Lumipas ang araw at nakatatak parin sa utak nya lahat ng sinabi ni Rui, nararamdaman na rin nyang nagbabago ang sarili nya, nakakaya nya nang hindi pumatay para lamang kay Rui, mahal na mahal nya ang dalaga handa itong magbago para sakanya, ngunit di sya nararapat kay Rui, ang isang demonyong lalake ay hindi pwede sa relihiyosong babae, dadalhin nya lang si Rui sa impyerno kung magkakagayon, kaya mas mabuting, iwasan nalamang nya ito hanggat di pa sya napapamahal ng sobra sa dalaga.
Araw ng pasukan ay maaga syang naalis sa bahay nya upang di sya maabutan ni Rui, sa loob ng mga taon na magkasama sila lagi syang dinadaanan ni Rui sa tuwing papasok, sabay silang kakain ng umagahan...naalala nanaman nya si Rui yung makulit na babaeng pumepeste sa buhay nya, ang maamo nitong mukha. Ngunit hindi pwede.
Di rin sya matatanggap ni Rui pag nalaman nito ang tunay nyang pagkatao, mamahalin nya nalang ito nang patago, dahil dun naman nag umpisa ang lahat sa patagong nararamdaman.
Lingid sa kanyang kaalaman hinahanap sya ni Rui, iniisip ng dalaga na baka may sakit ito kaya di nalabas ng bahay o siguro wala talaga sa bahay. Nagtatanong tanong na rin sya sa guro kung pumasok ba ang binata ngunit di nya lang daw talaga ito naabutan, sumisikip ang dibdib nya nang umabot ang pag iwas nit Thaicus kay Rui ng isang buwan.
Ilang gabi ang dumaan at walang Thaicus na nakakasama ang dalaga.
Ika labing isa ng gabi, umuulan, at tanging nilalamig na dalaga na balot na balot ng kumot at inaapoy nang lagnat si Rui. Tulog ang kanyang lola kaya di nya ito maistorbo, wala syang magawa kundi indahin ang panglalamig at tibok ng pusong sugatan.
Bumuhos ang mga luhang matagal nya nang pinipigilan, iniisip nya kubg bakit wala si Thaicus, walang nagsusungit sakanya, walang sumisigaw sakanya pag pinagtitripan nya ang binata, namimiss nya na ang lalaking pumuno ng pagkukulang sa buhay nyang malungkot.
Kumalabog ang bintana nya, napapikit nalamang sya dahil sa malakas ng paghampas ng hangin sa kwarto nya. Nagulat sya ng may sunod sunod na batingaw ng sirena ng pulis na dumaan sa street nila.
Napabalikwas sya at nagsuot ng jacket. Sumilip sya sa bintana at inalam ang nangyayari, malakas parin ang pagbuhos ng ulan, pero isinawalang bahala nya ito at lumabas ng bahay, nakiusisa sya at sinundan ang mga pulis kung saan papunta, di sya dapat narito pero ito ang sabi ng puso at isip nya, kailangan nyang sundan ito.
Tumakbo sya palabas ng bahay at tanging sarili lang ang dala, tumakbo sya ng tumakbo para maabutan ang mga pulis, pero natalisod sya sa batong nakausli at nagdulot ng malakas na pagbagsak nya sa basang sahig.
Unti unti syang tumayo at nakitang may dugo ang tuhod at siko nya, pero di nya ito ininda dahil walang wala ito sa sakit na nararamdaman nya.
Gusto nyang sumigaw para malabas lahat ng nararamdaman nya pero nauwi lang ito sa malakas na paghagulhol nya at tila sumabay ang ulan sa pag agos ng luha nya.
"Ang tigas talaga ng ulo mo" napapitlag sya ng marinig ang nagsalita agad syang napalingon kahit nanlalabo na ang mata nya, bumibigat ang pakiramdam nya.
"K-Kikiam.." saad ng dalaga. Agad syang tumakbo patungo sa lalaking kaharap nya. Kumirot ang puso ni Thaicus ng marinig ang boses ng mahal nya, lalo na ng makita ito sa kalagayan nya, inaamin nyang miss na miss nya na ang dalaga at gusto nya na itong yakapin ngunit hindi pwede. Isa syang kriminal na hinahabol ng mga pulis ngayon.
"Sino nagsabi sayong lumabas ka sa gantong kasamang panahon?" naiinis na saad nya. Nagulat sya ng bigla sya nitong yakapin at agad na umiyak ng puno ng pait. Pareho na silang basa ng ulan. Hinawakan nya ang dalaga at nagulat ito ng maramdamang sobrang init nya.
"Rui! Nilalagnat ka! Ano bang nasa is-" galit na usad ni Thaicus "Bat mo ko iniwan? San ka galing? B-bat ka u-malis?" patuloy na saad nito habang hirap na hirap magsalita.
"Makinig ka sakin dapat nagpapahinga ka!" sunod sunod na umiling ang dalaga bilang pagtutol nito "A-ang tagal k-kitang hinanap, b-bat wala k-ka?" kumirot ang puso nya di nya kayang makita ito sa gantong kalagayan, ngunit para rin ito sa ikabubuti nya. "Umuwi ka na, ihahatid na kita" hinila nya ang braso ng dalaga ngunit bigla itong nagpumiglas kaya napabitaw sya rito.
"Bat ka ganyan! Bakit di mo pinapansin ang nararamdaman ko! Hinanap kita! Di mo ba alam kung gaano kasakit sakin na nasanay ako sa presensya mo pero nawala ka nalang ng walang pasabi? Kaibigan kita--" si Rui.
"Yun nga! Nakikita mo lang ako bilang kaibigan! Matagal na akong nagmamatyag sayo, matagal ko nang gustong sabihin kung ano itong nararamdaman ko, pero @$#*%& wala kang alam! Gusto kitang yakapin! Gusto kong isigaw na mahal na mahal kita, pero ano? Di tayo pwede, kase di ka nababagay sakin, ayokong maging impyerno ang danasin mo sakin, mahal na mahal kita pero, duwag ako para ipaglaban ka...mahal kita pero mas pipiliin kong pakawalan ka."
bumuhos ang mga luhang di ko alam kung saan nanggaling di ko aakalaing may luha pala akong mailalabas tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis, lilisanin ang lugar kung saan nakilala ang babaeng nagpabago ng pananaw ko, pero mapaglaro ang tadhana, ikaw ang matatalo kung hindi mo sasabayan ang laro.
Sunod sunod na sasakyan ng pulis ang bumungad sa harapan nya, pati na rin ang maingay na alingawngaw ng sirena. Ito na...ang kinatatakot nya..alam nyang dito ang hantungan nya..tumingala sya upang tingnan ang langit na umiiyak.
Agad na nagbabaan ang mga pulis dala dala ang kanilang mga baril at nakatutok ito sa kanilang dalawa. "Wag kayong kikilos! Napapalibutan namin kayo" saad ng pulis na ngayo'y di iniinda ang pagbagsak ng ulan.
Ngunit sinuklian lang sila ni Thaicus ng isang malakas na tawa na kinagulat ni Rui, ngayon nya lang nakita ang ganitong uri ng pagkatao ni Thaicus, nakakakilabot...nakakatakot ang awrang bumabalot sakanya ngayon.
"Ako lang ang kailangan nyo diba? Kunin nyo na ko wag nyo syang isama" sabi nito habang natawa. Napaupo sa takot si Rui, at di nya alam kung ano ang nangyayare, gulong gulo sya sa nangyayare, bakit may mga pulis? Bat ganto si Thaicus? Anong meron? Anong nangyayare? Mga katanungang di nya maisatinig bumaling ng tingin sakanya si Thaicus
"Umalis ka na, magpahinga ka. Kailangan mong magpagaling." sabi nito habang nakangiti. Bat sya nakangiti? Pano nya nagagawang ngumiti habang may mga pulis sa paligid namin? "T-Thaicus...a-anong ibig sabihin n-nito" nanginginig na saad ni Rui.
YOU ARE READING
Ika labing-Limang Biktima
HorrorAng storyang ito ay naglalaman ng brutal at madugong pagsasalaysay, naglalaman din ito ng typographical errors, wrong grammars. Plagiarism is a crime. "Kriminal ako, wag tularan" - Thaicus Gil