Agad na natapos ang klase linisan nya ang silid at pumaroon sa poste, sapat na para makita ang faculty room. Namataan nya ang inaantay ay sinundan ito, nagtungo ito sa girl's washroom, bahagya syang huminto, pinagmasdan nya kung may surveilance camera ba sa paligid laking tuwa nya at wala, tila umaayon talaga lahat sa plano nya. Pinasok nya ang C.R at nalamang nasa cubicle ang target nya. Inilabas nya ang kutsilyo at inabangang lumabas ang biktima.
Ilang sandali pa'y lumabas ito at nabiglang makita si Thaicus "Hi ma'am Lopez" ngumiti sya at agad na iniuntog ang ulo nito sa pader, dahilan upang dumugo at mahilo ang ginang. Sinakal nya ito at natuwang halos mag-maskara na ito ng dugo. Agad nyang sinaksak ito sa mata at nagresulta ng paglabulwak ng masaganang dugo nito, lumuluha ito ng dugo na labis na ikinatuwa ni Thaicus, di na sya nagsayang ng oras at ginilitan ito ng leeg. Pumulandit ang dugo ng guro sa mukha ni Thaicus, binitawan nya itong nangingisay, pumunta sya sa lababo at naghilamos ng mantsa sa mukha, ilang sandali pa'y naghanda sya sa pagtakas sa krimen.
Ika labing isa ng gabi, nagmamatyag si Thaicus sa taas ng puno, nag iisip ng mabuto kung kaninong ulo ang magandang idisplay sa gilid ng kama nya. Isang tili ang sumira sa pag mumuni-muni nya. Hinanap nya kung saan nagmumula ang sigaw ng babae. Natagpuan nya ito sa maliit na eskinita, isang babaeng hinaharass ng isang lasing. May kung anong nag udyok sakanya upang tulungan ang dalaga itinago nya ang patalim at sinuntok sa panga ang lasing di nya alam pero dapat ay matuwa syang may babaenh nagagahasa ngunit ito sya't nililigtas ang babaeng nasa bingit ng pagdurusa, agad nyang napatumba ang lasing at pumihit sya sa likod upang tingnan ang babae, ngunit wala ni anino man ng babae ang naroon.
Malakas na kalabog ng basag na plato ang maririnig sa kusina ni Thaicus, dito nya binunton lahat ng galit dahil sa pagtakas ng babae, kung nalaman lamang nya ay sana pinatay na lamang nya ito, pakiramdam nya ay natraydor sya at iniwan ng walang pasabi. Umagos ang dugo sa kanyang kamay na galing sa sugat dulot ng mga basag na plato. Hindi nya ito ininda bagkus binuhusan nya ito ng alcohol at tinalian ng gasa saka tumawag ng katulong upang linisun ang kalat. Umakyat sya sa silis at handa nang mamahinga, ngunit nakaisip sya ng ideya upang mahanap at mapalapit sakanya ang babae. Nagtungo sya sa banyo at inilabas ang ibat-ibang uri ng pangkulay ng buhok. Napili nya ang gray at agad na isinagawa ang plano. Ilang sandali pa at ito sya't pinagmamasdan ang kulay abong buhok agad syang napangisi ng isiping mahahanap nya ang babae at wawakasan ang buhay nito dahil sya ang ika labing limang biktima.
Kinaumagahan nalaman nalamang nya na patay na ang guro sa magkasunod na araw, nagkibit balikat nalamang sya at naghanda sa pagpasok. Tumunog ang alarma na hudyat nang pagtatapos ng klase. Nang di inaasahang namataan nya ang babae sinundan nya ito hanggang sa makarating sila sa puting bahay. 5 metro ang agwat nya sa babae, nagtago sya sa eskinita malapit sa bahay nito. Sa wakas ay nalaman nya na din ang tahanan ng biktima nya. Nilisan nya ang lugar at nagbabalak pasukin ang kwarto nito mamayang gabi. Mabilis natapos ang oras at ang takdang pagpaslang nya sa babae ay dumating na. Laking tuwa nya ng maiwang nakabukas ang bintana nito, umakyat sya na puno at umakyat sa bintana ng maingat.
Marahan syang naglakad palapit sa kutson ng dalaga. Matagal syang napatitig sa dalaga, tila nabighani ito sa sobrang ganda, di nya mawari kung ano itong nararamdaman tila mabibingi sya sa lakas ng kabog sa puso nya. Pakiramdam nya'y napapaibig sya sa kanyang ikalabing limang biktima.
YOU ARE READING
Ika labing-Limang Biktima
HorrorAng storyang ito ay naglalaman ng brutal at madugong pagsasalaysay, naglalaman din ito ng typographical errors, wrong grammars. Plagiarism is a crime. "Kriminal ako, wag tularan" - Thaicus Gil