Chapter 11

527 10 0
                                    

Maaga akong ginising ni Blunt dahil maglalaro daw kami ng basketball kasama yung lalaking ewan ko!

"Ate magluto ka nga ng specialty mo, ipapatikim natin kay Kuya Ramp." Sabi ni Blunt.

Ang sarap naman sa pakiramdam 'nun, tinawag nya akong "KUYA". HAYS! :) Napatingin naman ako sa lalaking kasama nila dito sa bahay.

Bakit ganun yung mukha nya? Para syang nagagalit na ewan.

"Sige na, sige na. Basta before lunch umuwi na kayo ha? Oy Ramp, ayoko ng trouble." Bilin ni Trixie sa amin.

Tumango naman ako at binigyan sya ng magandang ngiti. Lumakad na kami papunta sa court na paglalaruan namin.

×××××

Syred's POV

Sino ba 'tong paepal na 'to? Simula 'nung dumating sya parang nawalan na ng time si Blunt sa akin. Tapos kung makalapit pa sya kay Trixie grabe. Kulang na lang halikan nya e!

Nandito na kami sa covered court, nakaupo ako habang pinapanood silang maglaro. Di naman nila ako niyayaya e.

"Kuya!" Malakas na sabi ni Blunt.

Napalingon ako sa kanya. Inihagis nya sa akin ang bola, tumayo naman ako.

"Bro." Bati sa akin ni Ramp.

Tumango lang ako. Nag-start na kaming maglaro, unang shoot ko medyo natetense pa ako. Grabe kasi si Ramp makaharang e, akala mo papatay. Palibhasa GANGSTER!

Habang tumatakbo ay bigla akong natulak ni Ramp, nang-aasar ba sya?! Argh. Tumayo ako at binato sya ng bola sa likod.

"Problema mo?!" Sabi nya.

"Nananadya ka na e." Ako.

Pumagitna sa amin ni Blunt.

"Sorry Bro, pero wala akong time makipag-away." Ramp.

Hinila na nya si Blunt pabalik sa bahay, agad naman akong sumunod.

×××××

"Ano bang problema nyo? Ayoko ng away huh, please be nice to each other." Sabi ni Trixie.

Nakaupo na kami sa dining, it's time to eat our lunch. Niluto ni Trixie ang specialty nyang inasimang tinola, woooow!

"Basta ako wala akong time para dyan, penge nga akong kanin." Ramp.

Argh! Hindi ko na talaga kaya 'tong ugali nya. Malapit ko na syang sapakin, malapit na malapit na talaga.

Tumayo ako at umakyat sa kwarto, hindi na lang ako kakain. Maya-maya ay biglang pumasok si Trixie.

"Pasensya ka na." Saad nya.

"Okay lang. Bakit ba kasi sinama mo pa sya dito?" Ako.

"Sumama sya e." Trixie.

"Akala ko pa naman magsosolo lang tayong dalawa ngayon, may pupuntahan sana tayo. Kaso mukhang mas priority mo pa si Ramp." Sabi ko.

Hindi na nakapagsalita si Trixie. Nakatitig lang sya sa akin, ewan ko kung ano bang nasabi ko! Basta ang alam ko nasabi ko na ang nilalaman ng puso ko.

Lumabas na sya. Saka naman ako nahiga.

×××××

Trixie's POV

Hays! Ano bang nangyayari?! Bakit ang gulo-gulo na ng buhay ko?! Sino bang dapat kong sisihin? Si Ramp, Syred o Ako? Argh. Sana mamatay na ako mamaya :(

Naghuhugas ako ng pinagkainan namin, habang si Blunt at Ramp naman ay naglalaro ng XBOX sa sala. Masyadong mapagbigay si Ramp sa kapatid ko, ano kayang meaning nun? Baka naman may kapatid sya tapos di nya nadadalaw.

Minadali ko na ang ginagawa ko para makasali sa bonding nila.

"Ate, tara!" Yaya ni Blunt sa akin.

Pinaupo nya ako sa tabi ni Ramp na busy sa paglalaro.

"Ramp?" Sabi ko.

Tumingin sya sa akin. Ang pogi ng mata nya, ang liit ng labi nya. Mukha syang babae :) Hihi.

Hinawakan ko ang kamay nya.

"B-bakit?" Tanong nya.

"Salamat ha." Ako.

"Nakakailang salamat ka na ba?" Biro nya sabay bawi sa kanyang kamay.

Niyaya nyang lumabas si Blunt, pupuntahan daw nila yung kaibigan ng kapatid ko na magaling sumayaw. Ay ewan!

Basta ang bilin ko sa kanila maaga silang umuwi dahil may curfew ng 10PM.

Inihanda ko na ang higaan ni Blunt, habang si Ramp naman dito natutulog sa kwarto ko. Last day na namin bukas :( Kaya naisip kong magpunta sa secret house kasama si Blunt.

×××××

"Wow!" Bungad ni Blunt habang isa-isang hinahawakan ang mga antique na gamit sa secret house.

Kita sa mukha ni Ramp ang pagkatuwa nya sa kapatid ko, maya-maya ay dumating na ang dalawang mokong.

Niyakap nila ako dalawa-

"Trix!" Excited na sabi ni Zel.

"We missed you!" Crade.

Agad namang pumagit na sa amin ni Blunt.

"Hep, hep! Ate ko yan, wag na wag nyo syang aagawin kay Kuya Ramp." Blunt.

Nagkatinginan sina Zel at Crade sabay tingin kay Ramp. Maski ako ay nagtataka sa sinabi ng kapatid ko.

AGAWIN KAY RAMP?! OMG. Kinurot ko ang tagiliran ni Blunt at hinila sya papunta sa aking kwarto.

"Wow Ate, ang ganda naman dito. I wish we all live here, pwede ba?!" Blunt.

"Yeah." Saad ni Ramp.

Nandito pala sya Q_Q Napalundag ang kapatid ko sa sinabi ni Demonyo. Talaga lang huh?!

"Crade and Zel will be your bodyguards." Dugtong nya.

Inalog ako ni Blunt, is this for real? Patitirahin nya ang kapatid ko dito?! Kyaaaaah #^_^# ang saya saya naman 'nun.

Aaahhhh! Partaaaaaaaaaaaaaay!

(A/N: wala kang pinagkaiba sa nanay mo.)

E malamang, lahi kami ng mga sexy at magaganda e. Haha char lang otor :) We are all pretty!

Bumaba muna ako para magluto, ang iniisip ko lang si Syred. Pa'no na sya? Kawawa naman sya :(
Baka ang isipin nya nilayo ko si Blunt, aahhh! Paano ako magpapaliwanag sa kanya?

"Trix, kaming bahala kay Blunt." Zel.

Tinulungan nya akong maghiwa ng mga carrots.

"Please make him safe everyday, I trust in you." Ako.

Tumango sya sabay ngiti, ang gwapo din ni Zel :) Lahat sila gwapo, napapaligiran ako ng mga gwapo! Hahaha ↖(^ω^)↗

"E paano si Syred?" Bigla namang sumulpot si Ramp.

Lagi na lang syang sumusulpot. Yung totoo?! Alien ba sya? Ang lakas ng radar nya ha infairness.

Hindi na lang ako nagsalita. May special mission ako bukas, ang ipaintindi kay Syred ang sitwasyon naming magkapatid.

That's all! (=^.^=)

GANG'S BOSS(ABKA&STB book III) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon