xxxvi

116 7 4
                                    

A/N This was the longest writer's block I have encountered. As in never akong nakaisip ng konsepto na idudugtong sa kwentong ito - or ipagpapatuloy ko pa ba?

Not until recently, I've got an inspiration again to write. Mas nakakaisip kasi ako ng kwento kapag broken-hearted, so yes, yun na nga ako. lol. But not to the point na wasak ako kasi I was able to pry myself away bago pa ako ma-fall ng bonggang bongga. Kaya people na medyo marupok, always be wise, though sobrang mahal mo - isipin mo din ang sarili mo.

Going back, I hope you'll like this chapter :)


CHAPTER THIRTY SIX

~♦~

Tahimik kaming umakyat ng bundok. Wala ako sa mood makipag-usap kasi nilalasap ko pa ang feeling ng magkahawak yung kamay naming dalawa tsaka lalo kasi akong hihingalin kapag nakipagkwentuhan pa ako.

Every once in a while he would ask me if I'm still feeling okay. Kahit na hindi naman ako nagsasabi ay automatic na tumitigil kami maglakad after thirty minutes and he would ask me if I need anything. Uupo lang kami, tahimik, yun lang yung time na bibitawan niya saglit yung kamay ko pero after non, balik holding hands while hiking na ulit kami.

After dalawang oras ay narrating din naming ang pangalawang stall, nagyayaya si Blanc na kumain muna kami before going on with the activity. We ordered two tapsilog with brown rice pa.

Blanc pulled out his camera and embodied the photographer spirit in him. He enjoyed capturing the people inside the dampa.

"You want to sleep?" Tanong niya sa akin bago siya nagpatuloy sa pagpicture.

"I might not wake up on time." I yawned and stretched a bit. Sana pala talaga hindi ko na tinuloy yung plano kong umakyat ng bundok at nagkulong na lang ako sa kwarto.

"I can carry you." He shrugged then took a picture of me with my messed-up-by-wind hair and sleepy eyes.

"Stop taking pictures of me." Inis kong saway sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.

"You look prettier in candid." Malaki niyang ngiti then pinakita niya sa akin yung picture ko. In fairness naman ang pagka-candid niya, para pa rin akong nag-project sa camera.

"Magaling ka lang kumuha ng litrato." I shrugged kahit na deep inside, nanginginig na ang kalamnan ko sa kilig. Ang ganda ko daw oh.

"Wow, tama ba rinig ko? You're complimenting me?" Pang-asar ang tono niya ngayon. I just rolled my eyes at him.

"Why do you look so happy? Hindi ka ba complimented ng ibang tao?" Pang-asar ko sa kanya pabalik.

"They are complimenting me pero iba pa rin kapag galing sa'yo. Your opinion matters more than anyone else in the world." He winked at me then captured my wtf face using his camera. Tumawa lang siya nung hindi na ako makasagot sa sinabi niya.

Sandali kaming tahimik, sabi nila ate mga 10 mins pa daw maluluto yung inorder naming tapa dahil pinapalambot pa nila. Nagpatuloy lang sa pagpipicture si Blanc habang hindi ko na mapigilan ang paghikab.

Maya-maya lang ay lumipat na sa tabi ko si Blanc. He kept his camera and pulled out a small travel pillow from his bagpack.

"Matulog ka na muna, I'll wake you up when the food's ready." He gently said then placed the travel pillow around my neck like he did when we were in highschool. It is the same pillow he gave me, with the name Blaine embroidered on it.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon