CHAPTER FOUR

8.2K 113 9
                                    


NATURAL na magkasabay na pumasok sa Trendy sina Hero at Barbie dahil sa iisang bahay lang naman sila nakatira at dahil na rin sa iyon ang gusto ng mga tiyahin nito. Isa lang ang hiniling niya sa mga ito, na huwag na munang ipaalam sa ibang tao na siya ang girlfriend ni Hero. Iniisip kasi niya na mas kakaunti ang nakakaalam ay mas magiging madali para sa kanila ang "maghiwalay" kapag nakahanap na talaga ito ng totoong mapapangasawa. Pumayag naman ang mga ito sa hiling niya.

Nang makarating sila sa building kung saan siya nito pinapunta ng nagdaang araw ay ramdam niya ang pagtataka at panunuri sa kanya ng ibang empleyado doon. Natatandaan ba siya ng mga ito, o kumalat na ang nakakahiyang nangyari sa kanya ng nagdaang araw? Napangiwi siya sa naisip.

"Sumabay na lang tayo sa kanila." aniya na ang tinutukoy ay ang paglulan sa elevator na ginagamit ng mga epleyado doon. Hindi siya komportableng magsosolo sila sa loob ng elevator ni Hero.

Sabay-sabay na nagbaling sa kanya ang mga empleyadong nag-aantay ng pagbubukas ng elevator. Nagtataka yata ang mga ito kung bakit ganoon siyang magsalita sa amo nila. Gayunpaman ay wala siyang pakialam, ang dapat niyang intindihin ay kung papaano mabilis na makahanap ng mapapangasawa sa lalong madaling panahon si Hero.

"You already knew that I have my own elevator so stop thinking about it." walang emosyon na wika pa nito.

Naningkit ang mga mata niya.

"Sabagay, mukhang hndi ka din naman nila gustong makasabay." tumatangong sabi pa niya. "Di ba?" aniya at kinalabit pa ang lalaking katabi na mukhang nagbebenta ng encyclopedia.

Pinigilan niya ang mapahalakhak ng makitang namutla ang pobreng lalaki.

"H-ho? Naku, hindi po... I mean, okay lang po sa amin." nauutal pa nitong sabi.

"Sus, wag ka nang magsinungaling, tayo-tayo lang naman ang nandito." nakikisimpatya pa niyang sabi.

"N-naku, Miss, nagkakamali ka..." tanggi pa ni Mister encyclopedia.

"Why do I have this feeling that you're only saying that because I'm here, Mr. Aragon?" nakataas ang sulok ng labing tanong ni Hero.

Sa katahimikan ng paligid ay hindi na niya napiglan pa ang sariling mapatawa ng malakas. Pero tumigil din siya agad ng mapansing para siyang siraulo sa ginagawa. Mukhang kill joy ang mga tao doon dahil walang sino man sa mga ito ang gumaya sa kanya. Napailing na lamang siya.

Nang sabay na na bumukas ang pinto ng elevator na nakalaan para sa mga empleyado at ang para kay Hero ay isa siya sa namangha ng sa halip na pumasok ang amo sa nakalaang elevator ay lumulan ito sa elevator ng mga empleyado. Walang nakakilos sa mga ito para sumunod kay Hero, kasama na din siya.

"Hindi ba kayo papasok?" nakakunot noong tanong pa nito sa kanilang nakatayo ng paharap dito.

Dali-daling nagsipasukan ang mga empleyado sa elevator. Nang makita ni Hero na hindi pa din siya gumagalaw sa pagkakatayo ay pinanlakihan siya nito ng mata. Nagmamadaling lumulan na din siya at namula ang pisngi ng biglang tumunog ang elevator tanda ng hindi na nito kaya ng bigat ng mga taong nakasakay doon.

"Miss, ako na lang ang lalabas." pagmamagandang loob ni Mr. Aragon.

Nginitian niya ito at nagpasalamat.

"Mag diet ka kasi." dagdag pa ni Hero sa pagkakapahiya niya ng sumara na ang pinto ng elevator.

Nainis siya ng magtawanan ang kasama nila. Bakit kanina, hindi tumatawa ang mga ito? Pero ng si Hero na ang nagbiro ay todo tawa ang mga empleyadong mukhang mga krayola dahil sa ibat-iba ang kulay ng mga damit. Siya pa ang napiling pagtawanan ng mga balahura!

Jackpot In Love (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon