit ang ulo ko, masakit ang loob ko, namimiss ko na si Kai, nalulungkot ako. Tinago ko ang mukha ko sa unan at mahigpit itong niyakap na sana ... magkita pa rin kami ni Kai. Na makasama ko pa rin sya dahil mahal ko na yata siya.

Mahal? Mahal ko nga ba si Kai? Kahit na ganun ang tinakbo ng relasyon namin? Hindi pagmamahal yun, parang ... parang ... may desire lang kami sa isa't isa. Gusto lang naming kasama ang isa't isa pero hindi pagmamahal yun.

Naggising nalang ako sa tunog ng alarm clock at suot ko pa pala ang suot ko kahapon. Nakatulog ako sa sobrang pag-iisip at sa pag-iyak. Namamaga ang mata ko dahil yata sa pag-iyak ko. Pero kailangan kong harapin ang araw na 'to. Panibagong araw na wala ng Kai ang makakasama ko. Wala ng Kai ang magtetext.

Para na akong magbabalik sa normal kong buhay bago ko pa nakilala si Kai.

"Naeun? You're uhh spacing out ..." tinapik ako ni Eunji sa balikat. Nasa cafeteria kami ngayon para kumain ng lunch since lunchbreak.

"Girl ... you're like spacing out the whole morning! Wala ka bang plano magtino ngayong hapon?" reklamo ni Chorong sa'kin at uminom mula sa soda nya.

Inub-ob ko nalang ang ulo ko sa cafeteria table. Bakit ba mabigat pa rin ang pakiramdam ko eh parang isang buwan na yata ang dumaan simula nung itigil na namin Kai ang kakaibang relasyon namin. Nagtataka na nga ang mga kaibigan ko kung bakit daw ba eh parang wala akong gana palagi eh gayong papeteks-peteks lang naman ang subject ngayong 1st sem kahit graduating kami.

Pati din si Jin ay naguguluhan na sa'kin, pinagdududahan na nya ako. Ngayon pa nya ako pinagdudahan na wala na akong ginagawa sa likod nya. Nakaka-guilty pero umiiral ang kakaibang damdamin sa dibdib ko kapag naaalala ko ang pinagsamahan namin ni Kai. Yung mga panahong magkasama kami.

Ilang araw ko na rin syang hindi nakikita sa campus. Pero alam kong andito lang sya sa university. Sadya yatang hindi kami pinagtatagpo ng tadhana. Sadyang mailap ang chance na magkita o magtagpo kaming muli.

Inangat ko ang ulo ko at sinimulang kainin ulit ang spaghetti na in-order ko para sa sarili nang magsalita si Namjoo.

"You know what? Let's go to bar sometime ... hmmm why not on Friday? Ang daya nyo, hindi tayo kumpleto kapag nagbabar," nagpout pa sya sa'min para mapapayag kami, ininom ko ang Coke in can pagkatapos sumubo ng dalawang beses.

"Nope. I have appointment on Friday, ya know?" sabi ni Eunji kaya mas nagpout pa si Namjoo.

"Edi Saturday ..." suggestion ulit ni Namjoo.

"Uh! Uh! Bawal ako sa Saturday ... birthday ng parents ko. Out of town," naka-irap na sagot ni Chorong na parang gusto talagang mag-bar pero bawal.

Beyond Desires (EXO Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon