Dumeretso ako sa secret house, medyo nagmamasid din ako kasi baka sinundan ako ng dalawa. Pagkarating ko sa pintuan ay sakto namang dumating si Ramp.
May kasama syang dalawang lalaki, yung isa may katangkaran tapos yung isa parang medyo bata pa. Pumasok kami sa loob.
"Trixie I would like you to meet our two loyal members. This is Zel Navarro and Crade Fernandez." Saad ni Ramp.
Si Zel yung lalaking matangkad tapos si Crade naman yung medyo bata pa. Ah, okay! And seryoso sya dalawa lang ang member ng RM GANG?! Nakakatawa sya grabe ;)
Inilahad ni Zel yung kamay nya sa akin na may kasamang pamatay na ngiti.
"Hi Boss Trixie." Zel.
Binigyan ko naman sya ng ngiti, argh! Napapalibutan ako ng mga wafu, enebe?! Sumunod naman si Crade na humalik sa aking pisngi.
"Ang bango mo ha." Saad ni Crade sa kanyang malambing na boses.
Maiihi na ako sa kilig grabe. Nagpunta kami sa isang room kung saan namomonitor ang lahat ng mga kaaway.
Ito na ata ang simula ng gulo sa buhay ko -____-
"Isang bagay lang ang hihilingin ko sa inyo." Sabi ko.
Nagtinginan silang lahat sa akin.
"What?!" Nagtatakang tanong ni Ramp.
"Hindi madadamay ang kapatid ko pati na rin si Syred. Maliwanag ba?" Ako.
Inakbayan ako ni Ramp.
"Sure,madam. Here's our first mission, yan si Flik. Bwisit yan sa buhay ng mga students, you know what? Isa yan sa nang-trip sa kapatid mo." Ramp.
Nanggigil naman ako sa nalaman ko, bakit walang sinasabi si Blunt sa akin?! Ah, ito na ang oras para ipaghiganti ko sya.
Agad akong kumuha ng armas at niyaya na silang umalis. Syempre si Zel ang magda-drive. Papunta kami sa school nila Blunt, pero konting ingat lang kasi baka makita nya ako.
×××××
*blaaaag!*
"You bullshit! Ikaw pala ang hayop sa buhay ng kapatid ko. Mamimili ka ng babanggain mo huh?!" Galit kong sabi habang pinaghahampas si Flik.
Dinala namin sya sa isang tagong lugar. Labag man sa kalooban ko pero bakit ayaw kong tumigil? Nagugustuhan ko na din ba 'tong ginagawa ko?!
Aish! >o< Basta ang mahalaga mapuksa namin ang mga HAYOP sa mundo!
"Tama na po." Pagmamakaawa nya.
Inapakan ko ang tyan nya.
"Ako si Trixie Hidalgo, ang bagong BOSS ng RM GANG! Don't you dare to make me mad or else I will cut your head!" Malakas kong sabi.
Tiningnan ko yung tatlo kong kasama, nakangiti sila sa akin. Ano ba 'tong nangyayari?
×××××
"Unbelievable!" Zel.
Umiinom sila ng beer habang ako naman ay nakaupo at medyo naguguluhan pa din sa nangyari kanina. Ano bang ginawa ko?
Sinisira ko lang ata ang buhay ko.
"Papasok na ako." Tatayo na dapat ako pero hinawakan ni Zel ang braso ko.
"Papasok?" Crade.
"Registered nurse kasi sya, and sya na lang ang bumubuhay sa kapatid nya." Paliwanag ni Ramp.
Tumango naman si Crade sabay ngumiti. Kailangan ko nang pumasok :( Paniguradong pupuntahan ako ni Blunt sa ospital mamaya.
Ayokong malaman nya ang ginagawa ko .. Ayoko! Ayokong mag-away kami, baka maglayas sya at kung ano ang mangyari sa kanya.
"I need to go." Sabi ko.
Kinuha ni Ramp ang gamit ko then pinasakay nya ako sa kotse nya.
"Ihahatid kita." Ramp.
"What?! No, hindi pwede. Makikita ka ni Blunt!" Sabi ko.
Tumingin sya sa akin sabay lumapit, aaahh! Wag mo akong hahalikan!
"Seatbelt mo." Natatawa nyang sabi.
Okay! (--〆) Masyado lang akong assumera. Pinaandar na nya ang kotse, aaahh! Baka makita kami ni Blunt. For sure magagalit sa akin yun!
Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali, nag-iisip na ako ng palusot kapag nahuli kami ng kapatid ko.
"Nervous?" Ramp.
Umiling lang ako, nervous mo mukha mo! Malapit na kami sa ospital ←_← Anong gagawin ko? Tulong naman oh, aaaahhh! Mababaliw na talaga ako.
Pinark na ni Ramp ang kotse, tiningnan ko muna ng maigi ang paligid. Baka kasi biglang sumulpot si Blunt e magkagulo pa. Bumaba si Ramp ng kotse para pagbuksan ako ng pinto, bumaba naman ako kaagad at tumakbo papasok sa ospital.
×××××
Nagmamadali na akong pumasok. Kanina pa pala ako hinahanap dito, ang dami daw magpapa-blood test. Kasalanan 'to lahat ni Ramp e!
"Ate!" Si Blunt O_o
Lumapit sya sa akin at may dalang papel.
"A-ano yan?" Tanong ko.
"Nag-request ang school namin na magpa-blood test ang lahat ng students, ewan ko kung bakit? Teka, kararating mo lang?" Blunt.
Ito na nga ba ang sinasabi ko e :(
Patay ka Trixie! Lumunok ako, buntong-hininga."N-no. Kanina pa ako dito, madami lang ako inasikaso. So, tara na?" Sabi ko.
Pumasok na kami sa Blood Test Room. Ang dami pala nila? Unang-una sa pila ang kapatid ko na may kasamang dalawang babae, aba aba! ^_^¦¦¦
Natatawa na lang ako sa kanya, at ang lakas pa talaga ng loob nyang iharap sa akin ang mga babaeng yan ha?
Halos isa or dalawang oras din akong nasa Blood Test Room, sobrang dami kasi nila e. Yung iba takot pa sa karayom, kaya nga natatawa na lang ako kanina e.
After ng blood test ay agad akong nagpunta sa nursery para i-check naman ang mga new born babies. Ako din kasi minsan ang nagpapaligo sa kanila, ang saya nga e :) All around nurse kasi ako. Alam nyo naman, matalino! Haha joke.
BINABASA MO ANG
GANG'S BOSS(ABKA&STB book III) COMPLETED.
ActionBook 3 of "ANG BOSS KONG ABUSE" and "SHE'S THE BOSS".