Chapter 19

405 10 0
                                    

Isang buwan na akong namamahala sa Gang, pero sa tingin ko wala pa ding nangyayari. Parang pagod na ako, gusto ko nang bumitaw. Busy yung tatlong unggoy sa garden, hays! Ewan ko kung ano na namang ginagawa nila.

Nandito lang ako sa sala, umiinom ng juice while watching my favorite movie. Maya maya ay dumating si Crade at may dala syang isang red rose.

"For you." Nakangiti nyang sabi.

Kinuha ko naman yun, ang bango naman! Hihi. Sumunod naman si Zel na may dalang pink tulip na paborito ng Mommy ko. Agad ko naman yung kinuha, may naisip na ako.

"Samahan nyo ako mamaya. Dadalawin ko sina Mommy and Daddy pati na din si Blunt." Sabi ko.

Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Sure." Sabi ni Zel.

Tumabi sila sa akin at sinamahan akong manood, nagluto pa ng pop corn si Zel tapos gumawa pa si Crade ng isang pitsel na juice.

Si Ramp hanggang ngayon nasa garden pa din, ayts! Bahala sya.

"Okay ka na?" Zel.

"Oo naman, atsaka malapit na din tayong bumawi sa kanila. Okay ba?" Sabi ko.

Hinalikan ni Zel ang noo ko. Agad naman syang hinampas sa kamay ni Crade, nakakatawa! Nandito kasi ako sa gitna nilang dalawa.

Hindi sila tumitigil sa paghahampasan kaya naman ako na ang sumapok sa mga ulo nila.

"Ouch!" Crade.

"Para kasi kayong mga bata! Tumigil nga kayo." Inis kong sabi.

Yumuko naman silang dalawa at sabay na sumandal sa balikat ko. Ayts! Maaga akong tutubuan ng puting buhok sa mga ito, hays!

Tatayo dapat ako pero bigla akong sinalubong ni Ramp na may dalang arranged fresh flowers na galing pa mismo dito sa garden.

May kasama pang halik sa pisngi. Aaaahhhh! ヽ(´▽`)/ OMG. Oy, di ako kinikilig, walang nangyari.

"Hi." Sabi nya.

Ahmp. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, nagpunta na lang ako sa kwarto para doon ilagay ang mga bulaklak na bigay nila.

I feel that I'am so special, I'm feeling so loved right now. Hays! Pero Trixie tatlo yan :( Kailangan mo ng masusing pagsusuri, haha charot.

Habang nag-aayos ay nakatanggap naman ako ng isang message.

From: Syred
"Hi Best Friend! May iniwan akong regalo para sayo, icheck mo baka nasa harap na ng secret house nyo. Haha!"

Agad naman akong tumakbo pababa para i-check ang kabaliwang ginawa nya. Woah! May isang box sa harap ng gate, agad ko yun pinulot sabay pasok sa loob.

Excited yung tatlo para sa laman ng box, habang ako naman sobrang kinakabahan.

"Aaahhhhh!" Malakas kong sigaw.

Photo ko na may dugo. What's the meaning of that?! Medyo nanginig din ako, may balak ba silang patayin ako? Huhu :(

Agad naman yun itinapon ni Zel, samantalang si Ramp ay binigyan ako ng isang basong tubig.

"Trixie, mas mabuti pang dalhin muna kita sa Cebu. Mas safe ka doon." Ramp.

Cebu?! Lalayo na naman ako? Magtatago?!

"No way! Lalaban ako, lalabanan ko sila. Hindi ako magpapasindak sa mga ganyan nila, lalaban tayo." Sabi ko.

GANG'S BOSS(ABKA&STB book III) COMPLETED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon