Chapter 8

23K 506 12
                                    


NAGMAMADALI si Andrew na makarating sa ospital kung saan isinugod ang kapatid niya na si Andrea. Halos paliparin niya ang sinasakyang kotse. Ayon sa sinabi ng ina noong tawagan siya nito, inubos daw ni Andrea ang sleeping pills na iniinum nito. Mabuti na lang daw at nakita daw iyon ng ina at naitakbo agad ito sa ospital. And according to her mother, her sister is still unconcsious.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na siya sa kilalang ospital. Nang maipark niya nang maayos ang minamanehong kotse ay lumabas na siya ro'n at halos lakad takbo ang ginawa niya makapasok lang siya sa loob ng ospital. Agad niyang hinanap ang kanyang ina. Nakita niya ito sa labas ng emergency room. Nakaupo at tahimik na umiiyak.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago siya naglakad palapit rito.

"Ma..." tawag niya sa atensiyon nito. Nag-angat ng tingin ang ina at nang makita siya nito ay lalong bumuhos ang luha sa mga mata nito. Niyakap niya ang ina na agad naman itong gumanti ng yakap sa kanya. Hinaplos niya ang likod nito para patahanin.

"How is she, Ma?" Tanong ni Andrew sa ina.

"Ino-obserbahan pa siya ng Doctor. B-but she is still unconcious," sagot ng ina sa garalgal na boses. "I don't know what to do if pati ang kapatid mo ay mawawala sa atin, Andrew."

"Walang mangyayaring masama kay Andrea, Ma. Magkakamalay din siya, gagaling siya. Magtiwala lang tayo, Ma." Pagpapalakas loob niya sa ina.

"I thought she's already okay. Akala ko nalagpasan na niya iyong nararamdaman niyang depression. Hindi pa pala..."

Hindi siya nagbigay komento sa sinabi ng ina. Sa halip ay humigpit lang ang pagkakayakap niya rito. Hinaplos-haplos din niya ang likod nito. Gusto kasi niyang iparamdam sa ina na naroon lang siya sa tabi nito at hindi niya ito iiwan.

Ilang sandali din silang magkayakap na dalawa ng ina. Pagkatapos niyon ay sabay silang sumilip na dalawa sa labas ng ICU kung nasaan ang kapatid niya.

Hindi niya napigilan ang pagkuyom ng mga kamay nang makita ang kapatid na nakahiga sa kama at may mga aparatu na nakakabit sa katawan nito. Sa sandaling iyon ay halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Lungkot, awa, pagsisisi at galit. Nalulungkot siya para sa sinapit ng kapatid. Mas pinili nitong sumuko na lang kaysa ipagpatuloy ang buhay--ang lumaban sa buhay. Naawa din siya para sa mama niya dahil wala itong magawa para tulungan ang kapatid niya. Pagsisisi para sa sarili dahil hindi niya naalagaan mabuti ang kapatid niya. Nangako pa naman siya sa namayapang ama na hindi niya pababayaan ang kapatid at ang ina. Nangako siya sa ama na siya ang tatayong padre pamilya rito. Magtatanggol at po-protekta sa mga ito pero wala siyang nagawa. He was a failure.
At galit naman para sa lalaking naging dahilan kung bakit nagkakaganito ang kapatid niya, kung bakit nandito sa ospital ang kapatid niya--unconscious. Galit para kay Zander Samonte. Hindi manyayari sa kapatid niya ang sinapit nito ngayon kung hindi nito nakilala ang gagong iyon. Kung hindi nito pinaasa ang kapatid niya at sa bandang huli ay iiwan.

Nagtagis ang mga bagang niya. Lalo ding kumuyom ang mga kamao niya sa kamay dahil sa matinding emosyon na nararamdaman. "I'll make you pay for this, Zander." Pabulong na wika niya habang nakatingin siya sa nakahigang kapatid na nasa loob ng ICU. He don't have any remorse right now. Iyong konsensiya niya ay kinain na ng galit. Ang nasa isip niya ay makaganti sa gagong Zander na iyon.

----

ZARINA is busy browsing her facebook account when her phone rang. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pangalan na rumehestro sa screen sa cellphone niya.

Ilang segundo din siyang nakatitig do'n hanggang sa sinagot niya ang tawag.

"Uhm, hello?" Wika niya ng sagutin niya ang naturang tawag.

The Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon