xxii

79 3 1
                                    

CHAPTER TWENTY TWO
~🔹~

I've never seen myself in the mirror for the longest time. Hindi ako mahilig mag-make up pero hindi ko alam kung bakit naisipan kong i-bun ang hair ko today at maglagay ng konting kolorete sa mukha.

Subconsciously, alam kasi ng sarili ko na nandito lang din si Bryon sa building at kailangan mukha akong presentable para sa kanya. Paano ko siya maipapaniwala na ako nga ang para sa kanya kung mukha ako palaging hinahabol ng mga order sa restaurant.

"Wow chef, para kanino ka naman nag-aayos?" Pang-aasar ulit ni Tommy sa akin, pinapalitan siya ngayon ni Tita Yvonne ng hospital gown.

"Nakita ko na yung lalaking itinadhana sa akin kaya diyan ka muna, hahanapin ko lang ulit siya." Pagpapaalam ko sa kanya with a wink.

"Wag ka na maghanap, nandiyan naman si doc na pup-" Narinig ko pa ang pahabol niyang pang-aasar bago ko tuluyang isara yung pintuan.

Gusto kong umasa na pwede pa si Blanc pero aasa na naman ako sa wala. Kailan pa ba ako magsasawa? Kailan pa ba? Eh at least ngayon alam kong merong isang tao ang para talaga sa akin at hindi lang siya. Hindi ko na aaksayahin ang oras ko para sa tao na kahit anong gawin ko ay hindi mapapasakin.

Tadhana nga naman, sino ang mag-aakalang makakasabay ko pa sa elevator pababa si Bryon? Sakto talaga 'tong pag-aayos ko ngayong araw eh.

"Kumusta?" Tanong ko kagad sa kanya. He gave me a sad smile. Mukhang may sasapakin na naman akong tao mamaya.

"Hindi sila makapag-decide today. Medyo dumami ang patients ni Mr. Purro kanina so mostly mga stockholders lang ang na-meet ko. Though maganda naman ang feedback nila, yung decision pa rin is with the CEO." Pagpapaliwanag ni Bryon. Gusto ko sana siyang tapikin sa braso kaso masyado naman yatang invasion of personal space ang gagawin ko. Besides, hindi ko pa nga alam kung ano talaga ang nangyari sa amin before at bakit parang inis na inis si Choco sa kanya.

"Cheer up, if the stockholders liked your software, I bet they can influence their leader as well." Sinubukan ko na lang siyang i-comfort through words.

"You know what, I missed you." Bryon blurted out of the blue. Nagsimula na namang mag-palpitate yung puso ko. Oh my gosh, ito na nga ang pag-usbong ng lovelife ni Sage Mozzarella. This is my time to shine!  "You were always there when I needed someone to talk to." Pagpapaliwanag niya pa.

"That's what friends are for, right?" Mema lang ako para hindi halata na kinikilig na ako dito. Mabilis na umiling si Bryon at sumeryoso.

"I wish I haven't asked for more." Mahina niyang sabi pero audible siya sa akin.

Tatanungin ko na sana siya kung ano ang nangyari kaso bigkang umextra yung elevator.

4th floor.

Pagkabukas nung pintuan ay binati ako ng mukha ni Choco at binigyan niya kagad ako ng nakamamatay na tingin nung makita niya kung sinl ang kasama ko.

"What the" Sambit ni Choco bago niya ako hilahin palabas ng elevator, wala siyang pake kahit na medyo marami siyang kasamang doctor. Ang goal niya talaga is mapalayo ako sa nilalang na kasama ko sa loob.

"Bye, Bry!" Pilit kong nilingon si Bryon bago ako tuluyang mahila palayo ni Choco.

Hindi kumaway sa akin si Bryon, umiwas na siya ng tingin at halatang super down niya today lalo na dun sa ginawa ni Choco. Ano ba kasing meron at ayaw niya kaming magkita ni Bryon?

Purro: Your not so Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon