Syred's POV
Nandito din pala sya sa party. At kasama nya ang dalawang alalay, pero wala si Ramp. Nasaan naman kaya yun? Pero okay na yun, para walang bwisit.
Kanina pa ako naghihintay ng tyempo para kausapin si Trixie, pero mukhang nauunahan ako ng dalawa nyang kasama. Yung matangkad nakahawak pa sa baywang nya, argh! Bakit di sya pumapalag?!
"Are you enjoying the party?" Biglang sulpot ni Sammy.
"Y-yeah, oo." Sabi ko.
Hinawakan nya ang kamay ko, ano na naman kayang binabalak nya?
"Kiss me." Sammy.
Ang weird nya ha, nakita ko si Trixie na nakatingin sa amin kaya naman bumitaw ako sa pagkakahawak kay Sammy.
I need to talk to her, kaya naman lumapit ako ng bahagya sa kanya. Bullsh*t! Ayaw talaga syang bitawan ng lalaking katabi nya ::>_<:: Is he already Trixie's boyfriend?!
Buti na lang at may pinuntahan yung dalawa nyang kasama kaya hinila ko na kaagad si Trixie papunta sa mataong lugar.
"Iniiwasan mo ba ako?" Sabi ko.
"Alam mo namang kasama ko sina Zel at Crade e, magagalit sila sa akin." Trixie.
Hinawakan ko ang kaliwa nyang kamay at hinalikan ito, niyakap ko din sya ng napaka-higpit.
"I miss you." Sabi ko.
"Syred please, this is not the right time para mag-usap tayo. Sige na, babalik na ako doon. Tatawagan na lang kita." Sabi nya sabay naglakad palayo.
Aish! Nakakabwisit! Dapat kasi hindi na lang ako sumali sa gang, at ganun din sya. E di sana malaya kaming nakakapag-usap, at bakit kasi .. Argh! F*ck >o<
Binalikan ko na si Sammy na kanina pa badtrip na badtrip, naupo na kami dahil magsisimula na ang party.
"Saan ka galing?" Sammy.
"Nag-cr." Matipid kong sabi.
Tumango naman sya, nasa tabi lang naming table sina Trixie kaya naman kitang kita ko ang bawat kilos nya. Panay ang hawak sa kanya ni Zel >o< Ano bang meron sa kanilang dalawa?
Hays. Kaasar! Susugudin ko na 'to mamaya.
"May problema ba?" Sammy.
"Wala naman." Sabi ko.
Siguro kanina pa sya nagtataka sa mga kinikilos ko, hays Syred tumigil ka na!
"Kung ano man yang iniisip mo, please wag muna ngayon. This party is so important, and alam mo bang madaming gustong kumuha kay Trixie as model? Akala ko ba hindi ka magpapatalo sa kanya?" Sammy.
Daldal sya nang daldal! Hindi pa kasi nya alam na nagkikita kami e, for sure magagalit yan. Hays! Magpapatalo na ako, alang alang sa babaeng mahal ko.
"Forget it." Matipid kong sabi.
Nagsalubong ang kanyang kilay, mukhang gagawa sya ng eskandalo kaya inunahan ko na sya.
"Please wag dito." Dugtong ko.
Nagbuntong hininga na lamang sya at itinuon ang atensyon sa pakikinig sa speaker. Umaasa syang makakatanggap sya ng award ngayong gabi, haha asa!
Muli akong tumingin kay Trixie and this time nagbubulungan silang dalawa at tuwang tuwa pa.
"Sh*t." Mahina kong sabi.
Tatayo na dapat ako at aalis nang biglang ..
"Best suit goes to Syred Reyes!" Sabi ng speaker.
Itinapat sa akin ang spot light, nakatingin silang lahat ngayon sa akin. Including Trixie at yung dalawa nyang kasama, proud na proud naman si Sammy na pumapalakpak at nakangiti sa akin.
Umakyat naman ako sa stage, aish! Hindi ineexpect 'to.
I saw Trixie looking at me at nakangiti pa sya.
"Thank you for this award, and thank you Sammy for choosing this suit for me, and worth it naman! Salamat po." Sabi ko sabay nagmadaling bumaba ng stage.
Sinalubong ako ni Sammy ng halik sa labi- na ikinagulat ng marami at pinag-piyestahan ng mga media at photographers.
Kita sa mukha ni Trixie ang inis, wag kang mag-assume Syred :(
Naupo na ako, hays! Ano ba 'tong nangyayari?! Gusto ko nang umuwi, hindi na tama 'to."And the best gown for this night is Ms.Trixie Hidalgo!" Sabi ng speaker.
Napatingin naman ako sa kanya, inihatid pa sya ni Zel sa stage.
"First of all, I dedicate this award for my mom and dad. Haha! Thank you Zel for this gown, and Crade for supporting me. Love you guys!" Sabi nya.
Sinalubong naman sya ng dalawa nyang kasama, kaya naman napa-palakpak ang mga tao. Bulungan din sila nang bulungan, hays bakit ba masyado akong naaapektuhan?
Maganda naman talaga yung suot nya at hindi yun maikakalila.
"Bakit sya?!" Sammy.
"It's okay." Sabi ko.
She rolled her eyes, insecure talaga sya!
"Couple of night .. Trixie Hidalgo and Syred Reyes!" Sabi ng speaker.
Nagtaka naman ang lahat. Seryoso? Kaming dalawa talaga? Hindi rin makapaniwala si Trixie, shocks!
×××××
Trixie's POV
Paano kami naging couple of the night? E hindi naman kami ang magkadate, selos na selos tuloy yung dalawang unggoy na kasama ko :(
"Uhm- sabi po kasi ng mga judges bagay daw kayo." Pahabol pa ng speaker.
Tumango naman si Syred at sumabay na sa akin pag-akyat ng stage, ibinigay nya sa akin yung plaque. JS PROM ba 'to? Hahaha.
Nakaka-awkward naman, iniiwasan ko nga sya e. Kasi baka mahuli kami nila Sammy, Zel at Crade! Baka malaman pa ni Ramp, naku naku naku.
"T-thank you guys, hehe. Uhm- thank you for this award." Utal kong sabi.
"Uhm, hindi ko ineexpect ang award na 'to. Pero salamat, salamat din Ms.Trixie." Sabi ni Syred.
Aaaaahhhh! Nakakainis naman. Bababa na dapat ako ng stage nang bigla nyang hawakan ang kamay ko, agad namang sumalubong si Zel at kinuha ang kamay ko mula kay Syred.
Hays. Hype kasi 'tong mga judge e, alam ba nila yung issues namin? Haha charot.
"Okay ka lang?" Crade.
"Y-yeah." Ako.
"Pinagpapawisan ka." Zel.
Inabutan nya ako ng panyo, aish! Ano ka ba Trixie?! Ang baboy mo grabe. Uminom ako ng isang basong wine dahil sa sobrang nerbyos, hindi ko din ineexpect yun e!
BINABASA MO ANG
GANG'S BOSS(ABKA&STB book III) COMPLETED.
ActionBook 3 of "ANG BOSS KONG ABUSE" and "SHE'S THE BOSS".