xiv

109 3 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN
~♦~

It has been a week since the incident happened.

In that one week I had so many realizations. I'm starting to accept that maybe I do love Blanc, and that I'm willing to put aside everything just to make him happy.

I've also decided to be his friend like he wants me to be. Ayokong gumawa ng kilos that would jeopardize our friendship and yes kasama na dun yung pag-amin ng feelings ko na makakagulo sa kanila.

"Mongs, tara na?" Kuya called out for me. Siya ang maghahatid sa akin ngayon sa school.

"Isang subo na lang yung oatmeal ko kuya."

"Forty minutes ka nang kumakain. Bilisan mo, malelate na din ako." Pagsita niya pa din before tapping the tip of my nose and eating a whole granola bar in one bite.

"Himala, you're being punctual na? Are you my brother, Mark?" I teased him before placing the bowl inside the dishwasher. I pulled a piece of banana from it's bunch.

"Stop stalling, Sage Mozzarella." He tried to act manly but he can't hide the smile appearing on the corners of his mouth.

"Nandiyan na nga po." Bumeso muna ako kay nanay at tatay bago kinuha yung bag ko sa sofa at sumunod na sa labas.

"Tumingin-tingin ka na sa taas mo ah. Baka mamaya hindi lang ilaw ang babagsak tapos wala ka pa ding alam." Kuya reminded me again for the nth time. Sobrang namutla din kasi siya nung tinawagan siya to fetch me from the school's infirmary. Akala niya daw kasi sobrang nasugatan yung ulo ko.

"Opo." I can't help but smile at him. Kelan pa siya naging adorable? Isa na ba siya sa mga positive results ng pagbalik ko sa nakaraan?

"Uhm...about your friend." Biglang iniba ni kuya yung topic. He opened the door for me. I eyed him suspiciously before hopping inside the car, sinasabi ko na nga ba trip niya si Mint.

"Sorry kuya, meron siyang ibang gusto." Pang-aasar ko lang. Kung ako lang ang tatanungin, I want Mint to end up with him pero mahirap kasing mag-matchmaker lalo na kung alam kong hindi pa nakaka-move on si girl kay Wilmer. I don't want to push them together kung may issues pa kasi they would probably end up getting hurt.

"And what made you think that I would make a move on her?" He raise one eyebrow before helping me wear the seatbelt.

"Your eyes said it all. Umpisa pa lang alam ko na. Don't worry kuya, I'll tell you kapag naka-move on na siya sa one sided love affair niya." I winked at him. Kinurot niya lang ako sa pisngi bago lumakad papunta sa driver's seat.

He went on reverse to drive away from home pero hinarang kami ng isang familiar na Ford. It's also been a week since I last talked to Blanc.

Hindi niya ako kinamusta or binisita man lang kahit isang beses. Sabagay, understandable naman na wala na siyang time dahil nandiyan na si Georgina.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon