Chapter 7

54 2 0
                                    

Lynx Rui's POV

/tumatakbo ako at hawak nya ang kamay ko....teka si Thaicus, bat sya nandito? Napalingon ako sa likod ko may mga pulis na humahabol samin

"Tumigil na kayo! Palibutan sila! Dapat Walang lugar na matatakasan ang isang kriminal!" sigaw ng pulis na bakas sa mukha nya ang pagkamuhi samin....o sa taong may hawak ng kamay ko ngayon?..

Hinigpitan ko pa ang pagkapit sa kamay ni Thaicus, para iparamdam sakanyang di sya nag-iisa, napalinga sya sakin at mas binilisan pa namin ang pagtakbo.

"T-thaicus bakit? K-kailan pa?" hindi ko alam kung bakit lumabas sa mga labi ko ang katagang yun.

Di ako naiiyak, di rin ako malungkot, parang tinakasan ako ng emosyon.

Pinagmasdan ko lang sya at halatang kanina nya pa tinitiis ang pagod bukod dun, pinipigilan nya lang lumuha dahil namumula na ang kanyang mata.

Di nya lang ako inimik at patuloy parin sya sa pagtakbo, ang isang kamay nya ay itinatakip nya sa tagiliran nya na ngayon ay nagmimistulang gripo sa sobrang dami ng umaagos na dugo.

"Kikiam b-bakit di m-mo sinabi?" hingal na hingal na ako sa pagtakbo at ang tanging nagawa ko lang ay ang bumitaw sa pagkakahawak nya, na ikinabigla naman nya.

"RUI ANO BANG GINAGAWA MO! DI KA PWEDENG MAABUTAN NG MGA PULIS!" Sigaw nya sakin na dahilan kaya tuluyang bumuhos ang mga luha ko.

"Bakit may p-pulis? B-bakit tumatakbo t-tayo? W-wala akong maintindihan T-thaicus?" tuluyan nang bumuhos ang mga luha na matagal ko nang pinipigil, gulong gulo ako bat ganto anong nangyayare, di naman masamang tao si Thaicus diba?

Hinawakan nya ang mukha ko, at iniharap ako sakanya, bumubuhos na din ang luha na nakisabay sa pag luha ng kalangitan.

"Listen to me ok? I'll protect you no matter what, i don't fucking care even if it cost my life just to save you baby....marami nang nawala sakin at diko maaatim kapag ikaw ang mawala sakin" sabi nya at idinikit ang noo nya sakin. His words gave peace to my messed mind and wounded heart. Sana ganto nalang kami palagi....

"T-thaicus m-mahal kita, at gusto ko ring sabihin mo na mahal m-mo rin ako" pagsusumamo ko sakanya. Ipinikit nya ng mariin ang mata nya at napakagat sakanyang labi.

bumitaw sya sa pagkakahawak sakin at umatras, lumuhang mga mata nya lamang ang nakikita ko.

"I'm sorry....sorry baby I'm sorry...." saad nya at kinuha ang patalim sa tagiliran nya.

Tila nabalutan ng lamig ang buo kong katawan at di ko magawang igalaw ang sarili ko.

"T-Thacus di magandang biro y-yan" saad ko nanginginig na ang labi ko, babagsak na ang katawan ko ngunit wala pa toh sa bigat ng nararamdaman ko. Lalo na't may hawak syang patalim.

"Mahal din kita..."

Huling katagang sinabi nya at saka itinarak sa puso ang patalim.

H-hindi...
Hindi!!!/

"THAICUS!!"

Agad akong napabangon sa higaan, pawis na pawis ako at nanlalamig ang katawan ko, inikot ko ang akin paningin.

Nasa kwarto parin ako, panaginip lang. Isang napaka samang panaginip.

Napadapo ang kamay ko sa isang basa na towel. Na siguro inilagay ni lola habang tulog ako.

"You're starting to creeped me out, pati sa panaginip? Pinagnanasaan moko?"

Napapitlag ako na dahilan ng pagkahulog ko sa kama, tangina?masakit yun ah!! Agad naman nya akong tinulungan at inalalayan pahiga ulit sa kama.

"Tatanga tanga kase eh, Di mo inaalagaan sarili mo" seryosong saad nya habang inaayos ang kumot sa buo kong katawan. Masama naman akong tumingin sakanya dahil sa ka sweetan nya.

"B-bakit ka andito? Hobby mo ba talaga umakyat ng bahay na may bahay?" saad ko

"Bat moko napanaginipan?" nang aasar na saad nya sabay ngisi, edi sya na gwapoooo!! Epal.

"Kapal ah! Di kita napanaginipan! Asa ka!" saad ko bago rumolyo patalikod sa kanya. Diko parin makalimutan yung panaginip ko, masyadong creepy yung panaginip ko at wala akong maintindihan.

"Kailan ka gagaling?" saad nya habang naglilibot sa loob ng kwarto ko. Seriously? Mukha bang luneta kwarto ko at hobby nya na mag ikot dito? Haha.

"Sino namang pasyente ang malalaman agad kung kelan sya gagaling" sarkastiko kong saad tyaka inirapan sya.

"Pero may mga taong alam kung kailan sila mamamatay" seryosong saad nya. Na dahilan ng pagtaasan ng balahibo ko.

"Tumigil na kayo! Palibutan sila! Dapat Walang lugar na matatakasan ang isang kriminal!"

"Tigilan mo kakaisip ng malalim, magpahinga ka na, magpagaling ka na" saad nya saka sumampa sa bintana.

"Sus miss mo lang ako eh noh?" saad ko saka nagpabebe voice. Haha

"Sobra" huling katagang sinabi nya. Pero sapat na para bulabugin ang sistema sa buong katawan ko.

Ika labing-Limang BiktimaWhere stories live. Discover now