CHAPTER NINE

7.2K 124 5
                                    


LUNES ng hapon at nag-uusap usap na naman sina Hero at ang kanyang tatlong tiyahin. Pinag-uusapan nila ang nangyaring pagpo-propose niya ng nagdaang gabi sa dalaga, oras ng trabaho pero sumugod ang mga ito sa opisina niya at nag-uusisa. Wala si Barbie dahil nagpaalam ito sa kanya na dadalawin si Nanay Len kaninang umaga kaya hindi na niya ito isinama pagpasok.

"What should I do? She said yes, pero after one year pa. Hindi ko siya mapipilit dahil alam kong madami pa siyang gustong gawin." problemadong sabi niya sa mga ito. "I can't sleep peacefully at night whenever I thought about it."

"Don't worry, hijo. We'll think of something else." pangongonsola ng Tita Lucy niya.

"Sabihin mo na sa kanya ang totoo na wala sa iyo ang ticket niya, Hero." seryosong sabi ni Tita Merly.

Natahimik silang tatlo sa sinabi nito.

"What? Hindi mo maitatago sa kanya habang buhay na nagsinungaling ka, kahit na makaisip pa tayo ng ibang solusyon ngayon. Matuto kang umamin sa pagkakamaling nagawa mo, hindi ka namin tinuran na sulusyunan ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali." sabi pa nito.

Napaisip siya sa sinabi ng tiyahin. Tama ito, pero parang hindi niya kayang gawin ang suhestiyon nito dahil ang ibig sabihin noon ay ang pagharap niya sa galit ni Barbie. Nakaya niyang humarap at makipagsabayan sa mga negsoyanteng mas matanda sa kanya pero ngayon ay natatakot siyang iwanan siya ng babaeng mahal niya kapag nalaman nito ang totoo.

"Wait, I have a suggestion." agaw ni Tita Rissa. "Bakit hindi mo sabihin sa kanya na kinuha mo na yung prize, and then let's just give her the money. Magagalit siya dahil pinangunahan mo siya pero hindi dahil sa niloko mo siya." paliwanag nito.

Natahimik ulit silang lahat.

"I guess, I'll have to try Tita Rissa's suggestion–"

"Para sa akin, mas maganda ang suhestiyon ni Tita Merly." putol ng kung sino sa sinasabi niya.

Sabay-sabay silang lumingon sa may pinto at nagulat ng makitang nandoon si Barbie. Hindi nila namalayang may ibang tao palang nandoon dahil sa pag-iisip nila ng solusyon.

"Barbie, wait, let me explain." natatarantang habol niya sa dalaga ng walang lingon likod na naglakad ito palayo.

Hinawakan niya ito sa braso upang pigilan sa pagpasok ng elevator. Marahas na tinanggal nito ang kamay niya at humarap sa kanya. Alam niyang galit ito pero wala siyang makitang reaksyon sa mukha nito. Iyon na nga ang kinatatakutan niya.

"I'm sorry..." ang unang nasabi niya dito.

GALIT na galit si Barbie at gusto niyang suntukin si Hero. Nagpaalam siyang dadalaw sa Nanay niya kaninang umaga upang humingi ng payo sa ina tungkol sa proposal ni Hero ng nagdaang gabi. Pinayuhan siya nito na kung saan siya magiging masaya ay yun ang gawin niya at huwag daw niya itong intindihin. Pinag-isipan niyang mabuti ang lahat at nagmamadaling pumunta sa opisina ng binata upang sabihin ditong tinatanggap na niya ang proposal nito.

Ang isipin na magiging asawa na niya ito pagkalipas ng dalawang linggo ay nagbibigay ng sobrang excitement at saya sa kanya. Wala si Tricia sa pwesto nito kaya naman minabuti niyang dumiretso na ng pasok sa opisina ni Hero. Nakaawang ang pinto noon at napatda siya ng marinig ang pinag-uusapan ng mga tao sa loob noon.

"What should I do? She said yes, pero after one year pa. Hindi ko siya mapipilit dahil alam kong madami pa siyang gustong gawin." rinig niyang sabi ni Hero sa kausap. "I can't sleep peacefully at night whenever I thought about it."

Sino ang kausap ni Hero?

"Don't worry, hijo. We'll think of something else." sabi naman ng boses na nakilala niyang si Tita Lucy.

Jackpot In Love (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon