Chapter 8

61 2 0
                                    

Lynx Rui's POV

Nagising ako ng isang sinag ng araw ang tumama sa mukha ko, umaga na pero ganun parin mabigat parin ang pakiramdam ko.

Nag unat ako ng katawan at kinapa ang sarili, walang duda, may lagnat parin ako ngayon.

"You're awake"

Halos atakihin ako sa puso dahil sa pagkabigla. Walang pinagbago eto parin si Thaicus at prenteng nakaupo sa swivel chair ng study table ko. Agad ko naman syang sinamaan ng tingin.

"Woman, don't give me that stare, is that your way of saying 'Goodmorning'?" sarkastikong saad nya tyaka tumayo at naglakad papalapit sakin.

"Inamo talaga! Papatayin mo ba ako sa gulat? Lagi  ka nalang nasulpot! Para kang kabute bigla bigla nalang susulpot! At wag mong susubukang lumapit Mr. Thaicus! May kalalagyan ka!"

Di ko alam kung saan nanggaling lakas ko para sigawan sya kahit may lagnat ako. Ha! Anong akala nya? Di sya nagpakita sakin ng isang buwan tas susulpot sya ngayon? Ha! Binato ko sya ng unan pero mabilis naman nya itong sinalo.

"Why mad? Aren't you sick?" saad nya tyaka humakbang pa lalo palapit. Naka hoodie sya ngayon na gray nag-match naman yun sa buhok nyang kulay abo pati na rin ang nakakahumaling nyang mata na kulay abo.

"Hep! Wag kang lalapit! Ano akala mo sakin? Bigla bigla ka nalang mawawala tas ngayon susulpot ka? Ganyan naman kayo eh! Magaling kayong mang iwan tapos ba--" diko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong pinitik sa noo, kaya automatiko akong nagpagulong gulong sa kama dahil sa sakit

"That's what you've got, for scolding me 'mom'" nanunuyang saad nya tyaka sumalampak sa higaan ko, bale nasa paanan ko sya ngayon.

"May inasikaso lang ako, at importante yun, kaya wag ka nang magbunganga dyan" muling saad nya tyaka ako inirapan.

Importante? Duh! Tapos di naman lang ako sinabihan! Argh! Ihateyou Kikiam!

Busy pa ako sa pagtitig sakanya ng masama pero bigla syang bumangon at lumapit sakin, idinikit nya ang noo nya sa noo ko. T-teka...

Dugdug....dugdug...

"A-ano bang g-ginagawa mo! H-ha!" namumulang saad ko tyaka inilayo ang ulo ko sakanya. Shems! Yung puso ko!!

"Stay still, namamanhid yung kamay ko, kaya di ko mararamdaman temperatura mo." seryosong saad nya kaya sinunod ko nalang sya. Shems! Yung puso ko! Ikennat!

/Siguro'y umiibig kahit di mo pinapansin🎧🎶/

Gusto ko nang takpan mukha ko dahil siguradong mukha na akong kamatis sa sobrang pula ng mukha ko! Tangina mo sagad Thaicus!

"You're hot, uminom ka na ba ng gamot mo?" kunot noo nyang tanong nang hiniwalay nya pagkakadikit ng noo nya sa noo ko.

Duh!! Malamang nag iinit na mukha ko dahil sayo! Idiot!!

"D-dipa! T-teka nga! L-lumayo ka nga!" nag iwas ako ng tingin saka itinulak sya dahilan para mapahiga sya.

"Jeez why so harsh? Tsk. Magpagaling ka na. Babalik ako dito mamaya." saad nya saka sumampa sa bintana.

"U-ugh teka! Anong oras ka babalik?" shems! Rui! What a question! Siguradong iisipin nya na gusto mo syang makita at excited ka pa! Kaharutan mo Rui!!

"Just need to take a bath nag-iinit na ako--"

"Juskopo! Sinong nag-iinit?"

Napapitlang naman ako nang biglang sumulpot si lola sa pinto at nabitawan nito ang mga gamot na kailangan kong inumin ngayon. Sheteeee! Baka isipin nya nag iinit kaming dalawa ni Thaicus!!

"A-ah lola w-wala ho yun! May kinwento lang po si Thaicus! Diba?hehe!" para na akong natataeng aso dito sa ngiti ko, bumaba naman si Thaicus sa pagsampa at nagmano kay lola.

"Pasensya na po lola, nagulat ko pa ata kayo" saad nito saka ngumiti kay lola. Ang gwapo shems wah!

"Harujusko mga bata kayo! Talagang mapupusok mga kabataan ngayon! Nako nako! Osya! May tiwala naman ako sainyo apo ko, dinala ko nga pala ang mga gamot, dahil kakain tayo sa baba at magpagaling ka na ah?" saad ni lola piring.

Ang sweet ng lola ko, sya na kase ang nag alaga sakin mula pagkasanggol kaya itinuring ko na syang nanay ko pero lola parin tawag ko hehe.

"Ah sige po mauuna na po ako magandang umaga" saad nya tyaka lumabas ng pinto.

Dahil di naman sya makakalabas ng bintana dahil malalaman ni lola yun at tiyak ipapasara nya yun dahil ganun pala kabilis maaring umakyat ang mga masasamang loob.

"Apo" napalingon naman ako kay lola na ngayon ay kanina pa nakatitig sakin.

"P-po? Lola? Ok ka lang po ba?" saad ko pero nanatili pa rin syang blanko.

"Kung papalarin, nais ko sanang masilayan ang apo ko sa tuhod pag magkataon bago ko lisanin ang mundo" saad nya tyaka tinusok tusok ang tagiliran ko.

Shemay ka lolaaa!! Agad naman akong namula dahil sa sinabi nya. Hahampasin ko sana sya sa balikat pero bigla nalang syang natatakbo pababa habang humahagikhik. Hayst!

Ika labing-Limang BiktimaWhere stories live. Discover now