Chapter 23

22.4K 553 37
                                    

Beware: Rated SPG! Not suitable for young readers!

"LITTLE pigs! Little pigs! Let me in! Let me in!"

Iyon ang bumungad sa pandinig ni Zarina ng magtungo siya sa sala na bahay nila. As usual ay magkasama na naman ang mag-ama. Nakaupo si Andrew sa sofa, habang si Zeus naman ay nakasandal sa katawan ni Andrew. Binabasahan ng huli ng story ng Three Little pigs si Zeus.

"No! No! No! Not by the hairs on our chinny chin chin!" Wika ni Andrew.

Napatingin naman si Zarina kay Zeus. Iiling siya nang makitang nakapikit na ang mga mata nito. Mukhang nakatulog na ito mula sa pagbabasa ng story ni Andrew.

Naglakad siya palapit rito. At mukhang napansin ni Andrew ang presensiya niya dahil inalis nito ang tingin sa binabasa at nag-angat ito ng tingin sa kanya.

"Uhm, may kailangan ka?" Tanong ni Andrew nang magtama ang mga mata nila.

Nginuso naman niya si Zeus. "Nakatulog na," sabi niya.

"Oh, sorry. Hindi ko napansin," hingi ni Andrew ng paunmanhin ng dungawin nito si Zeus. Lumapit naman siya sa mga ito. Akmang kukunin niya si Zeus para sana buhatin ng pigilan siya ni Andrew. "Ako na," sabi nito. Ibinaba nito ang hawak na libro sa center table at binuhat si Zeus.

"Dalhin mo na lang siya sa kwarto," sabi niya. Sinamahan na rin niya ito sa kwarto nila ni Zeus.

Kinumutan niya si Zeus ng malapag ni Andrew ang anak sa kama. At nang sulyapan niya si Andrew ay nakita niyang nakatingin ito sa pictures ni Zeus no'ng baby pa ito.

"May mga ibang baby picture's ba si Zeus no'ng baby pa siya?" Tanong ni Andrew sa kanya ng lingunin siya nito. Napatitig siya sa mukha nito nang mapansing ang pamumula ng mga mata nito.

Ilang segundo din siyang nakatitig rito bago siya tumango. "P-pwede ko bang makita?"

"Okay," sabi niya. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng suot niyang short. May kinalikot siya do'n at inabot niya iyon kay Andrew.

Nagtataka man ay kinuha nito iyon sa kamay niya. "Mas maganda kung videos ni Zeus iyong makita at mapanuod mo. Nandiyan iyong bagong panganak siya, unang salitang lumabas sa bibig niya, unang beses na naglakad siya," wika niya kay Andrew. She want to treasure those memories kaya kinukuhanan niya ang anak ng videos.

Ilang segundo din itong nakatitig sa kanya bago ito tumingin sa cellphone niya para panuorin ang sinasabi niyang videos ni Zeus. Nakita niya ang pag-ngiti ni Zeus habang patuloy itong nanunuod. And his eyes softened in one instant. Kinagat niya ang ibabang labi nang makita ang isang butil ng luha na pumatak sa mata nito. Mabilis nito iyong pinunasan. Para namang may sumakal sa puso niya dahil nakaramdam iyon ng bahagyang kirot habang nakatitig siya kay Andrew. Napakurap-kurap din siya ng mata para pigilan ang emosyon na nararamdaman.

Tumingin sa kanya si Andrew, kung kanina ay namumula ang mga mata nito ay ngayon naman ay pulang-pula iyon dala siguro ng nararamdaman nitong emosyon.

"Noong...panahong pinagbubuntis mo si Zeus? Nahirapan ka ba?" Masuyong tanong sa kanya ni Andrew.

Matagal bago siya sumagot. At saka dahan-dahan siyang tumango. "Mahirap. Lalo na at mag-isa lang ako," sagot niya.

Bahagya namang kumunot ang noo ni Andrew. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Hindi siya sumagot. Sa halip ay tumitig lang siya rito. Kagat ang ibabang labi na iniwas niya ang tingin rito ng humakbang ito palapit sa kanya. Pero ibinalik din niya ang tingin rito ng huminto ito sa harap niya. "Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo na mag-isa ka lang," ulit na tanong ni Andrew sa kanya, mababakas sa boses at mukha nito ang pag-alala.

The Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon