HINDI na hinintay ni Zarina na pagbuksan siya ni Andrew ng pinto ng maipark nito ng maayos ang minamanehong kotse sa parking lot ng race track na pinuntahan nilang dalawa.Niyaya niya si Andrew na manuod ng car race. Isa kasi ang bestfriend niyang si Brooke na makikipagkarera ngayong araw. At gusto niyang suportahan ang kaibigan. Actually, member sila ni Brooke ng mga car racers sa Manila. Ilang beses na rin silang nakipagkarerang dalawa ni Brooke. At hindi naman sa pagmamayabang ay nananalo din naman sila. Hindi pa sila umuuwi na luhaan na dalawa.
Hinintay ni Zarina na makalabas si Andrew mula sa sasakyan. At nang makita niya itong lumabas ay napansin niya ang pagkunot ng noo nito. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito ng makalapit ito sa kanya.
"Sa susunod ay hintayin mo ako. At ako ang magbubukas ng pinto para sa 'yo," wika ni Andrew. Hindi naman niya napigilan ang pagkabog ng dibdib sa sinabi nito.
"Okay," sabi niya rito na may bahagyang ngiti sa labi. Pagkatapos niyon ay tumaas ang isang kamay niya patungo sa noo nito. Hinaplos niya ang noo nitong nakakunot. "Bawal ang nakakunot ang noo," wika niya kay Andrew habang patuloy niyang hinahaplos ang noo nito.
Napansin naman niyang unti-unting naalis ang pagkakakunot ng noo nito. Nang bumalik na iyon sa dati ay idinampi niya ang kamay sa kanang pisngi nito. "See? You look more handsome kapag hindi ka nakakunot noo," komento niya rito.
Andrew expression softened. Nginitian naman niya ito bago niya hinawakan ang kamay nito. Pinagsalikop niya ang mga kamay nilang dalawa. Bumaba naman ang tingin ni Andrew sa kamay nilang magkasalikop.
"Let's find my friend," sabi niya rito. Pagkatapos niyon ay marahan niya itong hinila. Hinanap nila ang kaibigan niyang si Brooke. At nang makita nila ito ay nilapitan nila ito.
"Brooke!" Tawag niya sa atensiyon nito. Lumingon naman ito sa gilid nito. At nang makita siya ay awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi nito.
Mayamaya ay bumaba ang tingin nito sa kamay nila ni Andrew na magkasalikop. Tumaas ang isang kilay nito nang ibalik nito ang tingin sa kanyang mukha.
Nginitian lang naman niya ang kaibigan. At alam niya na puputaktihin siya nito ng mga tanong. Alam nitong bodyguard niya si Andrew, pero bakit magka-holding hands silang dalawa.
Halos magda-dalawang linggo na ang relasyon nila ni Andrew pero hindi pa niya iyon nasasabi kay Brooke.
Binitiwan niya ang kamay ni Andrew para yakapin si Brooke. "Ang dami mong ipapaliwanag sa akin," bulong nito sa kanyang tainga.
She just made a low laugh. "Uhm, hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?" Mayamaya ay wika ni Brooke ng maghiwalay sila mula sa pagkakayakap.
Kinagat naman niya ang ibabang labi ng tumingin siya kay Andrew. "Brooke si Andrew pala, my boyfriend," pagpapakilala niya sa kaibigan kay Andrew. "Uhm, Andrew, ito naman ang bestfriend ko na si Brooke." Pagpapakilala din niya kay Brooke kay Andrew.
Inilahad ni Andrew ang kamay sa harap ni Brooke na agad naman nitong tinanggap. "It's nice to meet you, Brooke." Buong-buo ang boses na wika ni Andrew.
"Same here, Andrew." Nakangiting wika naman ni Brooke. Mayamaya ay nawala iyong ngiti sa labi ng kaibigan. Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. "Naikwento na ba ni Zarina sa 'yo na black belter siya sa judo at karate?" wika ni Brooke kay Andrew sa seryosong boses.
Umiling naman si Andrew bilang sagot. "Oh, now you know. At alam mo din bang hindi lang si Zarina ang black belter sa aming dalawa. I am too," pagmamalaki nito. "So, alam mo na kung ano ang mangyayari sa 'yo kapag niloko at pinaiyak mo ang kaibigan ko. Ipapakita ko sa 'yo kung paano ako naging black belter. Lintik lang ang walang latay, Andrew."
BINABASA MO ANG
The Bodyguard (Completed)
General FictionThis story of mine is rated SPG! Not suitable for young readers.