Chapter 22

21.7K 528 41
                                    

"MAMA, hindi ka talaga sasama sa amin ni Papa?"

Napatigil si Andrew sa pagpindot ng cellphone nang marinig niya ang tanong na iyon ni Zeus kay Zarina. Napatingin siya sa dalawa. Nasa tabi ni Zeus si Zarina habang abala naman ang huli sa pag-aayos sa mga gamit ni Zeus na dadalhin niya sa pagbisita nila sa kanila.

Kagabi ay kinausap niya si Zarina kung pwede ba niyang hiramin ng isang araw si Zeus. Gusto kasi niyang ipakilala ang anak sa ina at sa kapatid. And his mother and sister is dying to meet his son. Mabuti na lang at pumayag si Zarina sa pakiusap niya. Mukhang tinupad nito ang sinabi nito sa kanya na bibigyan siya nito ng karapatan kay Zeus. Gusto sana niyang sabihin na sumama din ito sa kanila pero natatakot siyang mapahiya. Baka kasi tanggahin siya nito.

"May ibang gagawin kasi si Mama. Maybe, next time," sagot ni Zarina kay Zeus. Bumagsak naman ang balikat niya sa narinig na sagot nito.

Sa totoo lang, ay gusto din niyang sumama sa kanila si Zarina. Gusto niyang ipakilala ito sa Mama at kapatid niya. Kahit na nakilala na at nakita na ng ina at kapatid si Zarina no'ng puntahan ng mga ito ang huli sa shop nito para makita at nagbabasakali na makita din si Zeus. No'ng sabihin kasi niya sa mga ito na posible ngang anak niya si Zeus ay inuungot ng mga ito na puntahan si Zarina. Pero sinabihan niya ang mga ito na huwag pabigla-bigla. Baka kasi magulat si Zarina kapag nagkataon. Pero hindi pa rin nagpaawat ang ina at kapatid, pinuntahan pa ng mga ito si Zarina. At idinahilan pa ng pagpunta ng mga ito ay ang tungkol sa trabaho.

Gusto din sana ni Andrew na kompleto ang mag-ina niya kapag ipapakilala niya ang mga ito sa pamilya. Pagkabanggit niya sa salitang mag-ina ay parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na may mag-ina na siya, may pamilya nang matatawag. Na may tatawag na sa kanya na 'Papa.'

Sa totoo lang din ay wala siyang makapang pagsisisi sa puso dahil sa isang iglap ay naputol na ang pagkabinata niya. Masaya nga siya sa nalamang isa na siyang ama. At masaya din siya dahil si Zarina ang ina ng anak niya.

Aaminin ni Andrew na may ulterior motive siya kung bakit siya nakipaglapit kay Zarina. Gusto niyang maghiganti kay Zander sa pamamagitan nito. Pero hindi niya inaasahan na magba-back fire ang plano niyang iyon kay Zarina. Plano niyang paibigin ito pero hindi niya inaasahan na iibig siya kay Zarina. Dahil sa araw na nagdaan, sa mga araw na kasama niya ito ay unti-unting nahuhulog ang damdamin niya rito. Na sakabila ng galit na nararamdaman niya para sa kuya nito na si Zander ay hindi niya naiwasan na mahalin si Zarina.

No'ng makipaghiwalay nga ito sa kanya noon ay nasaktan siya ng lubos. Lalo na no'ng sabihin nitong hindi siya nito mahal. Akala nga niya ay mahal na siya nito, nakaringgan din kasi niya ito no'n na kinakausap siya no'ng natutulog siya. At sinabi nitong mahal na siya nito. Pero mukhang panaginip lang ang narinig niya noon.

Balak nga ding kausapin ni Andrew si Zarina kinabukasan niyon, balak niyang suyuin ito. Pero no'ng puntahan niya ito ay nakita niyang kasama nito si Theo. Nakita din niya ang ginawang pagyakap ni Zarina ng mahigpit kay Theo. At habang nakatitig siya siya sa dalawa na magkayakap ay may napagtanto siya. Kaya siguro nakipaghiwalay si Zarina sa kanya dahil si Theo pa rin ang gusto nito--ang mahal nito. At sa isiping iyon ay hindi na naman niya napigilan ang masaktan. Para ngang may malaking kamay na sumakal sa puso niya sa sandaling iyon.
At dahil wala din naman siyang laban kay Theo ay nagparaya na lang siya. At kahit na masakit iyon para sa kanya.

At mukhang iyon ang parusa sa kanya sa pagpa-plano niyang makaganti. At para na rin makalimot ay pumayag na rin siya sa suhestiyon ng ina na dalhin ang kapatid niya sa amerika para do'n ipagamot. Pansamantala din niyang iniwan ang pamamahala sa kompanya sa Tito niya.
Sinubukan din niyang lumimot, nagkaro'n din siya ng girlfriend do'n pero hindi din naman tumatagal ang relasyon nila. Nakikipaghiwalay din siya sa mga ito dahil may hinahanap ang puso niya na hindi niya mahanap sa mga ito. At alam niya kung ano ang hinahanap ng puso niya...si Zarina. Na kahit na ilang taon na ang lumipas ay ito pa rin ang laman ng puso niya.

The Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon