xxxiv

77 2 0
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR
~♦~

6, 8, 12

Bwisit na bwisit ako sa soundtrip nila Tommy kaya naman kahit hindi ako kailangan sa kusina ay napapunta ako ng wala sa oras.

Magpatugtog ka na ng ibang kanta wag lang yon. Okay ako sa mga laslas-pulso. Okay ako sa mga kanta ni Moira pero huwag lang talaga ang nag-iisang kanta na yan.

Anim na buwan na kasi ang lumipas simula nung huling pag-uusap namin ni Blanc. Marami na ang nangyari pero siya, wala na talaga. Alam ko na kung bakit, alam ko na kung sino ang pinili kaya bigyan niyo na ako ng karapatan ma-bitter kasi ako naman ang nagdala nito sa sarili ko.

Nag-rerender na ng 1,800 hours of community service yung dalawang bruha after they were found guilty of defamation. Ipinaglaban ng mga abogado nilang wag makulong at community service na lang ang gawin.

Engaged na din si kuya at Mint. Next year na sila ikakasal after ng death anniversary ni Choco.

Sila nanay at tatay naman ay nag-celebrate na ng silver wedding anniversary nila at tatlong buwan silang magccruise around the world. Sarap ng buhay eh.

"Sabi ko sa'yo ilipat mo na e!" Narinig kong saway ni Tommy kay Pia nung makita niya akong papasok ng kusina.

"Pia." Tawag ko sa kanya. Inilipat niya naman kagad yung kanta at nakatungo siyang lumakad papalapit sa akin.

"Sorry, chef. Aka-" Paliwanag kagad ni Pia sa akin. Mabilis ko naman iniabot sa kanya yung usb na kinuha ko from my desk.

"Ito na ang playlist na gamitin mo simula ngayon. More on jazz yan, 1,300 songs kaya it will suffice kahit ulit-ulitin mo." Wala kong emosyon na sabi sa kanya. Lately ay natatakot na ang mga empleyado sa akin, ang laki daw kasi ng pinagbago ko. Hindi na daw nila mabasa kung ano ang nararamdaman ko.

"Yes, chef." Mahinang sabi ni Pia bago bumalik sa pwesto niya.

Halos lahat sila ay nakatingin sa akin pero taas noo lang akong bumalik sa opisina. Ito lang ang naging buhay ko, bahay-trabaho.

On a positive note, mas umokay ang business at kasalukuyan ng itinatayo yung second branch ng restaurant na ireregalo ko na kay kuya at Mint. Kaya as of now, naghahanap ako ng papalit kay Mint para dito sa branch.

"Chef meron pong lalake at babae na naghahanap sa inyo sa labas. Mga aplikante po yata." Sumilip si Jacob sa opisina ko para sabihin yon.

"Papasukin mo." Utos ko sa kanya saka ko itinabi yung mga papeles na kanina ko pa inaayos para sa bagong file cabinet.

"Hey, Sage." Napaangat ako ng tingin sa narinig kong pamilyar na accent.

Jace and Chanel graced me with their godly presence. Malalaki ang ngiti nila sa akin at ako naman ay hindi na nakapagpigil tumakbo papunta sa kanila.

"Oh my gosh! I missed you both!" Sigaw ko sa kanila then they enveloped me with a hug.

"Ditto." Matipid na sabi ni Chanel. Mabilis niya naman akong tinignan mula ulo hanggang paa after niyang kumalas sa yakap.

"You've ruined yourself." Disappointed niyang sabi.

Hindi ko na kasi napa-retouch yung kulay ng buhok ko at nakaligtaan ko na ding magmake-up kasi wala din namang dahilan para magsuot ako non.

"Busy sa work eh." Pagpapalusot ko na lang.

"Di bale we'll work on that, kamusta ka naman na?" Tanong sa akin ni Chanel. I looked at the both of them and pasted my billion dollar smile.

Purro: Your not so Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon