Ikatatlo ng madaling araw at ito sya't nakatulala sa langit iniisip ang dalaga at iniinda ang lakas ng kabog nang dibdib nya. Umabot ng dalawang linggo ang pagmamatyag sa dalagang palihim nyang iniibig. Tila nakain nya ang mga salita, ang galit na bumalot sa puso nya ay nanlalambot at muling tumubo ang pag ibig.
Nilapitan nya ang dalaga ng di na sya nakatiis, linggo ito at naabutan nya itong papasok sa simbahan. Nakaupo ito sa di kalayuan sinundan nya ito at umupo sa tabi nya. Hindi pa sya nakakapasok ng simbahan alam nyang makasalanan sya at di sya nababagay rito. Ni hindi nya nga alam kung totoo ba tong sinasamba nila. Isang kabaliwan lamang ang pagpasok nya akmang aalis sana sya ng biglang tumayo lahat ng tao sa simahan at agad pinakita ang dalawang daliri nila, na parang baliw kung ngumiti, kinalabit sya ng katabi nya na kasalukuyan ang babaeng minamatyagan nya. "Peace be with you" saad nito sabay ngiti. Napahawak sya sa dibdib nya dahil sa pag ngiti ng dalaga at ng marinig ang boses nito.
Nakatitig lamang ang dalaga sakanya ng nagtataka. "T-teka kuya ok lang ho ba k-kayo?" saad ng dalaga at dinampi ang likod ng palad nito sa noo ni Thaicus "A-ah! W-wag" napalakas ang boses ni Thaicus na syang kinabigla ng babae, ikinapula ng pisngi ni Thaicus ang pagdikit ng balat nya sa babae.
"Teka nga! Bat ka ba sumisigaw? Nag aalala lang ako may lagnat ka ata ang init mo!" sigaw ng dalaga sakanya napawi ang pagkapula ng pisngi ni Thaicus ng sigawan sya ng dalaga. (Maganda nga bungangera naman) bulong nya sa kanyang isip. Tumayo si Thaicus at lumabas sa simbahan. Lingid sa kanyang kaalaman sinundan sya ng babae, "Hoooy! Teka nga! Bat ka nantatalikod kinakausap pa kita!" sigaw ng dalaga. Di nya nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad, (grabe ito ba ang babaeng kanyang hinahangaan? Sana nga'y tulog na lang sya at di na nagising kung ganto ang bibig nya) bulong nya sa isip.
Hinatak sya ng babae sa kamay at parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ni Thaicus agad syang napapitlag at tinampal ang kamay ng babae. "Woah! Arte! Hahaha! Wala akong germs kuya! Nag alcohol ako" matawa tawang sabi nito at agad nagpakawala ng ngiting aso. Kinunutan lang ni Thaicus ito ng noo at tinago sa likod nya ang kamay nya baka magdikit uli sa dalaga. "Lynx Rui Fuente nga pala kakalipat ko lang dyan sa Mt. Eve street. Masyadong madaming loko loko dito kaya ngayon nalang ako napagala, pero teka kanina ka pa walang kibo ah di ka naman pipi diba? Baka p--" di na natapos ni Rui ang kanyang sinasabi ng kumalam ang sikmura nito, agad syang napahawak sa tyan nya at natawa, nagulat si Thaicus dahil sa kadaldalan ng dalaga tapos ngayon ay pati sikmura nya ay nakisabay pa sakanya "Hehe, sensya na ah! Kanina pa ako di kumain eh nagmamadali hehe" saad ng dalaga, "Doon!" napatakip si Thaicus sa kanyang tenga ng biglang sumigaw ang dalaga sinamaan nya ng tingin ang dalaga na nagpatakip sa bibig ng dalaga "Doon oh kain tayo dun! Libre kita' dali! Baka maubusan tayo" hindi nya na inantay pang sumagot si Thaicus at agad nang hinigit ang braso nito papunta sa tindahan ng fishball.
Napakunot ang noo ni Thaicus ng inabot sakanya ni Rui ang stick at plastik na baso, pinanuod nya lamang kung pano tumusok ang dalaga sa kung anong di nya kilalang pagkain may dilaw, at palapad na bilog, meron ding mahaba na palutang lutang sa mantika. Nagtatakang bumaling si Rui kay Thaicus " Teka di ka ba kukuha? Tumusok ka lang dyan oh! Kahit ano! basta wag hilaw haha!" saad nito at sumandok ng ibat ibang klaseng sauce. "You want me to eat those shit?" nanunuyang saad ni Thaicus. Nanlaki ang mata ni Rui sa sinabi ni Thaicus napatingin sya sa nagbebenta at laking pasasalamat nyang di sya narinig nito. "Ang sama mo! Di yan shit! Fishball yan! Di ka ba kumakain nyan? San ka bang bundok galing? Tumusok ka nalang at isauce mo yung mantika!" sarkastikong sabi ni Rui agad namang tiningnan ni Thaicus ng masama si Rui ngunit nag peace sign lang ito. Napakain din si Thaicus para na rin maka alis na.
Alas singko na ng hapon at naglalakad na sila pauwi "Tas alam mo ba! Pinalayas kami kase di daw kami nagbabayad! Eh si papa kase kung di lang sugarol yun baka binili pa namin yung pera tyaka--" patuloy ang paglalahad ni Rui sa kwento ng buhay nya at si Thaicus ay walang ibang ginawa kundi ang mabagot sa kwento nya. Napatigil si Thaicus sa paglalakad ng tumapat sya sa St. Nya "Dyan ka na? Sige sige bye! Kita tayo bukas ulit!" winagayway ni Rui ang kamay nya tanda ng pamamaalam nya kay Thaicus.
YOU ARE READING
Ika labing-Limang Biktima
HorrorAng storyang ito ay naglalaman ng brutal at madugong pagsasalaysay, naglalaman din ito ng typographical errors, wrong grammars. Plagiarism is a crime. "Kriminal ako, wag tularan" - Thaicus Gil