"So, how does it taste?" Jeremy asked. I gave him a straight face.
"It is good but..." i put down the wine glass and gaze back at him. "I don't settle for good." He grinned and nodded.
"I understand madame." He looked motivated after that. I pat his arm.
"Pero good job." I complimented his hard work and left the factory.
Hindi ko na ulit nakita si Ieous after that night and I didn't want to see him either after niya makita akong umiiyak. I hate being weak lalo na kapag siya ang nakakakita. Tatlong araw na rin iyon na walang pagkikita ay gumagawa kami ng bagong flavor ng mga alcoholic drinks na kayang tapatan ang mga produkto ni Ieous.
Sumakay ako sa loob ng sasakyan at nag drive papunta sa paborito ko na turo-turo. Doon ako laging kumakain para makatipid kasi ayaw ko na humingi ng pera sa mga kumupkop saakin, marunong akong mahiya. Pero matagal na akong hindi naka punta dito. Kaninang umaga kasi may nadaanan ako na nagbebenta ng mga isaw ganoon nainggit ako kaso ayaw ko bumili baka hindi malinis. Dito alam ko na malinis eh naging close ko may-ari nito.
Bumaba ako at nakita ang malaking karatula na 'Pasok ka, Tusok Mo' cute talaga ng name. At aba, may sarili na silang lugar ihawan house na ang peg. Nag park ako sa tabi ng magagarang kotse. Syempre pag labas mo usok ang sasalubong sa iyo pero mabangong usok ito. Habang nag lalakad ako papasok, yung mga ibang lalaki sa labas nag iihaw yung iba kumakain at nakatambay, sinusundan ako ng tingin.
Ayos lang basta huwag nila ako gagalawin baka tanggalan ko sila ng lamang loob. Binuksan ko yung sliding door, wow naka aircon na sila.
"Kelly?" Hinanap ko kung sino ang nagsalita. Sa may kalayuan ay nakita ko ang babae na naka tirintas at nakasuot ng neon colors na damit at maraming abubot sa katawan. May hawak ito na tongs at nanigas sa kinatatayuan. Parehas kaming nabigla nang makita namin ang isa't isa.
"Gaga!" Tili naming dalawa at sinalubong namin ang isa't isa ng yakap na mahigpit.
"Na-miss kita!" Galak na sabi ko. Nagtatatalon kami habang yakap ang isa't isa. Ito si Mayet, laging inaalok ng business proposal ng mga Chinese.
"Ako rin! Oh my gosh reunion talaga ng mga batch 20**." Nagtatalon siya medyo naguluhan ako pero tumatalon ako.
"Anong pinagsasabi mo!" Tumitili paron ako sa saya kaso medyo na-curious ako.
"Andito rin sila Fafa Ieous, ayon oh!" Unti-unting humina ang pagtalon ko hanggang sa napatigil. Binatawan ko siya at lumingon upang hanapin kung totoo ba ang sinasabi niya.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang isang table na may apat na kumikinang sa ka-gwapuhan na lalaki. Ngunit isa doon ang gusto ko ingudngod sa nagliliyab na uling. Naka ngiti ito, na ka pangalumbaba, at kumakaw sa akin. He was wearing a long sleeve that he rolled up white dress shirt, ripped jeans and suede hi-cut bucks. Ngayon ulit kami nag kita matapos ang ma-drama na usapan namin noong umalis ako sa diamond wedding nila cruz.
"Hi Kelly, nice to see you again. Are you stalking me?" Nagpintig ang kalamnan ko sa pang-aasar nito. Ang ganda ng bungad ng impaktong ito.
"Si Kelly na iyan?" Sabay sabay nilang tanong kay Ieous. Napa ngisi naman ang loko. Nakakainis wala naman silang nabanggit na ganoon ah! Pero parng hindi sila makapaniwala sa kanita nila. Teka ganoon ba ako ka pangit. Ibig sabihin ba iyon ang pinaparating nila na pangit ako? What?!
"Inaasar ka oh, pangit ka daw dati." Turo niya sa mga kaibigan niya. Saby sabay na tumingin saakin ang mga kaibigan niya at halatang natakot sa sinabi ng kaibigam.
"O-oy hindi ah, nag tanong lang." Depensa ni Erone.
"May narinig ka sa bibig namin? Diba wala? Fucker ka talaga e." Inambahan ni Chad si Ieous.