Agad sumalampak sa higaan si Thaicus at inisip ang mga nangyari, masyadong mabilis ang pangyayare, noong nakaraan ay pinagmamasdan nya palang sa malayo ang dalaga at humaling na humaling na sya rito, pero ngayo'y bumuka ang bunganga nito at nasira lahat ng pagpapantasya nya.
Naalala nya kung pano nya kagustong tahiin ang bibig nito dahil sa pagkadaldal. Pero may side kay Thaicus na doon nya lang naramdaman na hindi sya mag-isa na may kasama sya ngunit magugulo ang buhay nya. At ayaw nyang may makaalam ng pinakatatagong sekreto nya dahil lang sa babaeng yun. Sa kabilang banda ay iniisip din sya ni Rui na ngayon ay yakap yakap ang unan nito at inaalala kung gaano kagwapo si Thaicus. Bagamat di nya pa alam ang pangalan nito ay nais nya itong makilala ng lubusan, lalo na ang kakaibang kulay ng buhok nito kulay abo, nagtitili ang babae ng maalala kung pano nagdikit ang balat nila, di nya inaasahan yun ngunit may kuryenteng tumawid sa katawan nya. Magdamag nyang inisip si Thaicus hanggang sa makatulog sya.
Alas dose ng gabi at ito si Thaicus pinagmamasdan ang natutulog na dalaga, tama umakyat sya sa bintana para makita ang dalagang mahimbing na natutulog at nasa maayos na kalagayan. Naguguluhan sya sa kanyang sarili dahil sya'y isang kriminal at dapat wala na syang pakealam kung may mangyaring masama man kay Rui lumapit sya sa dalaga at marahan na hinaplos ang pingi nito. Agad na napadilat si Rui at gulat na gulat na hinawakan ang kamay na nasa pingi nya. Agad syang napabalikwas ng maramdamang tao ito. Agad nabalutan ng takot ang kanyang katawan. "Waaah! Ma-" di natuloy ni Rui sumigaw ng takpan ang bibig nito ni Thaicus. "Don't shout, i won't eat you" kalmadong saad ni Thaicus kay Rui.
Nagulat naman si Rui ng marining ang boses at si Thaicus nga itong na sa loob ng kwarto nya. "Teka nga! Bat ka ba andito! Papatayin mo ba ako sa takot! Dap-" kabadong saad ni Rui "I kill you if i want to" saad ni Thaicus habang naglilibot sa kwarto ni Rui, tinitingnan ang mga baby pictures nito at iba pang family pictures. "Sira ulo ka ba? Teka! Alas dos na oh! Bat andito ka? May kailangan ka ba?" inis na saad ng dalaga at binato ng unan si Thaicus. Patuloy na pinagmamasdan ni Rui si Thaicus habang hawak hawak ang iba pang letrato. "Anong grade mo dito?" saad ni Thaicus at pinakita ang picture ng dalaga na naka gown kuha ito noong js prom. "Fourth year highschool ako nyan. JS prom yan" sabi ni Rui at agad na naghahanda ng pagkain dahil gutom na rin sya. "You look like a shit in here" nang aasar na sabi ni Thaicus. "Ang kapal ah, diko kasalanan kung panget yung pagkamake up sakin dyan" saad nito saka inirapan si Thaicus. "Go to sleep, maaga pa bukas" saad nito saka pinitik ang noo ni Rui "Aw! Buti naman alam mong maaga pa bukas, ewan ko ba kung bat nandito eh" di na pinansin ni Thaicus ang dalaga tyaka tumalon pababa at nilisan ang lugar nito.
Ika siyam ng tanghali ay nasa canteen si Thaicus habang bumibili ng kanyang pagkain, di nagtagal ay nakuha nya rin ito at pumili ng blankong mesa at pwedeng upuan. Sinimulan nya nang kumain ng may biglang bumatok sa ulo nya na dahilan ng pagkatapon ng pagkain sa kutsara, inis na tiningnan nya kung sino ang nangahas para gawin yun. "Ohayo! Thaicus-kun!" saad ng dalaga saka ginulo ang buhok ni Thaicus. Isinawalang bahala nalang ni Thaicus ang kasalanan nito at tumutok sa pagkain. "Patabi ah! Wala na kasing ibang bakante eh hehe!" saad nito habang binubuksan ang baunan nito
"Bat ka nabili dyan? Dapat nagbabaon ka nalang! Mas makakatipid ka!" saad ng dalaga habang dinuduro duro ang kinakain ng binata na kanin at ulam. "I just want to, so what?" pagsusungit nito tyaka sinubo ang isang hiwa ng patatas. Di katagalan pa ay natapos na ang oras ng recess nila.
Ilang oras pa ay uwian na rin. Agad tumungo si Thaicus sa locker para maglagay nag mga libro nito. Ngunit di nya inaasahang makikita nya sa labas si Rui na sinasampal ng babae sa tingin nya ay isa itong sikat na babae sa eskwelahan nila, agad syang lumapit kay Rui at pinagmasdan itong pulang pula na ang mukha
"One more slap and i'll make you suffer to hell"
nakakakilabot na pagbanta nito sa dalagang balingkinitan ang katawan, agad naman napapitlag ang dalaga saka namutla ng makitang si Thaicus ang nasa harapan nito. "T-Thaicus.." usal ng dalaga saka tumakbo palayo sa kanila. Nanatili paring tahimik ang dalaga at nakayuko.
Iniangat nya ang mukha ng dalaga at pinagmasdan ang namamaga nitong mukha "Dapat lumaban ka" saad ni Thaicus habang tinitingnan ang mukha ng dalaga, di makapagkakailang maganda parin ito kahit namamaga na ang mukha, (siguro ay maganda rin sya kapag tinanggalan ko na sya ng mukha?) agad napailing ang binata ng maisip iyon. Ngunit walang kibo parin si Rui.
"Tara, pagamot natin yan sa clinic" hinila nya si Rui at dinala sa harap ng clinic ngunit walang nurse na naabutan sila doon. Agad na nainis si Thaicus at pinasok si Rui sa loob, iniwan nya itong nakaupo sa kama at pinakelaman lahat ng drawer doon kung may pwede syang makitang pampa-cold compress, bawasan ang pamamaga ng pisngi ng dalaga.
Ang dalaga ay patuloy parin sa pagtitig sa sapatos at nanatiling walang kibo. Inilapit nya sa mukha ng dalaga ang telang may lamang yelo para ipahid sa mukha ng dalaga ngunit natigil ito ng nagsalita ang dalaga "You shouldn't help me next time" saad ni Rui "So are you telling me there's more next time?" nang aasar na usal nito saka napahalakhak. Pinagpatuloy nalang ni Thaicus ang ginagawa.
YOU ARE READING
Ika labing-Limang Biktima
HorrorAng storyang ito ay naglalaman ng brutal at madugong pagsasalaysay, naglalaman din ito ng typographical errors, wrong grammars. Plagiarism is a crime. "Kriminal ako, wag tularan" - Thaicus Gil