Chapter 7

518 11 0
                                    

Trixie's POV

Nandito si Ramp sa bahay! ◑ˍ◐

Yeah, as in magkaharap sila ngayon ng kapatid ko. Grabe, kinakabahan ako sa mangyayari. Buti na lang wala pa si Syred, kundi magkakagulo talaga.

"What are you doing here? Nililigawan mo ba ang Ate ko?!" Sabi ni Blunt.

Naupo ako sa tabi ng kapatid ko at hinawakan sya sa braso. Nag-cross arms naman si Ramp then sumandal.

"No and never. Nandito ako para sabihin sayong- your sister is a gang leader!" Sabi ni Ramp.

Napatingin naman sa akin si Blunt, nanlalaki ang kanyang mga mata. Tumayo sya at ganun din naman ako-

I need to explain ✘Д✘◍

Tumakbo si Blunt pataas sa kwarto nya, sinundan ko naman sya. Naririnig ko ang pag-iyak nya, aish! Ano ba 'tong ginawa mo Trixie?!

Naglakas-loob na lang akong pumasok sa kwarto.

"Ate ano yun?!" Bungad nya habang umiiyak.

Nag-start na din akong umiyak. Sinira ko ang lahat!

"B-blunt, sorry. Wala naman kasi akong choice e, papatayin ka nila kapag hindi ako pumayag." Paliwanag ko.

Napatingin sya sa akin, bigla syang lumapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. Doon na ako naiyak ng sobra.

Mahal na mahal talaga ako ng kapatid ko :( Aww, grabe ang drama namin.

"Ate bakit? Pwede namang ako e di ba? Atsaka ang sabi mo magdodoktor ka pa." Blunt.

Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi.

"Ako na ang bahala, basta ang mahalaga mapatapos kita ng college. Ilalayo kita dito sa gulong pinasok ko." Sabi ko.

Umiling si Blunt, naaawa ako sa iyak nya. Grabe kasi sya humagulgol e 〒▽〒

"Ate naman e! Hindi ako papayag na magkaganyan ang buhay mo." Blunt.

Habang yakap nya ako ay pumiglas ako sa kanya at nagpunta ako sa kwarto ko. Hindi ko na kayang makita syang nahihirapan.

Mag-eempake na ako, tatapusin ko na ang dalawang taong kontrata ko kay Ramp at sa gang nya. Mabilis lang naman yun e! Babalik din ako kaagad.

"Ate, promise ko sayo na magiging sikat na artista ako. Babawiin kita sa hayop na yun!" Saad ni Blunt.

Napatigil ako sa pag-aayos.

"Pupuntahan kita lagi dito. Kasama mo naman si Syred e, mag-iingat ka." Ako.

Niyakap nya ako ng napaka-higpit .. Aaahh! ~T_T~ Itong batang 'to ang sarap kotongan. Masyado akong pinapaiyak e.

Bumaba na kami-

Napatayo naman si Ramp nang makita nya akong may bitbit na maleta at namumugto ang mga mata.

"Ramp, ikaw na ang bahala sa Ate ko. Kapag nalaman kong napahamak sya, ako mismo ang papatay sayo." Sabi ni Blunt.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako or maiiyak sa sinabi nya. Kinuha ni Ramp yung gamit ko, tinapik nya si Blunt sa braso then nagkamayan sila.

Lumabas na kami- muli kong nilingon ang bahay namin pero mabilis itong sinara ni Blunt, paraan na nya din yun para hindi nya ako mamiss masyado.

×××××

Pagdating sa secret house ay agad akong tumungo sa kwarto para doon umiyak nang umiyak.

Aaaahhh! T_T Hindi ko kaya na walang Blunt sa tabi ko, ang sakit sakit lang kasi para ko na ding sinira ang mga pangarap nya.

Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ko.




              "Calling: Blunt"

"Hello Blunt?"

"Ate, kamusta ka? Aalis ako ha, magpa-practice kami ng mga kaibigan ko." Blunt.

Naiyak ako sa sinabi nya, kahit nandito na ako nagpapaalam pa din sya sa akin.

"O-okay sige. Ingat ka ha? Love na love ka ni Ate!"

Maya-maya ay ibinaba na nya ang tawag.




Gabi na at tinatawag na nila ako para kumain. Pagbaba ko, nandoon sila Zel at Crade na busy sa pagkain.

Nilapitan naman ako ni Ramp at inalalayang bumaba sa hagdan.

"Umiyak ka ba?" Zel.

Ngumiti lang ako sabay sandok ng pagkain. Mawawala din ang lungkot na ito, atsaka hindi naman ako nangibang bansa e.

"Kain ka lang nang kain, two years lang yan." Biro ni Ramp.

Nagtawanan sila except sa akin. Hindi ako natatawa!

After kumain ay nagpunta kami sa tinatawag nilang HEAD QUARTERS, may new mission na naman kami -____- Naupo ako at kinuha yung isang papel.

"We need to kill that man! Mahilig syang mangolekta ng mga pera sa palengke. And ginagamit nya yun para kumuha ng mga bayaring babae." Explain ni Ramp.

Ang pangit naman nito! At ang tanga naman ng mga babaeng pumapatol sa kanya, yuck! Binasa ko pa ang ilan sa mga information about him.

Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Ramp, hinawakan nya ang kamay ko.

"Naniniwala akong kaya mo syang patayin." Bulong nya.

Nanlaki naman ang mga mata ko. PATAYIN?! As in KILL?! OMG. Di ko kayang pumatay ng kung sino lang :( Wala sa kontrata 'to.

Tumayo ako at sumilip sa bintana, you're dead Trixie!

"Tutulungan ka naman namin e, trust us." Saad ni Zel.

Nagtakip ako ng mukha.

"Please don't pressure me. Pwede namang ipakulong na lang natin sya." Kinakabahan kong sabi.

Nagtawanan sila, yung parang wala nang bukas. Binato ko naman sa kanila yung papel tsaka sila tumigil sa katatawa.

Lumabas na ako ng head quarters at nagpunta sa kwarto ko. Magpapahinga na ako -___- Pupuntahan pa namin yung lintek na mission na yun.

Pero hindi ako handang pumatay, ayokong pumatay.

Pinatay ko na ang ilaw at humiga, aaaaahhh! -____- Humanda ka na Trixie. Nurse ka pa naman tapos papatay ka.

GANG'S BOSS(ABKA&STB book III) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon