"WELL?" tanong ni Hero sa tatlo niyang tiyahin.
Alam ni Hero na hindi tumitingin sa estado sa buhay ang mga tiyahin niya, gayunpaman ay kinakabahan siya. Nasa library silang apat at ipinagtapat niya sa mga ito na nobya na talaga niya si Barbie. Alam ng mga tiyahin niyang hindi pa niya talaga kasintahan si Barbie ng makilala ng mga ito ang dalaga. Ang hindi alam ng mga ito ay kung papaanong napapayag niyang magpanggap ang dalaga na girlfriend niya sa harap ng mga ito. Ikinuwento na niya sa mga ito ang kasinungalingang nagawa niya kay Barbie dahil hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin.
"Bakit mo ginawa yun? Hindi ka namin pinalaki para manloko ng kapwa mo, Hero." dismayadong wika ni Tita Merly.
"I was desperate that time. Hindi niya ako pupuntahan kung sinabi kong wala sa akin ang ticket niya. What should I do? Less than a month from now, she'll find out the truth." nag-aalalang sabi niya.
"Let's just give her the prize money." suhestiyon ni Tita Rissa.
"No, she won't accept it, I know her." aniya. Iisang linggo pa lang silang may relasyon ni Barbie. Pero sa isang buwan na magkasama sila, alam niyang kung gaano ito kaliit ay kabaliktaran naman iyon kung gaano kataas ang pride nito.
"I have an idea." enthusiastic na sabi ni Tita Lucy.
Binigyan nila ito ng nagdududang tingin.
"What? Am I not allowed to share my thoughts?" nagtatakang wika pa ni Tita Lucy.
"Fine, let's hear it." napipilitang sabi ni Tita Merly.
"Hero, you love Barbie, right?" tanong ni Tita Lucy sa kanya.
"Yes." nagtatakang sagot niya.
"Then, just marry her! In that way, even if she learned the truth, she will have no other choice but to stay with you. Saka mo siya ipamper kapalit ng kasalanang nagawa mo. Pwede mong sabihin sa kanya na ang lahat ng sayo ay siyempre kanya na din, para hindi siya gaanong magalit sayo. Kaya namin kayong ipakasal bago niya kunin sayo yung "ticket"." paliwanag nito. "That is, if you're sure that you wanted to be with her, forever."
Natahimik ang dalawa pa niyang tiyahin. Mukhang tulad niya ay naisip din ng mga ito na maganda ang mungkahi ni Tita Lucy. Forever. Handa siyang magpakasal kung si Barbie ang babaeng aantayin niya sa altar. Ang isipin pa lang na magiging asawa niya ang dalaga ay nagdudulot na ng saya sa puso niya. Hindi niya kakayanin kung magagalit ito sa kanya at lalayuan siya.
"I'll propose to her."
MAY date sina Barbie at Hero, hindi iyon ang una nilang date bilang magnobyo pero palagi pa din siyang exited. Pinakikiramdaman niya ang binata habang nagmamaneho ito dahil parang may kakaiba sa mga ikinikilos nito. Kahit anong joke niya ay hindi ito tumatawa noon, pero ngayon ay parang kinikiliti ito sa pagtawa tapos ay biglang mananahimik. Sumuko na siya kaya naman tahimik na silang nagbibyahe.
Iisang linggo pa lang silang magkasintahan at wala pa itong nababanggit na ano man tungkol sa ticket niyang nasa pag-iingat pa din nito, Nahihiya naman siyang maunang magbukas ng usapan tungkol doon kaya naisip niyang sa itinakdang araw na lamang talaga niya kukunin ang ticket niya dito.
Tumigil sila sa isang mamahaling restaurant at ng makapasok roon ay nagtaka pa siya ng walang ibang kumakain doon. Iisang table ang naka-set sa gitna at may mga waiter na nakangiting sumalubong sa kanila. Namangha siya sa dami ng kandilang may sindi at may tumutugtog pa ng violin sa isang tabi. Tiningnan niya si Hero, nakatingin ito sa kanya at wari'y inaantay ang reaksyon niya.
"Wow, kung hindi lang iisang linggo pa lang na naging magkasintahan tayo, iisipin kong may balak kang mag-propose." nakangiting biro niya.
Nalaglag ang balikat nito at tiningnan siya ng masama.
"Bakit? Magpo-propose ka nga?" aniya at unti-unting ng nawala ang ngiti sa labi.
"You really know how to break a man's surprise, you insensitive brat." walang ganang sabi pa nito at tinalikuran na siya upang magtungo sa table na magandang nakaayos.
"Sori na, kunwari, hindi ko pa alam." natatarantang habol niya at umupo na din.
Kinuha nito ang isang dosenang pulang rosas na napakaganda ng pagkakaayos na nakapatong sa lamesa at padarag na iniabot sa kanya.
"S-salamat." nakangiwing sabi niya. Hindi na niya dinagdagan pa ang sasabihin at baka lalong mainis ito sa kanya.
Nang i-serve na ng waiter ang pagkain nila ay tahimik silang kumain. Ang daming bagay na naglalaro sa isip niya at hindi nakakatulong ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Hindi siya magaling umarte kaya naman nanahimik na lang din siya. Nang dumating ang chocolate cake na dessert ay tumanggi na siyang kainin iyon.
"Okay na ako, busog na busog na ako." aniya.
"Kainin mo iyan!" nanlalaki ang mata na utos nito.
Bakit parang ang OA naman nito? Para chocolate cake lang... Shit! Dahil sa naisip ay kinuha niya ang tinidor.
"Sabi ko nga, gutom pa ako. Umorder ka pa, kung gusto mo." sabi niya at sinimulan ng kainin ang chocolate cake.
Mabagal niyang kinain ang cake hindi dahil sa ninanamnam niya iyon kundi dahil ayaw niyang malunok ang sa tingin niya ay nakatagong "bagay" doon. Nang makuha ang inaasahang "bagay" ay kinuha niya iyon sa bibig. Biglang may sumulpot na bowl ng tubig sa kanang bahagi ng lamesa niya upang malinis niya iyon.
"Ang ganda naman nito, Hero." humahangang sabi niya habang nakatitig sa silver ring na may malaking diamond sa gitna. "Sa akin ba talaga ito?" hindi makapaniwalang tanong pa niya.
"Hindi, kay Nanay Len iyan." sarkastikong sabi pa nito. "Natural sayo iyan, kahit na sinira mo ang proposal ko ngayong gabi, I'm still happy to be with you, Barbie. Will you marry me?" madamdaming tanong nito sa kanya at inabot ang kamay niya upang isuot doon ang singsing na hawak niya.
Kahit alam na niya ang plano nito mula ng makapasok sila doon ay hindi pa din noon napigilin ang kasiyahan na naramdaman niya ng tanungin na siya nito.
"Yes, I will." naiiyak na sagot niya.
"Don't cry, we'll get married two weeks from now." anito sa kanya.
Parang umurong ang luha niya sa sinabi nito.
"What?! Bakit ang bilis?"
Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. "B-because I can't wait to be your husband."
Napa-buntong hininga siya at umayos ng upo.
"Hero, ganoon din naman ako, ikaw na yung lalaking nakikita ko at gusto kong makasama habang buhay. Pero madami pa akong gustong gawin. Gusto ko pang tuparin ang pangarap ko na makatapos ng pag-aaral. Pakikiusapan nga din sana kita na ibalik na sa akin yung ticket ko para mapatigil ko na si Nanay sa pagtatrabaho at mabigyan siya ng magandang buhay. Alam kong may hinahabol kang deadline, baka pwede nating mapakiusapan ang mga tiyahin mo na pahabain pa yung time. Please bear with me, give me a year, then I'll marry you. Kahit ako pa ang magpropose sayo." paliwanag niya. Mahal talaga niya si Hero at gusto niyang kapag nagpakasal na sila ay walang masasabi tungkol sa kanya ang ibang tao kaya balak niyang ipagpatuloy ang pag-aaral niya. Alam niyang mayaman ang pinili ng puso niyang mahalin kaya naman gagawin niya ang lahat upang hindi ito mapahiya sa ibang tao ng dahil sa kanya.
"I understand." malungkot na sabi nito.
"Huwag ka ng magalit o malungkot. Hindi naman kita talaga tinanggihan, di ba?" paglalambing niya.
"Hindi ako galit, wala akong karapatang magalit sayo, Barbie. I'm the selfish one here. About your ticket, I'll think about it." anito at niyaya na siyang umuwi. "Just keep the ring, no matter what happen, just keep in mind, that ring symbolizes my love for you, Barbie." malungkot pa nitong dagdag.
Nang makauwi na sila ay niyapos siya nito at hinagkan sa ulo bago sinabing magpahinga na siya. Nasa kwarto na siya pero iniisip pa din niya kung tama ba ang ginawa niya. Bakit parang mabigat ang pakiramdam niya sa naging desisyon? Bumuntong hininga siya at tiningnan ang singsing na nasa daliri.
BINABASA MO ANG
Jackpot In Love (Published under PHR)
RomanceDahil kinailangan ni Barbie na saklolohan si Hero nang unang beses niyang makita ito sa mall, nawala sa kanya ang lotto ticket niya-at nanalo pa naman ang mga numerong tinayaan niya. Gusto niyang mabalik sa kanya ang ticket dahil iyon ang babago sa...