vii

135 6 0
                                    

CHAPTER SEVEN
~♦~

Wala na talaga akong pag-asa.

Hopeless.

Hopeless na tunay.

I've been trying to contact Purro Multicorporation for the nth time this week pero hindi ako maka-push through parang naka-block yung number ko from reaching them again. It's been two weeks after nung supposed touchdown ni Mr. Purro Sr. from his business trip pero ni isang call ay wala akong natanggap.

Gustong gusto ko na kasi talagang palayasin si Blanc dito sa bahay dahil masyado na siyang napapalapit kila nanay, tatay at kuya kahit nga sa mga kasama namin sa bahay ay okay siya. I don't want them to get too attached because at the end of the day, Blanc will never be with us. Tsaka hindi na talaga ako komportable sa kanya, not in the way na hindi ko pa din siya pinagkakatiwalaan, it's the opposite. I trust him way too much.

And that would probably be bad for me kasi alam ko naman na hindi naman siya mag-sstay sa buhay namin in the long run. Ako lang ang malulugi dito, kami ng pamilya ko. Kaya nga kahit na alam kong swak naman ang mga trip namin ay pinipilit ko pa ding lumayo sa kanya.

"Tua!" Katulad ngayon, he would just barge in my room through the connecting balcony like it was his.

"What?" I tried to make myself busy by re-arranging my books from soft to hard bound and in alphabetical order.

"Kain tayo." Ganito na siya ngayon, hindi na siya takot magyaya kumain kasi nag-wwork out naman kami parehas after. In all fairness to Dr. Chen-Lee, I successfully shed 2kg off my weight for the past two weeks ng walang masyadong effort. I can eat what I want basta pasok sa recommended calorie per day.

"Busog ako." This time, I meant it. Hindi na ako masyadong nagugutom lately, sinunod ko din kasi yung small frequent feedings na advise ni kuya.

"Talaga?" He's teasing me again, poking me at my sides.

"Blanc, please wag kang makulit." Inis kong sabi sa kanya. Sumeryoso naman kagad ang mukha niya saka humiga sa bed ko. Ganyan na siya ka-komportable sa akin.

"Ang sungit mo lately, dahil ba sa gamot yun? Papalitan natin kay doc?" He asked.

"Makulit ka kasi. I told you to stay away from my room."

"Ang suplada na porket pumapayat na siya." Pang-aasar niya ulit. I stopped arranging my books then glared at him.

"Blanc, please." Hindi niya pa din ako pinapansin, naka-smirk lang siya habang tinitignan ako.

"Tua, mer-"

Blanc was interrupted by the shrill of my fossil phone. Mas mabilis pang kinuha sa akin ni friend yung cellphone ko na nasa may bedside drawer.

"Private number?" He looked at me, questioning pero hindi ko na lang siya pinansin at lumabas sa balcony.

"Hello?"

"Hi, can I speak to Miss Sage Mozzarella Tua?" Pamilyar yung boses nung babae sa kabilang linya, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon